Episode 14

1830 Words
Kasalanan niya. Kasalanan naman talaga niya. Kung hindi tatanga-tanga si Marites ay hindi siya mahuhulog sa kanal. Sadyang umaayon lang talaga sa akin ang tadhana kung ano ang nangyari kay Marites. Hindi ako makaisip ng paraan para pigilan siyang huwag ng sumali sa love contest kaya ang kapalaran na ang gumawa ng paraan para mawala siya sa landas ko. Kinakabahan man ngunit mas kinakabahan ako na ako na ang talagang mananalo sa pagkakataong ito. Akin ang malaking premyo at hindi mapupunta sa iba lalo na sa ka tribo ni Marites na pwede naman na mabuhay na lang kung ano talaga sila. Si Marites lang siguro ang pilit nangangarap na ibahin ang mga nakasanayan ng kanyang mga kalahi. Kung nanatili na lamang talaga siya sa kung saan siya nararapat at ikinubli na ang pagiging si ilang-kandila ay baka hanggang ngayon ay buhay pa siya at wala sa ilalim ng kanal. Matagumpay akong na kasali sa love contest kasabay pa ng ibang mga kalahok na ewan kung saan galing lupalop ng mundo. Sa pagbalik ko sa lugar namin ay iniwasan ko talaga na dumaan sa kung saan nahulog si Marites. Naging tahimik ako at nakikiramdam sa paligid kung may makakatuklas ng bangkay ng babaeng iyon sa kailaliman ng kanal. Ngunit wala. Isang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa rin kahit anong balita sa nangyaring aksidente sa nakabukas na kanal. Tama. Aksidente ang nangyari at wala talaga akong kasalanan. Hindi ako dapat makadama ng guilty dahil nga aksidente ang nangyari at hindi sadya. Alam kong walang cctv sa lugar na iyon dahil bakit naman pag aaksayahan ng kapitan ng aming barangay ang gumastos pa sa mga cctv camera kung makakabawas pa sa halaga ng pera na kinukurakot niya sa kanyang pamumuno. At saka, malayo naman sa mga bahay ay lugar na iyon kaya malamang na wala talagang kahit na sinuman ang naroroon o nakasaksi sa nangyari kay Marites. Kung mayroon man ay dapat tinulungan niya na si Marites na makaahon sa kanal at sinuplong na ako sa awtoridad. Wala talaga. Wala talagang kahit na sino ang nakakakita at walang nagligtas kay Marites sa kanal na yon. At doon na lang nagtapos ang buhay ng baduy na babaeng iyon. Wala na rin namang mga magulang na maghahanap sa kanya dahil sabi niya naman ay ulila na siya. Kung sakali man na may maghanap sa kanya mula sa kanyang tribo ay madali na lang naman gawan ng paraan. Sasabihin ko na sumama siya sa isang lalaki at wala na akong naging balita pa sa kanya kahit kailan. "Reyna, hindi ba ngayon mo malalaman kung sino ang nanalo sa sinalihan long love contest? Iyong kamong kapag nanalo ka ay magbabago na ang buhay natin. Iyong makikilala ka sa buong bansa bilang magaling at tanyag na manunulat?" mga tanong ni Nanay. Well, tama ang aking ina. Kaya nga mula kaninang umaga ay wala na akong matipa sa laptop ko ay dahil excited na akong malaman ang resulta ng love contest na ngayon nga i-a-anunsyo kung sino ang mga nanalo. Makakatanggap daw ng email ang mga kalahok na nanalo kaya naman kating-kati na ako na buksan ang email account ko kahit alam ko naman na magnonotif sa oras na may natanggap na email. "Yes, nay. Kaya nga hindi na ako umaalis dito sa harap ng laptop ko at inip na inip na akong makita ang pangalan ko sa listahan ng mga nanalo." May pananabik sa aking tinig. "Naku, anak! Dapat lang na ikaw ang manalo kaysa diyan sa baduy na si Marites, ano! Hindi hamak na mas maganda at matalino kang tingnan kaysa sa babaeng yon!" bulalas ni Nanay na tumingin pa sa labas ng aking bintana kung saan matatanawa ang apartment ni Marites. "Teka nga pala, anak, hindi ba kasabaya mong umalis si Marites dahil sabay kayong tutungo ng tv station para nga magsumite ng mga kwento na inyong mga ginawa? Bakit nag-iisa ka lang ng umuwi? Nasaan ang babaeng yon?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa naging mga tanong na naman ni nanay. "Sabay nga kami, nay. Pero noong pauwi na kami ay humiwalay siya sa akin dahil may iba pa raw siyang pupuntahan," pagsisinungaling ko. "Talaga ba?" Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng may tila nakakakilabot na boses ang bumulong sa kanan kong tainga. Malinaw na malinaw kong narinig ang salitang, talaga ba? Hindi siya si Nanay dahil alam ko ang timbre ng boses ni Nanay. "Bakit, anak? Bakit bigla na ka na lang napatayo? Nanalo ka na ba?" pagtataka ni nanay sa bigla ko ngang pagtayo. "Nay, may narinig po ba kayong nagsalita? Ngayon-ngayon lang po?" tanong ko at saka dumungaw pa sa bintana ng aking silid at tiningnan ang paligid kong may ibang tao. "Reyna, tayo lang dalawa ang narito ngayon sa bahay dahil nasa trabaho ang mga kapatid mo." Tugon naman ni nanay na nakitingin na rin sa paligid. Sigurado ako na may nagsalita pero bakit ako lang yata ang nakarinig? "Ano ba ang narinig mo at parang bigla ka yatang natakot? Hayan at putlang-putla ang kulay mo," ani pa ni Nanay na tumingin sa mukha ko. "Wala po, nay. Baka nga guni-guni ko lang." Katwiran ko at saka na ako bumalik sa harap ng laptop ko. "Baka naman hindi ka na natulog simula ng maipasa mo na ang sinulat mo sa contest na yan. Baka akala mo ay hindi ko nalalaman na halos buong magdamag ay nakaupo ka lamang sa kama mo at laging nakatulala." Kunot-noo akong napatingin sa aking ina. Anong pinagsasabi ni nanay na lagi lamang akong nakaupo at nakatulala? "Sinasabi ko sayo, mahalaga ang pahinga at tulog ng isang tao kaya huwag kang masyadong magpapabaya sa sarili dahil lang sa pagsusulat at baka isang araw ay mabuwang ka na lang, Reyna," sermon pa ni nanay. Pero hindi. Hindi ako nauupo magdamag at nakatulala lamang. "Nay, sigurado ka ba nakikita mo lang akong nakaupo at nakatulala dito sa kama ko?" paniniguro kong tanong dahil bakit ko naman gagawin iyon. At saka hindi ko gawain ang maupo sa gilid ng aking kama dahil mas gusto ko ang nakasandal ang likod ko sa sandalan ng upuan at saka nakaharap sa aking laptop. "Sino pa ba ang makikita ko, Reyna? Alangan naman multo ang makita ko na narito sa loob ng silid mo? Tinatawag pa nga kita pero laging malalim ang takbo ng isip mo at hindi ko ako naririnig. Hindi lang isang beses nangyari na nakita at tinawag kita, anak. Mga apat na beses na siguro na nangyari na para kang wala sa sarili. Kaya nga gusto kong sabihin na bawas-bawasan mo muna ang ma stress sa mga sinusulat mo at mukhang masyado kang naaapektuhan." Patuloy na giit ni Nanay. Sasagot pa sana ako kay nanay ng bigla na lang akong napakislot ng tumunog ang aking laptop. May notification ako galing sa email account ko. Ewan pero para bang nawala ang excitement ko at napalitan na tila ako nag-aalinlangan lalo pa at nakarinig ako kay nanay ng kakaibang kwento tungkol sa akin. Nanginginig ang kanang kamay ko na hawakan ang mouse para nga buksan na ang email. "Sinasabi ko sayo, Reyna, ha. Baka masobrahan ka sa pag-iisip. Narinig ko na hindi na raw biro ang mga taong nagkakaroon ng sakit sa pag-iisip dahil lagi na lang nakatutom sa trabaho. Madalas raw na hindi na kumakain at natutulog kaya naman naisip agad kita, anak. Huwag kang masyadong padadala sa mga sinusulat mo." Naiinis ako sa paulit-ulit na sinasabi ng nanay ko. Anong akala niya sa akin bata na paulit-ulit sapat sermunan? "Nay, lumabas ka na nga. Hindi ka nakakatulong sa isip ko bagkus naiiinis langa ako sa mga sinasabi mo. Bakit naman ako mababaliw?" naiinis ko ng pagtaboy kay nanay na nagsimula na naman manermon kahit hindi niya naman ako kailangan na pagsabihan. "Aba! Reyna! Pinagsasabihan lang kita dahil concern ako sayo dahil nanay mo ako. Anong silbi ng kinikita ko o ikaw pa ang manalo sa love contest na yan kung baliw ka na? Nagsasabi lang ako ng totoo at hindi ako gumagawa ng kung anong mga kwento." Nagpanting ang tainga ko sa narinig. "At ano naman ang ibig niyong sabihin sa huling pangungusap niyo? Na ako ang gumagawa ng mga kwento na hindi totoo?!" asik ko. "Reyna, baka nakakalimutan mo kung sino ako? Nanay mo ako kaya huwag mo akong pagtaasan ng boses at baka palayasin kita sa pamamahay ko!" asik din naman sa akin ni Nanay. "Sumosobra naman kasi kayo para isipin na pwede akong magaya sa mga nababaliw!" patuloy ko pang giit. "Ikaw na nga itong pinapaalalahan ay ikaw pa itong galit?! Bahala ka na sa buhay mo!" sabay nagmartsa si Nanay palabas ng silid ko. Kung may pupuntahan nga lang ako ay matagal na akong umalis sa bahay na ito. Pagod na pagod na rin ako na ako ang umaako ng lahat ng mga gastusin kahit pa may mga trabaho rin naman ang mga kapatid ko. Hindi ko man lang magawa angga gusto kong gawin dahil agad ko ng maririnig kay nanay na dapat kong bayaran ang ganito, ganun at mga kung anu-ano pa. Sa sobrang inis ay aksidente kung nadiinan ang mouse at saka na nga tumambada sa akin ang nilalaman ng email na aking natanggap. Ilang ulit kong pinasadahan ng aking mga mata ang nilalaman ng email. Natutop ko ang aking sariling bibig at hindi ko malaman kung paano ako sisigaw sa sobrang saya. Ako! Ako nga ang nanalo at nakakuha ng grand prize na nagkakahalaga ng ilang milyong piso. "Mayaman na ako. Mayaman na ako!" sigaw ko sa aking isip ngunit hindi ko magawang matatalon sa tuwa dahil baka may makarinig. Agad na dininig ang panalangin ko kani-kanina lang, ang makaalis na sa poder ng nanay ko at ng mga kapatid ko. Makakabukod na rin ako ng tirahan sa wakas! "Congratulations," Natigil ang pag-iisip ko sa mga posible kung gawin sa pera na napanalunan ko ng marinig na naman ang mahiwagang tinig na bumubulong sa akin. "Sino ka?" tanong ko at saka na nakiramdam sa aking paligid. Alam kong may bumulong sa akin. "Sino ka? Alam kong may narinig akong bumulong sa akin kaya magpakita ka kung sino ka mang multo ka!" asik ko pa at saka pinasag pasag ang aking mga braso sa paligid para hanapin ang hindi ko nakikitang nilalang. Ngunit isang nakakapangilabot na halakhak ang narinig. Halakhak na alam kong natutok sa aking tainga kaya naman tinakpan ko na ang magkabila kong mga tainga para hindi ko na marinig pa. "Sino ka? Ikaw ba yan, Marites? Nagmumulto ka ba dahil gusto mo akong paghigantihan sa nangyari sayo?" tanong ko na naman at iniisip na maaaring si Marites nga ang nananakot sa akin. Wala naman akong pwedeng isipin na pwedeng manakot sa akin kung hindi ang babaeng yon. "Hindi ko kasalanan na tatanga-tanga kang babae ka! Hindi ko kasalanan na nahulog ka sa butas ng kanal!" pagtatanggol ko sa aking sarili. Ngunit patuloy lamang ang kanyang pagtawa ng pagtawa na lalo niya pang mas pinalakas para marinig ko ng malinaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD