LIGAYA'S POV: LULAN ng pribadong sasakyan. Nagpahatid ako kay Kuya Meynard sa bayan. Tuwang-tuwa pa nga ito na makitang lumabas ako ng kwarto ko at heto nga magkasama kaming dalawa. "May mga bibilhin ka ba Ganika? Okay lang sa akin na magbitbit ng mga gamit." Nakangiting usisa nito pero wala doon ang isip ko. "Magmaneho ka lang Kuya Meynard at dalhin mo ako sa bangko." Tamad na utos ko rito. Hindi na umimik pa si Kuya Meynard at mukhang naramdaman niyang wala ako sa mood. Kaya naman tahimik ang buong durasyon ng byahe ko hanggang sa makarating kami sa bayan. Huminto sa parking lot ng isang bangko ang sasakyan at matapos patayin ni Kuya Meynard ang makina, agad akong bumaba. "Hintayin mo na lang po ako dito Kuya. Mabilis lang naman po ako then pupunta na po tayo sa market place." "Sig

