Kabanata 7: Ligaya Saroza

1615 Words

LIGAYA'S POV: -- INGAY ng sasakyan at mga nagkakagulong tao ang siyang nakapagpa-gising sa akin. Kaya naman agad kong iminulat ang mga mata ko at pagtingin ko sa paligid, ako na lang ang naiwang pasahero sa loob ng bus. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang aking bagahe at saka ako bumaba ng bus. Ito ang unang beses na masilayan ko ang syudad at tila bago sa pandinig ko ang ingay ng paligid mula sa mga sasakyan at abalang mga tao. "Irmita, Irmita!" "Visayas kayo dyan!" "Oh, mani mani mani!" "Manong 'yung gamit ko pasuyo naman po.." Samu't-saring senaryo ang nakikita ko sa paligid at tila normal na ang ganito karaming tao dito sa terminal. Kaya naman niyakap ko ang bag dahil talamak daw di umano ang nakawan dito sa syudad. Agad kong isinuot sa hoodie ang strap ng bag ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD