Palapit na ng palapit ang araw ng deadline para sa pagsusumite ng mga entry para sa love contest.
Ang nakakainis lang ay dapat na ipasa ng personal ang manuscript at hindi pwedeng i-send na lang gamit sa email account.
Ewan ko kung bakit pero iniisip ko na baka mga batikang manunulat ang mga magiging hurado at mas nais nila na basahin na katulad ng dati ang mga kwento na lalahok sa patimpalak.
Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod sa patakaran kaya naman kailangan kong gumastos sa pagpapaprint ng bawat mga natapos kong mga kabanata.
"Kailan ko ba talagang sumabay kay Marites sa pagpapasa ng aming mga entry sa tv station? Ano kaya kung iligaw ko siya? Dalhin ko siya malayo at iwan ko siya sa kung saan para mahirapan siyang makarating sa tamang lugar para ma late siya ng dating o kung makakarating pa na talaga siya?" mga plano ko sa aking isip.
Gusto ko talagang huwag makasali ang babaeng iyong sa contest. Kung pwede ko nga lang na ikandado ang gate ng apartment kung siya nangungupahan ay baka matagal ko ng ginawa.
"Ano kamo, Reyna? Totoo ba? Baka naman tsismis na naman ang sinasabi mo para siraan si Marites dito sa mga ka lugar natin, ha?" reaksyon ni Rosa ng sabihin ko na rin sa kanya ang ilang beses ko ng kakaibang nakikita kapag nasa paligid si Marites.
Tumango ako at saka tumingin sa gawi ng inuupahang bahay ni Marites.
"Gaga ka talaga, Rosa. Hindi ba sabi ko naman sayo na hindi ako basta naniniwala sa mga multo? Pero iba kasi ng ilang beses ko ng makita ang kakaibang nilalang na yon sa tabi ni Marites. Para bang binabantayan siya ng kung anong nakikita kong yon." Paliwanag ko pa dahil hindi ko naman mapaliwanag ng maayos at detalyado dahil sa isap kisapmata ay nawawala na ang nilalang sa tabi ng probinsyang baduy.
"Naku, Reyna baka nga tama ang sapantaha mo na patay na si Aling Toyang? Baka nga multo niya ang nakikita mong katabi ni Marites at nagpapakita talaga sayo kasi nga kilala ka ng matandang iyon na hindi mapagkakatiwalaan."
Sinamaan ng tingin sa akin si Rosa sa kanyang mga sinabi.
"Pasensya ka na at nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kahit hindi mo ka close ang matandang babaeng iyon ay malamang na alam niya ang karakasa mo bilang pinaka tsismosa niyang kapitbahay," dagdag pang pang iinsulto ni Rosa.
Kinuha ko ang brush ng aking buhok at tinutok ko kay Rosa.
"Isa pang masamang komento laban sa akin ay isasalaksak ko na sa matabil mong bibig itong hawak ko!" banta ko sa patay gutom kung kaibigan na gaya na naman ng dato ay kinakain na naman ng walang paalam ang mga tira-tira kong mga pagkain dito sa aking kwarto.
"Hindi ka naman nasanay sa ugali ko, Reyna. Alam mo naman na kahit ganito ako ay ako lang kaibigan mo kahit masama naman talaga ang ugali mo."
Natirik ko na lang ang mga mata ko sa walang preno na pagsasalita ni Rosa.
"Bakit nga ba hindi ko magawa na masanay-sanay sa kakapalan ng mukha mo, ano?" inirapan ko pa siya ng nakakamatay na tingin.
"Kung totoo man ang sinasabi mo na may bantay ang Marites na yan ay mag-ingat ka, Reyna. Malamang na naaamoy ng sinumang multo na hindi talaga maganda ang hangarin mo sa pakikipaglapit sa probinsya na pagka-baduy-baduy kaya lagi ng nagpapakita sayo." Komento pa ni Rosa na nagpunta na sa nakabukas kong bintana at pinakatingnan ang apartment kung nasaan si Marites.
"Kung ganun ay matira-matibay kami ng multong yan. Akala niya ba ay masisindak niya ako sa pagpapakita niya sa akin na naglalaho naman din naman siya agad. Malamang na hindi niya kaya na magpakita ng matagal kaya ganun na lamang niya ako tinatakot." Determinado ko pang pahayag.
"Pwede rin na hindi kinakaya ng multo kung anong bad spirit na nararamdaman sayo, Reyna." Sabay hagalpak ng tawa ni Rosa.
Konting-konti na lang talaga at mahihila ko ng ang buhok ng babaeng ito.
"Pero seryoso ako, Reyna. Mag-iingat ka lalo pa at hindi naman tagarito sa atin si Marites. Hindi ba at galing siya sa isang malayong lugar? Malay mo at dala niya pala ang multo na iyon mula sa lugar nila?"
Bigla na lang kaming napayakap ni Rosa sa aming sarili ng parang may dumaan na malamig na hangin kahit hindi naman gumalaw ang mga dahon ng mga halaman sa loob ng aming bakuran.
"Ano yon? Bakit bigla na lang yatang lumamig ang paligid, Reyna?" tila natatakot ng tanong ni Rosa na mabilis pang tumabi sa kung nasaan ako.
"Hangin lang yon. Huwag kang masyadong praning," saway ko sa kaibigan ko kahit maging ako ay nagtataka kung saan galing ang malamig na hangin.
Ako naman ang tumayo sa bangko kung saan ako nakaupo para isara na ang bintana dahil padilim na rin naman ang paligid. Pasado ala sais na rin ng hapon kaya kailangan ko na rin magsara.
Ngunit ganun na lamang ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok ng may narinig akong bumulong sa kanan kong tainga.
"Rosa, may sinasabi ka ba?" agad kong tanong kay Rosa na gulat na gulat naman ng bigla ko na lang siyang lingunin at tanungin.
Tigas na umiling ang mahadera kong kaibigan na matatakutin naman pala.
"Wala, Reyna. Ano naman ang sasabihin ko gayong medyo natatakot na nga ako." Tugon ni Rosa na lalong niyakap ang sarili at luminga-linga pa sa paligid ng aking silid.
Pero alam kong may tila bumulong sa tainga ko.
Hindi ako sigurado sa kung anong sinabi dahil napakabilis pero alam kung meron talagang lumapit sa akin at binulungan ako.
"Reyna, mukhang hindi natin pag-usapan si Marites. Baka naririnig tayong ng multo na sinasabi mong nakikitang mong laging nasa tabi niya kaya nagpaparamdam sa atin ngayon," natataranta pang sambit ni Rosa na yakap pa rin ang kanyang sarili.
Ngunit hindi ako dapat matakot. Malamang na nagkataon lang na may malamig na hangin na dumaan dahil natural lang naman lalo pa at madilim na ang paligid.
At ang bulong na naring ko ay baka may lamok din lang na dumaan.
"Huwag ka ngang matakot at hindi naman tayo masasaktan ng mga multo kung totoo man sila. Hanggang pananakot lang ang kaya nilang gawin dahil wala na silang mga katawang lupa at mga aparisyon na lang sila. At saka kapag ganyan na nagpapakita ka ng takot ay lalo mo lang tinatakot ang sarili mo." Pagpapalakas loob ko kay Rosa na kapag nakikipag away ay akala mo kung sinong napakatapang ngunit takot na takot naman pala sa multo.
"Hindi ka rin nakakatiyak, Reyna. May mga multo na ubod ng sama at nagagawa talagang manakit ng mga buhay. Sa pagkakaalam ko ay sila ang mga uri ng mga multo na hindi matahimik at tila nanghihingi ng hustisya dahil nagawan sila ng karumaldumal na krimen na gaya ng sinasabi mong baka nangyari sa matandang babaeng si Aling Toyang."
Kung anu-ano na ang mga lumalabas sa bibig ni Rosa.
"Mabuti pa nga ay umuwi ka na sa bahay niyo at huwag mo na akong idamay sa takot mo dahil kahit kailan, totoo man o hindi ang mga multo ay hindi ako matatakot sa kanila." Matapang kong saad.
"Mabuti pa nga siguro, ante. Iba na talaga nararamdaman ko. Parang may nakamasid at nakikinig sa atin sa paligid. Nakakatakot na talaga, Reyna," tila maiiyak pa na sabi ni Rosa.
Alam ko talagang matapang si Rosa dahil madalas din siyang makipag away pero hindi ko akalain na multo lang pala ang makakapag patiklop sa tapang niya.
Multo na hindi naman niya nakikita.
"Kaya rin kasi ako nagpunta dito sayo ay dahil baka magtaka ka na hindi ako nagpupunta dito sa bahay mo. Baka isipin mo na binackstab na kita kaya hindi na ako nagpakita. Kilala kita kaya inunahan na kita, Reyna. Magtatrabaho na kasi ako kaya hindi na muna ako magiging active sa pagiging tsismosa ng ating barangay. Ikaw na muna ang bahala at balitaan mo na lang ako sa mga susunod na ganap."
Mabuti naman at naisipan ng babaitang ito na magbanat na ng sariling mga buto.
Nakakahiya na rin naman ang pagiging rated pg niya sa buong lugar namin.
"Mabuti naman, Rosa! Mabuti naman at naisipan mo na rin sa wakas na magtrabaho para may pambili ka nag sarili mong pagkain at hindi ka na kung kani-kanino nambuburaot!" biro kong asik pero totoo naman kasi.
"Oo na, Reyna! Napag-isipan ko na rin kasi na ang tanda ko na para umasa sa mga magulang ko at sa mga kaibigan ko. Kaya nga nag-apply na ako agad ng trabaho at swerte naman natanggap ako agad."
Tumango ako.
"Congratulations naman pala.
Hayaan mo at kapag nanalo ako sa love contest at nagkaroon ng kaliwa't kanan na trabaho ay kukunin kita bilang assistant ko." Buong pagmamalaki ko.
"Iyon ay kung aalisin mo sa landas mo si Marites." Tatawa-tawa pang banggit ni Rosa sa pangalan ng babaeng yon.
Lumabas na ng pinto ng bahay namin si Rosa at mabilis na naglakad palayo.
Ngunit sa pagmamadali ni Rosa kaya hindi niya naitulak pabalik ang gate. Tangka na sana akong lalabas ng bahay ng bigla na lang humangin ng malakas at sumara ng pabalibag ang gate na nakabukas na tangka ko pa lang isasara sana.