Kabanata 4: Bread knife

1993 Words
LIGAYA'S POV: MAHIGIT isang linggo na ang lumipas pero hindi man lang ako nag-abalang lumabas ng kwarto dahil sa naging sagutan namin ni Papa. Ni hindi man lang nga ito nag-abala na silipin ako na lalong nakapagpasakit ng loob ko. Tanging si Yaya Meding lang ang nakakapasok sa kwarto ko para magdala ng pagkain na hindi ko naman ginagalaw mula umaga hanggang gabi. Tubig lang ang iniinom ko dahil bukod sa iyak ako ng iyak, wala rin akong ganang kumain. Halos sumikip na rin ang kwarto ko dahil sa mga naglalakihang regalo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binubuksan. Nakadapa lang ako sa ibabaw ng kama ko at yakap-yakap ang isang malambot na unan habang nakatulala akong nakatitig sa labas ng bintana. Pakiramdam ko wala nang saysay na mabuhay pa ako sa mundong ibabaw dahil ano pa ang silbi no'n kung tinanggalan na nila ako ng karapatang maging masaya. "Ganika..." Tatlong katok mula sa pintuan ng kwarto ko ang namutawi sa paligid pero hindi man lang ako nag-abalang bumangon. Hanggang sa marinig ko ang pagpihit ng door knob at ang mabibigat na yabag ang narinig ko. "Hindi ka pa rin kumakain, Ganika. Gusto mo bang magkasakit? Sa mga pagkaing dinala ko sa loob ng isang linggo puro tubig lang ang ginagalaw mo." Rinig kong sambit ni Yaya Meding na tila nauubusan na ng pasensya sa akin. Mas gusto ko nga na magalit silang lahat sa akin dahil sa pagpapabaya ko sa sarili ko. Kung sana hindi na lang ako naging mabait na anak, baka hindi ako humantong sa ganitong sitwasyon. Naramdaman kong lumundo ang kama mula sa likuran ko at mukhang umupo si Yaya Meding at saka nito marahang hinahaplos ang buhok ko na hindi pa napapasadahan ng suklay mula nang magkulong ako sa kwarto ko. "Anak, kailangan mong kumain. Kahit magmatigas ka sa mga magulang mo sila pa rin naman ang masusunod. Iniisip lang nila ang kapakanan mo lalo na't tumatanda na sila." Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang dalawang ibon na tila naglalampungan at walang pakialam sa paligid. Kung naging ibon kaya ako, makakamit ko rin kaya ang kalayaan na tulad sa kanila? Yung tipong walang mangingialam sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay, yung hindi ka mamanduhan na parang isa kang robot? Yung walang ibang iisipin kundi ang kung ano ang kakainin mo sa araw-araw o kung paano malalagpasan ang tag-lamig at tag-ulan? Kaso tao ako at imposible ang mga naiisip ko. Nang walang makuhang sagot si Yaya Meding mula sa akin, agad na itong tumayo at saka naglakad palabas ng kwarto ko. Hanggang sa ako na lang ulit ang naiwan, tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Kung pipilitin ni Papa ang pagpapakasal ko, mas mabuti pang mamatay na lang ako. [Mature Content (S****e Alert): Not suitable for weak minds! Skip is a must.] Marahas akong tumayo mula sa kama ko at naghanap ng matalas na gunting pero wala akong mahagilap hanggang bumaling ang tingin ko sa bread knife na nasa tray ng pagkain na dala ni Yaya Meding. Agad ko 'yong kinuha at walang atubiling ginadgad ang pulsuhan ko nang paulit-ulit. Wala akong maramdaman na kahit ano bukod sa bigat ng dibdib ko. Bakit kasi ako pa? Bakit hindi na lang 'yong ibang tao? "Ganika, anak gusto mo bang sumama sa -- jusko! Ganika!" Paulit-ulit na ginagadgad ko nang bread knife ang palapulsuhan ko hanggang sa dumugo yon pero hindi ko man lang maramdaman ang sakit. "Meding! Meding! Jusko, Meding!" "Bakit ka ba sumisigaw Lilian -- sus maryosep Ganika!?" Akmang lalapit si Yaya Meding sa akin pero agad kong itinutok sa kanila ang bread knife na hawak ko. Ni hindi ko alam na nakapasok na sila sa kwarto ko. "Lumayo kayo sa akin! Hayaan niyo na lang akong mamatay!" Malakas na sigaw ko nang hindi alintana ang sugat sa braso ko. "Diyos ko! Ano bang sinasabi mo Ganika?" Umiiyak na sambit rin ni Mama pero wala akong pakialam sa kanya. "Bakit ba kayo nagsisigawan? Anong nangyayari dito?" Rinig kong sambit ni Papa at ilang minuto lang ay pumasok ito sa kwarto ko at nagulat ito nanv makita ang itsura ko. "Ano bang nangyayari sa'yo, Ganika!?" Bakas ang galit sa mukha niya at gulat nang makitang dumudugo ang kamay ko. "Hayaan niyo na lang akong mamatay kung wala rin namang patutunguhan ang buhay ko! Ayokong makasal sa taong gusto niyo para sa akin!" Akmang lalapit si Papa sa akin pero agad kong tinutok ang bread knife sa kamay ko. "Bitawan mo 'yan, Ganika!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Papa pero hindi ako nakinig sa kanya. Wala silang magawa dahil may hawak akong patalim at hindi nila alam ang gagawin sa akin. "Ganika..." Napalingon ang lahat mula sa pintuan nang magsalita si Jerome; ang katiwala namin na siyang nag-aalaga sa mga kabayo at kababata ko. Walang takot na lumapit si Jerome sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko na parang wala akong hawak na patalim. Basta na lang niyang itinapon ang bread knife sa labas ng bintana ko matapos niyang kunin yon sa kamay ko. "Kausapin mo ako, Ganika. Magkaibigan tayo diba? Anong nangyayari sayo at bakit nagawa mo ang bagay na ito?" Malumanay na sambit ni Jerome. Tuluyan na akong napahagulhol ng iyak sa kanyang harapan at walang atubiling itinapon ang sarili ko sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib. Hanggang sa tuluyang magdilim ang paningin ko. Ang huling nakita ko na lang ay ang naaawang tingin ni Jerome sa akin. NAGISING ako dahil sa sakit ng ulo ko at halos hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang maga no'n. Mukhang namaga ito ng sobra dahil sa kakaiyak ko. Marahan akong bumangon sa kama at sumandal sa headboard at saka ko lang napansin ang bendang nasa braso ko nang maramdaman kong kumirot yun nang itukod ko sa kama ang kamay ko. Napahawak ako doon at saka ko naalala ang mga ginawa ko. 'Bakit ba nila ako hinahayaang mabuhay pa kung ang kapalit ng kaligayahan ko ay ang pagkakatali sa lalaking hindi ko naman mahal?' Nakatitig lang ako sa braso kong may benda nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin kung sino ang pumasok sa kwarto ko dahil wala akong pakialam kung ano man ang gawin nila dito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Umangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang bulto ni Jerome na may dalang tray ng pagkain. "Never been better. Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? Alam mong ipinagbabawal nang sino man sa inyo ang pumasok dito bukod kay Yaya Meding." Mahinang sambit ko. Tila natuyo ang lalamunan ko bukod sa wala pa akong kain, namalat pa yun dahil sa pagsigaw at pag-iyak ko. Umupo si Jerome sa dulo ng kama at inilapag sa tabi niya ang tray na hawak saka ako hinarap. "Pinahintulutan ako ni Don Ganikus na alagaan ka. Ano bang nangyayari sa'yo?" Malumanay na usisa nito. Si Jerome ang isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan lalo na't sabay kaming lumaki na dalawa. Hindi naman naging hadlang ang estado ng buhay naming dalawa para maging magkaibigan kami. Masyadong mabait si Jerome at tunay na maaasahan sa lahat ng bagay. "Gusto akong ipakasal ni Papa sa lalaking hindi ko naman gusto. Sa tingin mo papayag ako sa ganung kasunduan kung hindi ko pa naman naranasan ang magmahal? Magiging masaya ba ako kapag sumama ako sa lalaking mapapangasawa ko?" Sunod-sunod na tanong ko. Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko at wala akong pakialam kung nakikita ni Jerome kung gaano ako kahina. "Kapakanan mo naman siguro ang iniisip nila Ganika. Nag-iisang anak ka lang diba? Baka yun na lang ang huling paraan nila para kung sakaling may mangyari man ay masisiguro nilang maiiwan ka nila sa tahimik na buhay." "Pero hindi pa panahon para magpakasal ako. Marami pa akong pangarap sa buhay na gustong maabot at kapag okay na ako doon lang ako magdidesisyon kung kailan ako mag-aasawa." Napaisip si Jerome. "Sa anong edad ba gusto mong mag-asawa?" "Sa edad na trenta." Gusto ko talagang unahing maabot ang mga pangarap ko bago ako tumungo sa panibagong yugto ng buhay. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatna ko sana hindi na lang ako nagcelebrate ng birthday at sana nanatili na lang ako sa edad na dise-syete. "Malayo pa nga ang mararating mo kung yan ang gusto mong mangyari, Ganika. Pero hindi natin hawak ang kapalaran ng bawat isa sa atin." Tama naman ang sinabi ni Jerome, hindi ko hawak ang magiging kapalaran ko sa hinaharap kaya ngayon pa lang ginagawan na nang paraan ng mga magulang ko. "Ang mabuti pa kumain ka na lang. Ang panget mo na eh." Jerome tried to lighten up my mood but it won't change the fact na muntikan ko nang kunin ang sarili kong buhay. Umiwas ako ng tingin kay Jerome. "Wala akong gana, rome kaya pwede bang iwanan mo na lang ako?" Tumayo mula sa kama si Jerome at akala ko ay aalis na siya dahil kinuha niya ulit ang tray ng pagkain. Pero nagulat ako nang maupo siya sa gilid ko at inilagay sa harapan ko ang pagkain. Inabot ni Jerome ang kutsara at saka kumuha ng pagkain bago 'yon iniumang sa bibig ko. "Kakain ka o hahalikan kita? Mabait akong kaibigan pero minsan abusado rin ako." Pagbabanta pa nito. Sa takot kung huwag niyang kunin ang first kiss ko, kinain ko na lamang ang pagkaing dala niya kaya naman napangiti ito at siya na mismo ang nagpakain sa akin. Napatitig na lang ako sa nakangiting mukha ni Jerome habang sinusubuan niya ako. Kung siya na lang sana ang ipapakasal sa akin baka pumayag pa ako. Kaso wala rin akong maramdaman na 'spark' o romance sa katauhan ni Jerome dahil tanging kaibigan lang ang turing ko rito. "Bukas na bukas ipapasyal kita sa hacienda. Ilang araw ka nang nakakulong dito sa kwarto mo at nakakalat pa ang mga regalo mo dito sa loob. Gusto mo ba ng katulong sa pag-unbox niyan?" Aniya matapos niyang imisin ang tray ng pagkain saka inilapag sa bed side table. Marahan akong tumango at saka kumilos si Jerome para kunin ang mga regalong para sa akin. Wala akong balak na lumabas bukas at dahil bored ako, pinili ko na lang na buksan namin ni Jerome ang mga regalo para sa akin. Jerome is one of the friends I trusted the most at mukhang pinahintulatan rin siya ni Papa na manatili sa kwarto ko para alagaan ako. "Salamat, Rome." Wala sa sariling sambit ko dahilan para mapatingin sa akin ang binata nang may pagtataka. Natigil rin ito sa pagbabaklas ng gift wrap pero kalaunan at nagpatuloy ito. "Salamat saan?" Aniya bago tuluyang mabuksan ang box na may lamang mamahaling sapatos. "Sa pagiging kaibigan ko, sa pagmamalasakit mo sa akin. Basta, sa lahat-lahat na lang." Sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siyang pasasalamatan sa kabila ng muntikan ko nang pagkitil sa aking buhay. Ni hindi man lang siya natakot sa akin kanina kung may hawak man akong patalim. "Kilala na kita mula pagkabata pa kaya malamang alam ko ang ikot ng bituka mo. Ang totoo nagulat ako nang makitang dumudugo ang pulsuhan mo at hindi ko inaasahan na magagawa mo 'yon. Siguro nga nasaktan ka talaga ng sobra at hindi mo matanggap na pinamimigay ka na ng mga magulang mo." Inabot ni Jerome ang isang box at yun naman ang inatupag nitong buksan. Sa dami ng regalo na nasa silid ko, baka abutin kami ng umaga kaka-unbox nito. "Masama na ba akong anak kung hindi ko sundin ang gusto nila para sa akin?" Kinuha ko ang isang rolex na pambabae at sinukat yun sa braso kong may sugat bago muling inilapag sa kama. Halos walong box na ang nabubuksan ni Jerome at nasa mahigit isang daan na boxes ang nasa kwarto ko. Hindi pa kasama ang nasa bodega namin na naglalakihang karton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD