LIGAYA'S POV: -- THE next morning, I decided to change my hair color kaya naman pumunta ako ng salon na malapit lang sa TDB Hotel and Casino. "Sigurado ka ba Madam sa balak mo? Sayang naman ang hair mo." Ani nang hair stylist na siyang mag-aassist sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya na magpapagupit ako nang hanggang balikat at papakulayan ko na rin ito para lalong mahirapan ang parents ko sa paghahanap sa akin. "Yes po. Kailangan ko lang po kasi." Nahihiyang sambit ko. "Sige na nga. Ang fairy godmother mo na ang bahala." Nginitian ko na lamang ito hanggang sa magsimula na siyang galawin ang buhok ko. Sa ilang taon na pag-aalaga ko sa buhok ko, ngayon ko lang naisipang putulin 'yon dahil na rin sa kagustuhan kong makawala na sa poder ng parents ko. It's been three days since I came her

