Lucianda Solero
I CAN STILL REMEMBER the first time I met Alejandro Montalbo. He was way older than me, matured and serious in life. His choice of fun is far different from mine. Or maybe we don’t blend because of our differences. But despite of our opposite attributes and age gap, I was damn attracted at him. I like him so much.
I am the Solero’s Princess, lumaki kasama ang mga lalaki kong pinsan at kapatid kong lalaki. Lumaki ng matapang at palaban. Natutong tumayo sa sariling mga paa. Hindi ko alam kung bakit at paano, marahil walang babae sa pamilya namin bukod sa aming ina.
Solero, mapanlinlang at mautak. Ganun kung ilarawan ang pamilya namin. Hindi kami pumapayag na maging dehado, na makawawa. Hindi kami pumapayag na natatalo. We know our value, we know our worth. Kumbaga sa lupa, alam namin na kami ang ginto. Minsan iniisip ko, Solero ba talaga ako? Bakit ako ang naghahabol? Bakit ako ang nagpapaalila? Bakit ako ang nagbibigay? Bakit pumapayag akong maging dehado at magpasakob, para lang sa isang lalaki?
I get cringed every time a boy confesses his feelings towards me. I don’t like it, it’s no fun. Ngunit tila nagayuma ako matapos ipakilala sa akin ng kaibigan kong si Ninya ang nakatatanda niyang pinsan. We were in high school that time, graduating!
“This is Kuya Alejandro… Montalbo,” dagdag niya na tila nag-aalangan pa sa apelyidong sasabihin. Tila may tensyon sa pagitan nilang dalawa. Tila hindi maayos ang kanilang relasyon. And I heard the story, there is a conflicting relationship between Ninya and her relatives. But to dig deeper on it, hindi ko na alam pa iyun.
The man casually extended his palm at me. Panandalian pa akong natulala roon bago tanggapin, kumalabog ang dibdib ko at napalunok ako. He has this manly built of body, broad chest and rigid jaw that moves firmly showing no compassion. But his soft lips telling me that not every part of him is hard, there will be a single softness that will makes my body trembled. Ang mga mata nito ay hindi ko mabasa, blangko at tila may distansya. Samantalang ang kanyang ilong naman ay nasa ayos at matangos. His thick eyebrows are the reason why he looks a bit unfriendly, lalo na tuwing nagsasalubong iyun.
Akala ko noon ay kaya kong makipagsabayan sa mga mas may edad sa akin, dahil masyadong maaga nag-matured ang katawan ko. Matangkad ako, may kurba ang aking katawan. Ngunit ngayong nasa harapan ko na ang lalaking ito, bigla akong nanliit at nagmukhang bata. He looks matured.
“Lu-lucianda Solero,” I whispered that made Ninya confusedly glanced at me. Like there is something wrong on my low voice. “Nice meeting you po.”
Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at humarap sa kanyang pinsan.
“Come home with us, Nins. We will enroll you to a good school in college. Hindi mo na kailangang makisama sa mga Buenavidez at Castaniada. We are here, your real family,” the man whispered like he can take care everything. Like he handles it well. Tila ba sobrang sarap maranasan na alagaan niya.
Nanatili ako sa kanilang tabi, hindi alam kung bakit nandito pa rin ako at natunganga. Nakikinig pa sa kanilang pag-uusap. Ninya shifted her glance at the visitors who just came in. Debut niya at abala ang lahat, ang mga bisita ay pili lamang. Ginaganap ito ngayon sa isang resort.
“Wait lang, Kuya Alejandro,” pangde-deadma ni Ninya sa mga sinabi nito at nagmamadaling umalis para lapitan ang pamilyang Buenavidez na kakarating lang.
I heard him took a heavy sighed and accidentally casted a glanced at me. Tumikhim ako at umayos ng tayo. I don’t feel pretty at my cocktail dress, sana pala simpling dress lang ang sinuot ko. Nagmukha tuloy akong flashy na agaw atensyon. I suddenly want to wear a simple elegant dress and bunned my hair in order to look matured. Because I look like a little girl in this pink dress.
“Your family is the CEO of Montalbo Grande Hotel?” tanong ko para makuha ang atensyon nito. Alam ko iyun, kilala ko ang pamilyang Montalbo. Ngunit ang hindi ko alam, mayroon palang Alejandro Montalbo na ganito kakisig at guwapo.
“Yes,” tipid niyang sagot at inabala ang atensyon sa paligid.
The party is just starting. It’s not super extravagant. Simpli lang tulad ng gusto ni Ninya. She doesn’t follow the traditional way to celebrating the debut. May sarili siyang pamamaraan kung paano iyun gagawin.
“Ninya is so independent. She was the one who planned her debut, but of course we helped her.” Gusto kong humaba ang pag-uusap namin. He glanced at his wristwatch, nanatili man ang tayo ngunit malayo ang atensyon sa akin. Mas lumapit ako sa tabi niya. “You probably met Rico. He is Ninya’s boyfriend. Inaalagaan siya—”
“She just turned eighteen.” Humarap siya sa akin na kaswal lamang ang expression. “Hindi pa rin katanggap-tanggap na nagsasama na silang dalawa. Bata pa si Ninya.”
“Hindi pa naman sila nagsasama. Ninya is under the Castaniada’s house, minsan bumibisita siya kay Donya Celestial. She is still guided—”
“Ilang taon kana?” napanguso ako sa paglapit niya sa akin. “I assume that you’re just eighteen.”
“Se-seventeen pa lang, pero malapit na ang debut ko.” He sorted and smirked. Mas lalo lang hindi naging maganda ang tingin niya sa akin.
“You don’t know anything about what you’re saying. Bata ka pa at ang mga batang katulad mo ay dapat pag-aaral ang pinagkakaabalahan. I don’t like Ninya’s friends, kaya siguro maaga siyang nag-nobyo dahil sa mga nakikita sa inyo,” sambit niya sa mababang boses.
“Hindi ah! Wala akong boyfriend, noh,” mariin kong tanggi.
Nagkaboyfriend na rin naman, pero laro-laro lang yun. Hindi yun seryoso. Ngayon, wala pa naman akong boyfriend. Fling lang... masama ba yun? Matu-turn off ba siya kapag sinabi ko yun? Syempre hindi ko sasabihin!
“Ikaw? May girlfriend kana ba? Ilang taon kana? Hindi naman ata nalalayo ang edad nating dalawa para pagsabihan ako ng mga ganyang bagay. For sure may girlfriend ka rin naman,” bulong bulong ko at umangat ang tingin sa kanya.
His eyes dropped on me and on my body. I suddenly shiver on his arrogant gaze, I felt so low and embarrased. My confidence dissapeared. I lost it all, my senses is out of nowhere. Tanging pagkalabog lang ng dibdib ko at panginginig ng tuhod ko ang nararamdaman ko ngayon. May konting kaba ngunit mas nangingibabaw ang paghanga sa kanya.
“I’m twenty-two. And I am busy studying med to entertain a woman. Ganun dapat, Miss Solero. Pag-aaral ang inaatupag, hindi mga lalaki.” He inserted his both hands in his pocket.
Saan naman niya nakukuha ang mga yan? Wala ngang lalaki, Mr. Montalbo! Wala nga akong kasamang lalaki ngayon kundi ikaw.
“Bakit ako ang pinagsasabihan mo? Si Ninya ang pagsabihan mo, wala nga akong bofriend eh.” A cunning smile crept on my lips when I remember that he is not in a relationship. “Tsaka pwedi naman pagsabayin iyun, basta alam mo ang priorities mo. Doctor Montalbo,” malambing kong tawag sa kanya at matamis siyang nginitian.
He licked his lower lip and sighed heavily. Tumagal ang titig sa akin at napaawang ng labi.
“You’re the first woman who call me that,” he murmured amusingly. Bigla akong natunaw sa konting ngisi sa labi niya, kahit konti lang yun pero para bang lumiwanag ang paligid. “Sana maging Doktor nga.” Mas gumaan na ang pakiramdam niya kumpara kanina na masama ang timpla sa pagdating ng mga Buenavidez at Castaniada. Ayaw niya kina Rico at Siv, babae si Ninya at hindi niya pamilya ang mga ito kung kaya naiintidihan ko kung saan siya nanggagaling bilang isang Kuya ng kaibigan ko. Bilang isang tunay na kadugo ni Ninya na pinagkaitan ng karapatan na alagaan siya.