LIGAYA'S POV:
ISANG pulang magarbong long gown ang siyang suot ko habang nakatitig sa full length mirror na nasa kwarto ko. I look like a living princess and it fits me the dress that my Mom bought for me.
As I reach my legal age, I am too excited to face the new chapter of my life as a debutant. Sobra akong namamangha sa aking itsura at masyadong pinaghandaan ng mga magulang ko ang kaarawan kong ito.
"You ready?" Napalingon ako sa pintuan at nakadungaw doon ang isang ginang na may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi.
Donya Liviea Yaeger, ang aking Ina.
Pumasok si Mama sa kwarto ko at saka lumapit sa akin at pinakatitigang mabuti ang itsura ko.
"You look pretty, Ganika." Aniya gamit ang magiliw na boses.
"Come on Ma, nagmana lang ako sa'yo." I giggle a little as I face the full length mirror before I reverted my gaze towards my Mom. "Ready na po ako."
Agad akong iginiya ni Mama palabas ng room ko and I can hear a mellow music came from the violin and pianist that my Mom hired for my birthday. Marami na ring tao nang dumungaw ako mula sa hamba ng hagdan at lahat sila napatingin sa akin.
Nakangiting bumaba kami ni Mama sa mahabang stair case at nang marating namin ang dulo, sinalubong ako ni Papa.
"You look wonderful tonight Ganika." Bulong nito sa akin nang makalapit ako na siyang ikinatuwa ko.
"Mana-mana lang 'yan, Pa." Pagbibiro ko rito.
Iniangkla ni Papa ang kamay ko sa kang braso at saka niya ako iginiya papunta sa gitna ng hall dito sa loob ng aming mansyon. Iniabot kay Papa ang isang mikropono at saka ito tumikhim bago nagsalita.
"Good evening to all. I am glad to see you and that you graciously accepted our family's invitation for the most important day of our unica hija. I thank you for your presence and I would like to introduce to you Likhil Ganika Yaeger the sole heir of the Yaeger Group of Companies and our hacienda." Panimula ni Papa.
"Please enjoy the party and once again good evening."
Agad na sumiklab ang palakpakan sa paligid at saka ako hinila ni Papa sa mga business partners niya para ipakilala. Halos sumakit ang panga ko kakangiti sa hindi magkamayaw na mga bisita na nagmula sa mayayamang angkan.
Hindi ko inakala na maraming dadalo sa eighteent birthday ko gayong anak lang naman ako ni Don Ganikus Yaeger. Okay na sana ako sa simpleng handaan lang kasama ang mga haciendero sa bahay pero pinilit ni Papa na maging magarbo ito para naman daw makilala ako ng mga kasusyo nila sa kompanya.
"You okay?" Bungad sa akin ni Mama nang bitawan ako ni Papa dahil nahalata nito na pagod na ako.
"Nangalay ang panga ko kakangiti." Nakangiwing sambit ko.
"Come on hija, dapat masanay ka na. We're part of the world where the socialites are living and kailangan mong makibahagi sa kanila."
"Mom, you know how I hate the spot lot. Kaya nga pinili kong manatili dito sa hacienda diba?"
Nagkibit balikat lang si Mama at saka ako iniwan para kausapin ang kanyang mga amiga.
Habang hinihilot ang aking mukha, dumiretso ako sa long table kung saan naroon ang mga pagkain. Sa isang sikat na restaurant sa kabilang bayan ang kinuha ni Mama at talaga namang swak sa budget ang pagkain nila.
Isang barbecue, lumpiang shanghai, kanin at orange juice ang kinuha ko. Nagutom ako kakasunod kay Papa kahit na wala naman akong maintindihan sa sinasabi nila.
Wala akong balak na pamunuan ang YGC dahil hindi ko naman forté ang tungkol sa business. Mas gusto ko na lang magtanim ng binhi kaysa makipag-sagutan sa BOD o tinatawag na Board of Directors.
Nang namakakuha ako ng pagkain, agad akong bumalik sa mesa na para sa aming mag-anak at doon tahimik akong kumakain. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa ng ibang bisita at mukhang nag-eenjoy naman sila sa kanilang pagkain.
"Would you mind if I join you for a bit?"
Natinag ako nang may magsalita at nagulat ako nang lumingon ako sa kaliwa ko; issng binata na nakasuot ng itim na suit at may hawak itong plato. Naigala ko pa ang paningin ko at karamihan sa mesa ay inuukopa na at ang mesa na kinaroroonan ko na lang ang bakante.
"Uh, sure." Sabi ko.
Agad naman naupo ang binata at saka tahimik na inatupag ang pagkain niya. Tapos na rin naman akong kumain kaya hinayaan ko lang siya habang umiinom ako ng juice.
"Do you know who's the celebrant here?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa na siyang ipinagtaka ko.
"Why?"
"Uh, to be honest I didn't get a chance to see the celebrant and when I got here they already introduce the birthday celebrant." Aniya.
'May kailangan ba siya sa akin?'
In fairness ngayon ko lang siya nakita at mukhang isa siya sa mga anak ng business partner ni Papa.
"Nandyan lang 'yon sa tabi-tabi. Baka busy pa kasi madaming business partners ang Papa niya."
"Oh? Are you friends with the celebrant?" Tila nasorpresang tanong nito.
"Well, yeah." Yun na lang ang tanging naisagot ko dahil hindi ko naman kung anong kailangan niya sa akin.
