Kabanata 30: Utang

1796 Words

LIGAYA'S POV: -- PAGKARATING ko sa apartment, nadatnan ko si Ivy at Joan na nag-aayos ng kanilang sarili. Anong oras na pero nakabihis sila? "Aalis kayo?" Usisa ko sa kanilang dalawa nang makapasok ako sa kwarto namin. "Oo, sa bar. Maraming customer at kailangan naming kumayod ni Ivy. Wala na rin akong ipon at mukhang maisusugod sa ospital si Nanay. May sakit 'yon sa puso eh." Ani ni Joan. Sumampa ako sa double deck at saka ko hinawi ang kurtinang tumatabing dito at naupo ako habang tinitignan silang dalawa. "Three hundred nga lang din ang pera na meron ako. Wala pa akong pambayad sa upa." Namomroblemang wika ko. "Pwede ka naman humiram sa akin. Magkano ba kailangan mo?" Ani ni Ivy na siyang ikinagulat ko. "H-Hindi na. Maghahanap na lang ako ng ibang mapagkikitaan." Pagtanggi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD