LIGAYA'S POV: -- TILA hindi ako makahinga dahil parang may nakapatong na mabigat na bagay sa dibdib ko. Kaya naman marahan akong pumihit at laking gulat ko nang tumama ang mukha ko sa isang matigas na bagay. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang matipunong dibdib at unti-unti kong itiningala ang paningin ko at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang isang gwapong nilalang na nakayakap sa akin. Umiwas ako ng tingin dito at bumagsak yon sa katawan naming magkayakap at doon ko lang napagtanto na wala akong damit. 'Anak ka nang tatlumpu't puting tupa Likhil Ganika! Anong ginawa mo!?' Sigaw ko sa isip ko bago dahan-dahang inalis ang braso ng estranghero na nakayakap sa akin. Nilingon ko pa ito at baka magising dahil sa ginawa kong pagkilos