Hanggang sa matapos siyang kumain, nagpaalam na ito na pupuntahan ang mga kaibigan niya kaya hinayaan ko na lang.
I was about to call my Mom when the MC stand up from the center na naging dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat.
"Alright, since the night is still young. May we request Miss Ganika to formally have the eighteen roses?"
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka naglakad palapit sa MC. Hindi ako na-inform na merong 18 roses at mukhang sorpresa din ang magiging escort ko.
Sa isang iglap, pumalibot sa akin ang labing walong mga binata at gumawa sila ng pabilog at nagsimula ang saliw ng musika.
Verse 1:
Oh, can't believe I'm finally 18,
Seems like just yesterday I was sweet sixteen.
Now I'm legal, I've got the key,
To all the adventures that are waiting for me.
Malamyos na tinig ang pumukaw sa atensyon ko at isa kanila ang may hawak nang mikropono. All of the are wearing a half mask right on their faces at hindi ko makilala kung sino sila.
Chorus:
Eighteen birthday, let's celebrate,
Dancing all night, it's never too late.
Memories we'll make, stories we'll share,
Living our lives without a care.
Lumapit sa akin ang isang binata at saka nito inabot ang bulaklak bago ako isinayaw. I didn't practice this kind of dance but since this is my birthday, they gave a consideration.
"S-Sorry." Paghingi ko nang tawad matapos kong maapakan ang paa niya pero hindi man lang ito umimik bago ako ibinigay sa panibagong kamay na nag-abot no'n.
Verse 2:
Remember that time we snuck out at night,
Chasing dreams under the starry light.
Laughing so hard, we couldn't breathe,
Those are the moments I'll always keep.
Halos mahilo ako sa ginagawa nila at walo pa lang ang naisasayaw ko at karamihan sa kanila ay natatapakan ko ang kanilang paa.
Chorus:
Eighteen birthday, let's celebrate,
Dancing all night, it's never too late.
Memories we'll make, stories we'll share,
Living our lives without a care.
Sa pang-labing apat na binata, nagtaka ako nang bumulong ito sa akin.
"I thought you were friends with the debutant but it turns out it was you." Aniya na siyang ikinagulat ko.
"Surprise?" Dugtong pa niya habang sumasayaw kaming dalawa.
"I-I didn't mean to hide it. It's just that, nahihiya ako." Tila bulong sa hangin na sambit.
"Nah. It's okay, no hard feelings. At least before I get home I already meet you and have a privilige to dance with you. There you go, my princess."
Matapos niya akong maisayaw, umalis siya sa pabilog na ginawa ng mga binata at may tatlo na lang na natitira dahil ang pang labing lima ay kasayaw ko na.
Bridge:
Growing up so fast, but never looking back,
Every moment with you, I know I'll never lack.
Here's to all those crazy, reckless days,
Just getting started in so many ways.
"Enjoying the night of being a legal one, my lovely daughter?"
Natawa ako nang makilala ang boses mula sa maskarang nakatakip dito.
"Ikaw talaga Pa, anong trip mo sa buhay?"
"Acting like a teenage boy who capture by your beauty?" Aniya bago ako pinaikot mula sa kinatatayuan ko at saka pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang habang ang isa naman ay nakalapat sa ere kasama ang isa kong malayang kamay.
"Ewan ko sa'yo." Hinampas ko ang balikat ni Papa pero natawa lang ito.
Chorus:
Eighteen birthday, let's celebrate,
Dancing all night, it's never too late.
Memories we'll make, stories we'll share,
Living our lives without a care.
"You know what, the first time I laid my eyes on you when your Mom gave birth. I fell inlove again and again. Hindi ko aakalain na bibiyayaan kami ng Diyos ng isang anak na tulad mo."
Nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Papa.
"And you know how much we love you right?"
"Oo naman Pa. Para ka namang others." Naiiyak na sambit ko.
"Oh, come on. Don't cry on me baby. May surpresa kami ng Mama mo mamaya after this celebration."
Outro:
Finally legal, but still feeling free,
Here's to the future, just you and me.
"I can't wait to see that Pa."
Binitawan ni Papa ang kamay at saka kami tumungo sa isa't-isa na parang Hari at Prinsesa. Hanggang sa isa na lang ang naiwan sa gitna ng hall; isang binata na hindi pamilyar sa akin at tila isang misteryoso ito.
He reach my hand as he put it on his shoulder and the other one is on the air as we dance the night.
Tila bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko nang maglapat ang mga kamay naming dalawa at sinimulan niyang isayaw ako sa gitna ng hall. Pakiramdam ko kami lang ang narito at tanging ang presensya niya lang ang nakikita ko.
Hanggang sa matapos ang tugtog, doon ko lang na napagtanto na tapos na pala kung hindi niya binitawan ang kamay. Tila nagising ako mula sa isang panaginip nang maghiwalay kami at umalis ito sa aking harapan.
"Happy birthday to you~
Happy birthday to you~
Happy birthday, happy birthday~
Happy birthday Ganika."
Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong hall ng mansyon namin habang nakangiting dumungaw si Mommy mula sa likod ng limang layers ng cake.
"Wish na anak." Aniya.
Lumapit ako kung saan siya naroon at saka pinakatitigang mabuti ang apoy ng kandila bago ko ipinikit ang mga mata ko.
'I hope I can find a magic of love while I take the next step as a legal age in my very existence.'