LIGAYA'S POV: -- "HINDI pa ba tayo uuwi?" Tanong ko kay Grace nang makalapit ito sa sink. "Malalim na rin naman ang gabi saka may pasok tayo bukas." Aniya kaya naman tinanguhan ko na lang ito. Agad na kaming lumabas sa c.r at bumalik sa mesa namin kaso nagulat kami nang makitang nakasubsob na sa mesa si Erin. "Problema ng isang 'yan?" Tanong ni Grace bago naupo sa kanyang silya. "Lasing na." Ani naman ni George. Napailing na lang kami ni Grace at saka muling inatupag ang alak na nasa harap namin. Marami pa ang inorder ni Erin at malamang hindi namin ito mauubos. Bumangon mula sa pagkakasubsob si Erin at nginitian niya kaming dalawa. "Tara sa dance floor?" Aniya. "Tara?" Nakangising sambit ni Grace. Tatanggi na sana ako nang basta na lang ako nitong hinila papunta sa gitna ng dan

