Kabanata 5: Jerome

1610 Words
LIGAYA'S POV: "HINDI ka masamang anak, Ganika. Hindi lang kayo magkaunawaan ni Don Ganikus kaya ganito ang kinahantungan niyo." Aniya bago inilabas mula sa karton ang isang latest model ng apple product na laptop. "Woah! Ang ganda naman nito?" "Kunin mo na kung gusto mo. Hati na lang tayo sa mga regalo sa akin." Natigilan si Jerome habang sinisipat ang laptop na hawak niya. Gaya ko ay magkokolehiyo na rin ito at isa siya sa mga pinapaaral ng foundation na pagmamay-ari ni Mama. "Sigurado ka? Mahal 'to, Ganika." Aniya. Tinanguhan ko na lang siya at wala nang nagawa si Jerome kundi ang tanggapin ang sinabi ko. Hindi naman ako materialistic na tao at isa pa hindi ako lumaki sa ganoong bagay dahil kaya ko namang bumili kung kailangan ko talaga. Hindi ako napilit ni Jerome na lumabas ng bahay at halos isang buwan na ang nakalipas mula nang magtangka akong magpakamatay. "Hindi mo pa rin ba kakausapin ang mga magulang mo?" Basag ni Jerome sa katahimikan ko. Nandito kami ngayon sa terrace ng kwarto ko kung saan naglalaro kaming dalawa ng board games. Magaling na rin ang braso ko at tanging peklat na lang ang naiwan doon at wala akong balak na tanggaling ang benda dahil yun ang magiging palatandaan ko na minsan ko nang isuko ang buhay ko. "Hindi. Hanggat hindi nila binabawi ang kasunduan na 'yon, hinding-hindi ko sila kakausapin." I answered in a plain tone. Sa loob ng isang buwan, malaki ang pinagbago ng ugali ko. Hindi na rin ako nag-enroll sa isang university kung saan pumapasok si Jerome dahil ano pang silbi ng edukasyon sa akin kung tinuturing naman ako ng mga tao sa paligid ko na isang hangal at bobo. Naging malamig rin ang pakikitungo ko sa sariling kong magulang at tanging kinakausap ko na lamang ay si Jerome at si Yaya Meding. Hindi na rin ako sumasabay sa pagkain ng mga magulang ko dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay. "Kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo, magulang mo pa rin sila, Ganika. Pwede mo namang sabihin sa kanila na ayaw mong magpakasal." Sumandal ako sa metal chair na nandito sa terrace ng kwarto ko at saka ako humalukipkip at pinagmasdan ang lawak ng hacienda. "Madaling sabihin yan 'Rome pero buo na ang desisyon ni Papa. Kahit anong pagtutol ko ay ayaw nila akong pakinggan dahil nakasalalay ang kompanya ng bawat panig sa kasalang magaganap sa amin." Dalawang buwan na lang ang bibilangin ko bago ako mahatulan ng walang hanggang kamatayan ng kaligayan. Gaya ng sabi ni Papa, kahit lumuha ako ng dugo ay hindi mababago ng pangyayaring yun ang desisyon niya. "Maglayas ka na lang kung ayaw mo talaga." Pagbibiro pa ni Jerome. Napailing na lang ako sa kanyang tinuran at saka napapaisip kung sakaling umalis nga ako sa bahay namin? "Sa tingin mo kapag naglayas ako, hahanapin ba nila ako o kaya iuurong nila ang kasal?" I said it out of the blue. Natigil sa ere ang kamay ni Jerome na may hawak na pawn at napatingin sa akin. "Bakit? May balak ka ba talagang maglayas? Sinasabi ko sa'yo Ganika huwag mong gagawin yan!" Naging seryoso ang mukha ni Jerome pero mas seryoso ang mukha ko. Binigyan niya ako ng ideya na hindi ko aakalaing papasok sa isip ko at balak kong pumunta ng Maynila para makalayo dito sa poder nina Mama at Papa. "Wala akong balak, Jerome. Saan naman ako pupulutin kung gagawin ko nga 'yan? Sagutin mo na lang ako." Sambit ko bago ko iniwas ang paningin ko mula kanyang mapanuring mukha. Naningkit ang mga mata ni Jerome sa akin pero binigyan ko lang siya nang nababagot na mukha bago siya napabuntong-hininga at muling magpatuloy sa gagawin niya dapat. "Nag-iisang anak ka lang ng magulang mo, malamang hahanapin ka nila. At saka ano pa bang hahanapin mo? Mayaman naman kayo at maraming ari-arian kaya bakit ka pa ipapakasal sa taong hindi mo pa naman nakikilala?" Hindi lingid sa kaalaman ni Jerome ang tungkol sa fiancé ko kuno dahil lahat ng sinabi sa akin ng mga magulang ko ay kinuwento ko sa kanya. Naiintindihan niya naman daw ang nais ipahiwatig ng mga magulang ko pero para sa akin parang ipinapamigay na nila ako nagsasawa na silang buhayin ako. "Mga magulang ko lang ang mayaman." Yun na lang ang nasabi ko. Hanggang sa sumapit ang takip-silim. Nagpaalam na si Jerome at babalik na lang daw ito sa susunod na araw dahil nagsimula na ang pasukan sa lahat ng antas nang paaralan. Ako na lang ang naiwan sa kwarto kaya naman nahiga na lang ako matapos kong ligpitin ang chess board na ginamit namin kanina. Napatitig ako sa kisame at muling pumasok sa isip ko ang suhestyon ni Jerome tungkol sa paglalayas ko. Kaya naman muli akong bumangon sa kama at hinalungkat ang drawer ko kung saan naroon ang credit at ATM cards ko na hindi ko naman ginagamit. Bukas na bukas din ay magwi-withdraw ako ng pera para gamitin 'yon sa pagtakas ko. Walang pwedeng makaalam na aalis ako sa probinsiyang ito at pipiliing maging mag-isa sa syudad. Inilagay ko sa isang maliit na bag pack ang credit at debit cards ko na may secret compartment na pwedeng pagtaguan ng malaking pera. Mabuti na lang at nakita ko ito sa mga regalong binigay sa akin at nagustuhan ko naman kaya ito na lang ang dadalhin ko bukas patungo sa bayan. Nang masiguro ko na ang mga bagay na dapat kong dalhin, agad na akong bumalik sa kama at ipinikit ang aking mga mata. 'Kailangan ko nang magdesisyon sa buhay kung gusto ko talagang makalaya mula sa arrange marriage na 'yon.' Isang malakas na sigaw ang nakapagpa-gising sa akin dahilan para mapabalikwas ako mula sa kama. "Ganikus, tama na!" Rinig kong sambit ni Mama na tila umiiyak. Marahan akong bumangon mula sa kama ko at saka ako naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko at saka ako lumabas. Magagaang hakbang ang ginawa ko hanggang sa mapunta ako sa veranda at sinilip kung ano ang nangyayari sa baba. Ang galit na mukha ni Papa ang nasilayan ko habang pinipigilan siya ni Mama sa kanyang braso na huwag saktan ang ilang manggagawa na nakaluhod sa kanyang harapan. 'Anong nangyayari?' "Kailan ni'yo pa ako ninanakawan, ha!? Sagot!" Namumula na sa galit si Papa. Alas sais pa lang ng umaga pero yung galit niya parang papalubog na ang araw. Madilim ang mukha ni Papa at pinipigilan lang nitong sumabog dahil nasa tabi niya si Mama. "D-Don Ganikus hindi po kami yun." Pagpapaliwanag ni Mang Pido na isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Papa sa hacienda. "Paanong hindi? Kayo lang naman ang nakakalabas pasok sa bodega hindi ba?" Hindi nakaimik si Mang Pido maging ang dalawang kasamahan pa nitong nakaluhod sa sahig habang sinasalubong ang galit ni Papa. Wala na akong balak pa na makinig sa kanila kaya naman agad akong bumalik sa kwarto ko bago pa mahalata ng mga magulang ko na nanunuod ako sa ginagawa nila ngayong umaga. Minsan ko lang makita si Papa na galit at talagang manginginig ka sa takot. Pero para sa akin, normal na lang 'yon. Nagawa niya nga akong pagbuhatan ng kamay, malamang hindi na ako masisindak kahit sa sigaw niya. Ipinikit ko na lamang ulit ang mga mata ko at hinayaang lamunin ng antok ang sistema ko. Wala naman akong gagawin bukod sa tumambay sa terrace ng kwarto ko at hindi naman pupunta si Jerome para samahan ako. Tanghali na nang muli akong magising at bumungad sa akin ang likuran ni Yaya Meding na hinahawi ang kurtina ng bintana ko. "Yaya, huwag mo nang hawiin. Hayaan mo na lang na madilim ang kwarto ko." Inaantok na sambit ko kay Yaya kaya naman napalingon ito sa gawi ko. "Gising ka na pala. Gusto mo na bang kumain?" Aniya bago ako nilapitan nang makabangon ako mula sa kama. Magulo ang buhok ko at tanging sando at under wear lang ang suot ko. Syempre hindi ako lumalabas ng ganito kapag si Jerome ang nasa harap ko. Kaibigan ko pa rin siya at gusto kong respetuhin niya ako bilang babae. "Nandyan pa po ba ang parents ko?" Nagitla si Yaya Meding sa naging pahayag ko dahil wala nang pag galang na maririnig mula sa akin sa tuwing sinasambit ko ang tungkol sa magulang ko. "Umalis sila kaninang alas nuebe dahil sa may nagnanakaw daw nang imbak ng mga palay sa bodega. Nakarating sa Ama mo ang tungkol doon kaya pinatawag niya si Pido kaso wala naman daw itong kasalanan." Tumango na lang ako kay Yaya Meding at saka ako tumayo mula sa kama at inabot ang tuwalya. "Siya nga pala po Yaya, pakisabi po kay Kuya Meynard na ihanda ang sasakyan." Nagliwanag ang mukha ni Yaya Meding dahil sa narinig nito. "Mabuti naman at naisipan mo nang lumabas. May pupuntahan ka ba?" "Opo." "Mag-eenroll ka? Sabi ni Lilian may mga unibersidad pa naman daw na nagtatanggap ng late enrollees." Aniya. Wala akong balak na mag-enroll pero yun na lang ang ginawa kong dahilan para makalabas ako ng mansyon. Hindi naman ako pinaghihigpitan ng mga magulang ko dahil alam nilang wala naman akong pupuntahan. Nang makalabas na si Yaya Meding mula sa kwarto ko, agad akong pumasok ng banyo para maligo. Ngayon ko sisimulan ang pagwaldas ng pera ko lalo na't hindi naman alam ng parents ko na meron akong ipon. Ang credit card lang ang binigay nila sa akin na alam kong may access si Papa pero ang debit ay mismong pagmamay-ari ko na hindi mismo nakapangalan sa akin kundi kay Jerome mismo. Pero walang alam ang kaibigan ko tungkol dito at wala akong balak na sabihin sa kanya yun dahil pera ko naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD