LIGAYA'S POV:
--
NANG lumalim na ang gabi, nagpasya nang tapusin nina Mama ang birthday celebration ko lalo na't malalayo pa ang uuwian ng ilang bisita.
Hindi ko na rin nakita o nakausap pa ang lalaking kumausap sa akin kanina during my eighteent roses at ang last dance ko. Sa sobrang saya ko hindi ko na napansin ang mga kaganapan ko sa paligid.
Kinaumagahan, magaan ang pakiramdam ko nang bumangon ako mula sa kama at agad akong naligo dahil bilin ni Papa na mag-uusap kami after my birthday.
Hindi ko alam kung ano ang surprise na sinasabi nila at hindi man lang ako binigyan kahit isang hint.
"Magandang umaga, Ganika. Ang aga mo yata magising?" Ani ni Yaya Meding nang makapasok ito sa kwarto ko. Mukhang balak niya akong gisingin kaso nauna na ako. Si Yaya Meding ang siyang nag-alaga sa akin mula bata pa ako.
"Bilin po kasi ni Papa na gumising ako ng maaga kahit gusto ko pa pong matulog. May surpresa daw po sila sa akin." Sagot ko nang lumabas ako mula sa banyo. Nakabihis na rin naman ako ng simpleng bestida na minsan ko lang suotin kapag may okasyon lang.
"O siya bumaba ka na at hinihintay ka ng magulang mo sa hardin."
Nagpaalam na ako kay Yaya Meding at nakangiting tinahak ko ang pasilyo papunta sa hagdan. Hanggang sa makababa ako, tumambad sa akin ang tambak na mga regalo mula sa business associates ni Papa at ilang sa mga nakakakilala sa akin.
"Magandang umaga, Ganika." Kaliwa't-kanang pagbati ng mga katulong dito sa bahay nang makita nila ako.
Umagang-umaga pa lang ay abala na agad silang lahat lalo na't katatapos pa lang ng birthday celebration ko. Daily routine na kasi nila ang paglilinis sa malaking mansyon at mukhang natutuwa naman sila sa pagtatrabaho sa amin.
"Magandang umaga po sa inyong lahat. Pwede po bang pakipanhik sa kwarto ko ang mga regalo?" Pakiusap ko sa kanila.
Naglalakihang karton ang mga regalong nagkatambak sa gilid ng hagdan at balak kong mag-unboxing mamaya kapag natapos ang usapan namin ni Papa.
"Sige po."
Tinanguhan ko na lang sila at saka muling naglakad para tahakin ang daan patungong hardin. Malayo pa lang nakikita ko na kung gaano ka-sweet si Mama at Papa sa isa't-isa na akala mo ay mga teenagers lang.
"Good morning Ma, Pa." Malakas na bati ko dahilan para matigil sa paglalampungan ang mga magulang ko.
Nagliwanag ang mukha ni Mama at Papa nang makita nila ako. Binigyan ko sila nang magaang halik sa kanilang pisngi at saka ako naupo sa bakanteng upuan na nasa kanilang harapan.
Nakahanda na rin ang pagkain sa mesa at mukhang balak nilang mag-umagahan dito sa garden.
"Good morning anak. How's your sleep?" Ani ni Papa bago inakbayan si Mama na tila wala ako sa harapan nila.
"It's great Pa. I have a wonderful sleep kahit na napagod po ako kagabi."
"Mukhang nag-enjoy ka nga anak. Unexpected ba naman ang eighteen roses mo." Natatawang sambit ni Mama na may halong panunukso.
Ngayong nasa legal na edad na ako, mukhang ipi-pressure na nila ako sa pagpili ng mapapangasawa dahil si Mama noon ay eighteen pa lang nang maikasal kay Papa.
"Nagulat nga po ako pero masaya po ako kagabi."
Nagsimula mula kaming kumain at masaya naming pinagsaluhan ang umaga para sa panibagong yugto ng buhay ko. Hindi ko akalain na tutuntong ako sa ganitong edad lalo na't sakitin ako noong bata pa.
"Handa ka na ba para sa surpresa namin anak?" Basag ni Papa sa katahimikan ko.
Nagpunas muna ako ng bibig bago ko sila nginitian na dalawa.
"What kind of surprise is that, Pa?"
Kinakabahan ako sa ngiti ng mga magulang ko.
Gusto ba nila akong pag-aralin sa Amerika o sa Maynila? Bibilhan ba nila ako ng bahay?
"You see, I have this business partner that I owe a lot and we decided to merge our business." Panimula ni Papa.
"And?"
Nagkatinginan ang mga magulang ko at tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata bago muling bumaling sa akin.
"Well, your Papa and I decided to have you a fiancé since you already reach the legal age."
Tila isang malaking bomba ang pumatak sa harapan ko nang marinig ko ang salitang fiancé.
"W-What? I mean, bakit ako Ma?" Naguguluhang sambit ko at parang nagkarambula ang sistema ko dahil hindi maproseso ng utak ko ang mga katagang binitawan ni Mama.
"Why not you anak? You are the only heiress of Yaeger Group of Companies and we want you to have a peaceful life." Paliwanag ni Mama.
Peaceful life? How can they said those words of me having a peaceful life with someone I don't love?
"Ma, I do believe in love and this is not the right time for me to settle down." Humahangos na sambit ko at pinipigilang magalit sa mga magulang.
I do love them both but I didn't expect them to do this for me! I am not a kid for f**k sake and having a fiancé is one of the things I can't imagine!
"Matututunan mo rin naman siyang mahalin anak and I know he will love you the way I love your Mom." Ani naman ni Papa.
Marahas akong umiling.
This can't be real!
Alam kong arrange marriage din ang nangyari sa kanila ni Mama at noong maipanganak ako doon lang naramdaman ni Papa na mahal niya ang Mama ko.
What if hindi ganun ang magiging kapalaran ko sa lalaking ipapakasal sa akin? Ni hindi ko nga kilala kung sino siya, ano ang itsura niya? Or even he knows that I exist?
"How can you be so sure that he will love me at the end of the day? What if hindi ganun ang mangyari sa amin?"
Nagsisimula na akong maghisterikal kaya naman lumapit sa akin si Mama at hinahaplos ang likuran ko para kumalma ako. Mabuti na lang tapo na kaming kumain dahil kung hindi baka umpisa pa lang nawalan na ako ng gana.
"He's a good guy anak and I know he will treat you better." Pamimilit pa ni Mama.
Masyado ba silang kampante na mamahalin ako ng lalaking yun? Lumaki ako mula sa pagmamahal nilang dalawa kaya nangarap din ako na makakatagpo ako ng lalaking pahahalagahan ako at aalagaan ng higit pa sa inaakala ko.
"No Ma! I don't want this marriage. Tell it to your business partner that I don't agree for this one."
"Pero anak, ready na ang lahat. Kapag tumuntong ka sa tamang edad, magpapakasal kayong dalawa. This is not only for both us as your parents anak. This is all about you too. Sana maintindihan mo kami."
Pumatak ang isang butil ng luha sa mga mata ko at umiling.
"Intindihin kayo? Hindi naman ako bobo Ma pero parang ngayon bobo ako dahil dyan sa sinasabi niyo. Paano naman ako? I don't even have a boyfriend since I reach this age dahil ayokong gumawa ng mga bagay na ikakagalit niyo. Ito ba 'yong kapalit?"
Hindi ko na mapigilang sumigaw kaya pati si Papa ay sumigaw na rin.
"Don't you ever dare raise your voice on us Likhil Ganika Yaeger! Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin." Nanggagalaiting sambit ni Papa sa akin.
Kung galit siya dahil sa pagsigaw ko, mas galit ako dahil pinipilit nilang ipakasal ako sa taong hindi ko naman mahal.
"Kapakanan ko po ba o yang lintik na negosyo niyo--" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang lumagapak ang palad ni Papa sa pisngi ko na naging dahilan para mahulog ako sa kinauupuan kong silya na gawa sa metal.
Malakas na singhap ang pinakawalan ni Mama dahil na rin sa gulat at pagkabigla.
"Ganikus! Ano bang ginagawa mo?" Lumapit sa akin si Yaya Meding at saka ako hinila patayo mula sa pagkakasalampak ko sa carpet.
"She's too much! Hindi ko babawiin ang ginawa ko Meding para madisiplina itong alaga mo!"
Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay at parang namanhid ang puso ko dahil sa ginawa niya.
"Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan na parang hindi ikaw ang iniisip namin, Ganika! Business is important but your life is more important than anyone else. Magpapakasal ka sa lalaking gusto namin para sayo sa ayaw at sa gusto mo!"
Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang sakit na bumalatay sa pisngi ko. How can he do this to me? Kasiyahan ko ang nakasalalay sa napipintong kasal na sinasabi nila. Paano naman ako?
Marahan akong tumingala kay Papa na ngayon ay nagpupuyos na sa galit habang nakatayo ito sa harap ko. Yakap-yakap naman ako ni Yaya Meding at tila inaalo niya ako para hindi lumala ang away namin ni Papa.
Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya nang tignan ko siya nang may malamig na mga mata. I can see my own reflection in his gray-ash eyes as mine pero wala akong panahon para purihin 'yon.
"Yun ba talaga ang gusto niyo? Ang ipakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? Sa taong ni minsan ay hindi ko pa nakita o nakilala man lang? Mas matatanggap ko pang ipatapon niyo ako sa Amerika at doon mag-aral kaysa sa ganitong paraan, Pa. Ni hindi sumagi sa isip ko na ipapakasal ni'yo ako sa anak ng kasusyo niyo!"
"A-Anak, tama na." Saway ni Mama pero hindi ito makalapit sa akin.
Tuluyan nang nabasag ang puso ko at umiyak na ako sa harapan nilang dalawa.
"Kung ganito lang rin ang mangyayari, sana nagpabuntis na lang ako. Matatanggap ko pang kamuhian niyo ako o kaya ipatapon sa ibang bansa. Sana naging patapon na lang ang buhay ko baka sakaling pumayag ako sa gusto niyo kaso hindi eh! Minulat niyo ako sa perpektong pamilya na puno ng pagmamahal and that was a dream I wanted to reach for when I decided to settle down in peace. Pero ito? Arrange marriage? Seriously, Pa? We are in a modern world at arrange marriage is not convenient anymore!"
Naningkit ang mga mata ni Papa sa akin. "Kahit anong sabihin mo, kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan namin ng Mama mo our decision is final! Sa Setyembre gaganapin ang kasal ninyo at wala kang magagawa kundi ang makisama sa gusto namin kung ayaw mong maghirap tayong lahat!"
Naglakad si Papa paalis ng hardin na siyang sinundan ni Mama. Yayakapin niya sana ako kaso ako na ang umatras kaya wala itong nagawa kundi ang sundan si Papa.
How they can be this cruel towards me? Anak nila ako. Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto nilang mangyari pero ang pagpapakasal sa taong hindi ko naman gusto ay ibang usapan na yon.
Hunyo na ngayon at sa susunod na tatlong buwan gaganapin ang kasal ko. Gusto ko na lang maglaho na parang bula dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.
Sorpresa ngang tunay ang ibinato nila sa akin pero yun na yata ang pinaka-ayoko sa lahat ng sorpresa.
"Tahan na, Ganika.."
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap ni Yaya Meding at saka ako naglakad papasok ng bahay na tila wala nang buhay.