Episode 11

1703 Words
"Ante, akala ko ba ayaw mong makipaglapit diyan sa baduy na probinsyanang yan?" lihim ba bulong sa akin ni Rosa ng makita niya akong naglalakad kasama si Marites. Dahil nga gusto kong maging malapit kami ng babaeng malaking hadlang sa pangarap kong kasikatan kaya tinitiis kong makipagplastikan. "Huwag ka ngang maingay diyan!" bulong kong asik kay Rosa na sinigurado kong hindi maririnig ni Marites na walang pakialam sa mga nakatingin sa amin partikular sa kanya. Sanay na sanay na yata talaga siyang pinagtitinginan dahil nga sa kakaiba niyang kasuotan. Nakasuot na naman siya ng kay habang saya na panahon pa yata ng mga hapon tinahi. Habang ang suot niyan pang itaas ay isang thirt na may nakaimprentang litrato ng isang artista. Mabuti nga at marunong siyang magtsinelas at hindi gaya ng ibang mga katutubo na wala man lang sapin sa paa kapag bumaba ng patag. "Marites, si Rosa nga pala, kaibigan ko," pagpapakilala ko na sa mahadera at patay gutom kong kaibigan. Ngumiti naman si Marites kay Rosa at saka pa nagsabi ng kamusta. "Mabuti naman ako, Marites. Ikaw ba, kamusta? Hindi ka ba naiinitan?" bahagya kong kinurot si Rosa sa kanyang tagiliran ng marinig ang kanyang naging tanong. "Pasensya na kayo kung ganito ako manamit. Ganito kasi magdamit ang mga babae sa amin. Dapat ay mahaba ang saya. Kaya kahit mainit ay dapat na hindi kami magsusuot ng mga maiiksing shirt o palda." Paliwanag ni Marites na mukhang aware naman talaga na kakaiba siya kung manamit. "Ah, ganun ba? Akala ko kasi ay galing ka sa unang panahon," patuloy pa na biro ni Rosa na tiningnan ko na ng nagbabantang tingin. Kailangan ko ngang makipaglapit kay Marites pero sa ginagawa nitong peke kung kaibigan ay baka hindi na makipag usap pa sa akin si Marites at isipin na gaya ko rin si Rosa. Totoo naman na gaya ko rin si Rosa at mas malala pa nga ako kung manlait kung ikukumpara. Pero kailangan ko muna ngang isantabi sa ngalan ng love contest. "Wow! Mukhang may bagong kaibigan si Reyna at Rosa. Saan niyo naman kinuhang lumang baul ang kasama niyo?" tanong ni Aling Biday na kasama na naman ang kanyang buong tropa gaya ng babaeng maraming anak dahil na rin sa dami ng umaaasawa. "Aling Biday kung makapagsabi ka naman ng lumang baul akala mo naman ay hindi ka amoy lumang amag sa baul." Nakakatawang biro ni Rosa sa babaeng bigla na lang humaharang sa aming dadaanan. "Ako nga Rosa ay huwag mong ma imbyerna at baka samain ka sa akin!" napipikon agad na komento ni Aling Biday na amoy amag naman talaga. "Miss, mukhang bagong salta ka lang dito sa lugar namin, ano? Naku, naku, naku! Nagkamali ka ng mga taong kinaibigan mo at iyang dalawang yan lalo na itong si Reyna ay kilalang-kilala bilang Reyna ng mga tsismosa!" sabay tawa ng babaeng maraming anak at saka humalakhak na rin ang lahat ng mga nakarinig sa enggrande na pagpapakilala sa akin. "Ang lakas naman ng loob mong ipakilala ako, ano? Sino ka nga ba? Hindi ba at ikaw ang babaeng maraming anak sa iba't-ibang lalaki? Makaparatang ka ng tsismosa gayong mas makamandag ka dahil mapanira ka ng pamilya ng pamilya sa pagpatol sa kung sinong mga lalaki dito sa lugar natin." Maanghang kung patutsada. Akala yata ng mga babaeng mga amoy lungad ay hindi ko sila papatulan sa kung anong trip nila sa buhay. "Ano raw? Ako mapanira ng pamilya ng may pamilya? Hiyang-hiya naman ako sayo, Reyna. Hindi ba nga at kailan lang ay nag-away sina Monching at Cherna na umabot pa sa na ospital ang nakakaawang babae samantalang ang mapagpaniwalang asawa ay nakulong dahil sa gawa ng matalas mong dila? At hindi nga ba at kailan lang ay sinugod ka sa bahay niyo dahil kinakalat na buntis ang isang dalaga dahil lang sa tumaba ngunut iyon pala ay may sakit at kasalukuya naggagamot? Lakas ng loob mong magsalita ng mapanira gayong lahat ng halos tao dito sa barangay natin ay kilala ka bilang numero uno at nuknukan ng tsismosa, Reyna!" malakas pa na pahayag ng babaeng maraming anak. "Oo nga naman!" sulsol pa ng mga taong sa paligid habang nagtatawanan pa. "Hindi lang iyon, ha. Marami pang tsismis si Reyna na nagdala sa kanya sa barangay. Kaya kung sisilipin ang record ng kung sinong pinakamaraming reklamo sa barangay ay tiyak na si Reyna na naman ang tatanghaling reyna!" ani naman ni Aling Biday. Tawanan ang lahat kaya nakuyom ko na ang mga kamay ko. Gusto ko ng manugod, manabunot at pagsasampalin si Aling Biday sampu ng kanyang mga alipores. "Mag-ingat ka, Miss. Baka akala mo nakikipaglapit lang yang si Reyna at Rosa sayo pero tiyak namin na pagtalikod mo ay pinag-uusapan ka ng dalawang yan at nilalait ka mula ulo hanggang paa. Itsura ka pa namang inosente at galing sa kung saan. Saan ka ba pupunta at ganyan ang suot mo? A-attend ka ba ng taping at ganyan ang suot mong damit? Anong title? Ako at ang mga kasama kong tsismosa?" patuloy na pang-aasar ni Aling Biday. "Reyna, mabuti pa umalis na tayo," pagyaya sa akin ni Marites na hinawakan pa ako sa aking braso. "Mabuti pa nga na umalis na tayo dahil baka mahawa pa tayo sa mga umaalingasaw na amoy sa lugar na ito. Ewan ko ba? Ang bango naman ng barangay na ito maliban sa banda rito. Amoy amag!" bulalas pa ni Rosa na sanay na sanay din makipag bardagulan sa mga tsismosang kaaway. "Naku, Rosa! Baka naman naaamoy mo lang ang sarili mong hininga. Ganyan talaga kapag walang mabuting lumalabas sa bibig, mabaho ng husto ang hininga!" sambit pa ni Aling Biday na nakipag apir pa sa mga kasamahan niya na kanina pa tawa ng tawa. "Hahamunin ko sana kayo ng amuyan kung sino nga ba ang mababaho pero lugi kami dahil alam namin sa sarili namin na naliligo at pagsesepilyo kami. Kung simpleng usapan lang ay umaalingasaw na ang mga bibig at kilikili niyo ay ano pa kaya kung sasasyain na amoyin? Mga kadiri. Mga kay babaeng tao ay kay dudugyot sa katawan." Mga pang-iinsulto ko sa mga tropa ni Aling Biday. Hindi yata ako papayag na ako lang ang mainsulto ng sobra. Kailangan kong makaganti ng panghihiya dahil hindi ako matatahimik. "Alam niyo itong si Reyna kulang lang ito ng sakit sa katawan. Kapag ang babaeng ito ay nasampolan kung paano mag mumog ng dugo ay magtatanda na ito at uurong na ang dila. Ano, pasabugin ko na ba ang bibig?" paghahamon ng babaeng maraming anak na ewan ko ba at gigil na gigil sa akin gayong kahit hindi ko naman sabihin sa iba kung gaano siya karumi ay umaalingasaw na. "Subukan mo at ng makita natin kung sino ang magmumog ng dugo at uuwi ng lagas ang mga ngipin!" ang hindi ko rin naman patatalo na hamon. "Reyna, Rosa, tara na. Huwag na kayong makipag-away at baka pagtulungan nila kayo. Marami sila samantalang dalawa lang kayo." Pag-awat ni Marites na nasa likod naming dalawa ni Rosa. "Makinig kayo diyan sa napaka bady niyong bagong kaibigan. Mabuti pa siya at may utak kayong dalawa ay wala! Palagay niyo ba kapag pinatulan namin kayo ay hindi kayo makakarating sa ospital? Sabagay, mas maganda nga na maospital itong si Reyna para mas maaga ang pagkikita nila ni Cherna na ngayon ay naka confined pa rin." Salaysay pa ni Aling Biday. "Matapang lang kayo dahil marami ang bilang niyo. Pero wala kayong binatbat sa amin ni Reyna!" sigaw ni Rosa. "Talagang wala kaming binatbat sa inyo lalo na diyan sa Reyna ng mga tsismosa! Sa susunod huwag na huwag na kayong dadaan dito dahil baka talagang umuwi kayo ng mga basag ang mukha!" ganti na sigaw ng babaeng maraming anak. "Para naman sa inyo ang daan na ito? Pag-aari niyo ba? Nabili niyo para balaan kami na huwag ng dumaan pa dito? Mga itsura niyo lang na hindi pa makabili ng pisong tawas para ilagay sa mga may putok niyong kilikili na nangangamoy bayabas. At halagang sampung pisong toothpaste para sa mga bibig niyong amoy imburnal!" pang-iinsulto pa lalo ni Rosa. "Coming from you talaga, Rosa? Makapagsabi ka na wala kaming pambili gayong ikaw nga itong patay gutom na itinatawid ang kumakalam na sikmura sa pambuburaot mo sa mga pina-plastic mong mga kaibigan. Nakikikain kung kani-kanino mula almusal, tanghalian hanggang sa hapunan. Hindi ka na nahiya at maging sa mga umpukan ng inuman ay inuubos mo ang mga nakahain na pulutan. Pustahan tayo, nakikikain ka diyan sa tsismosang si Reyna kaya panay ang dikit mo!" paratang ni Aling Biday na totoo naman. Hindi na ako magtataka kung alam din nila ang pagiging rated pg ni Rosa dahil talamak nga naman. Kay sarap talagang salaksakin ng bato ang malaking bibig ni Aling Biday. Kung hindi lang may dumating na mga barangay tanod ay baka talagang nagpang-abot na kami ng grupong mga amoy lumang amag. "Grabe naman ang mga tao dito sa lugar niyo? Ganyan pa talaga sila? Nag-aabang ng mga tao na dumadaan at saka nila aawayin?" mga tanong ni Marites ng sabay-sabay na kaming nakalampas sa balwarte ng mga babaeng amoy amag na lungad. "Ganun talaga ang mga babaeng iyon palalibahasang mga walang inatupag sa buhay kung hindi ang maupo sa labas ng kanilang bahay at pansinin ang mga dumadaan," sagot ko. Pero kumukulo pa rin ang dugo ko kina Aling Biday. May araw din ang mga babaeng iyon. "Masanay ka na, Marites. Ganito ang buhay namin lalo pa at nagkalat ang mga tsismosa at mga inggetera sa paligid. Huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi ng mga mababahong nilalang na yon. Kita mo naman sa itsura nila kung ano ang mga ugali nila." Dagdag pa ni Rosa na realtalk din sa pagiging patay gutom niya. "Hindi naman ako mapag paniwala sa mga ganung usapan. Hindi rin naman ako nakikialam sa buhay ng may buhay dahil masama ang pag-usapan ang buhay ng kapwa lalo pa at kung mapanira ang mga babanggiting mga kataga," wika naman ni Marites kung saan nagkatinginan pa kami ni Rosa na nakataas kilay na. "O, di ikaw na ang banal na walang bahid ng pagka tsismosa, Marites. Lalo mo lang akong pinangigil sa mga pinagsasabi mong babae ka!" bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD