Episode 15

1611 Words
Nakakapagod pala ang maging instant celebrity. Kaliwa't-kanan na interview. Mga tanong na mabuti na lamang at napaghandaan ko ang ano ang dapat ko na isagot. Nakaharap naki-congratulate sa akin ang mga nasa matataas na posisyon sa tv station na siyang may pasimuno ng love writing contest. Marami rin akong mga artist ang nakita at nakausap na rin. Ang sarap sa pakiramdam na lahat na nakakaalam na ako ang nanalo sa contest ay tinitingnan ako ng buong paghanga. At nag higit sa lahat ay natanggap ko na ang malaking premyo. Nanginginig pa nga ako sa sobrang saya ng iabot sa akin ang tseke kung saan nakasulat ang kabuuan kong premyo. Nakalista na nga sa utak ko ang lahat ng nais kong bilhin. At maliban sa malaking premyo na natanggap ko ay maaari pang madagdagan dahil nga marami ng director ang nagpahayag na gusto nila akong makatrabaho bilang writer ng susunod ng kanilang mga proyekto. Ang sarap sa pakiramdam na tinitingala at hinahangaan. Ngayon pa lang ay nakikini-kinita ko na kung paano ng magkakadahaba ang leeg ng mga hampaslupa naming kapitbahay kapag nakita nila na sa paglakad ko ay may kasunod akong camera. Nais kasi na makita ng pamunuan ng love writing contest kung anong klase ng buhay ang mayroon ako upang maging inspirasyon sa iba na nangangarap na maging gaya ko. Siguradong pag-uusapan ako ng lahat ng mga nakatira sa amin kapag nalaman nila na ako lang naman ang nakakuha ng grand prize na tumataginting na milyon ang premyo. Marami na namang maiinggit sa kung anong natamo ko. Dadami na naman ang mga plastic na makipagkaibigan sa akin dahil umaasa na baka maambunan ko ng perang napanalunan ko. As if naman na gagawin ko yon? Ano ako baliw at uto-uto na magbibigay sa kanila na walang ginawa kung hindi pag-usapan din ang buhay ko sa tuwing malalaman nilang napa barangay na naman ako. Maglaway sila pero hinding-hindi ko sila ililibre kahit isang pirasong candy. Ang hirap nga din pala na kumilos kapag naging instant sikat at milyonaryo. May pera nga ako pero hindi ko pa magawang mag-enjoy dahil marami pang kung anong mga pakulo itong may pakana ng contest. Pero magtitiis na muna ako dahil pera rin naman ang kapalit nito. Hindi na nga rin ako nakakapag-update sa mga ongoing stories ko dahil sobrang busy ko. Ano ngayon ang mga writer na sikat sa online writing platform kung saan ako nagsusulat? Ngangawa sila ngayon dahil hindi nila aakalain na ang katulad ko na konti lang ang mga followers at mga readers ay nagwagi sa isang prestishiyosong patimpalak. Tiyak din na marami na ang maghahanap ng account ko at magbabasa ng mga sinulat ko dahil nga binabanggit ko sa bawat interview ko kung saan ako nagsusulat at ano ang pen name kong gamit. Halos hindi rin ako makakain ng husto. dahil nga kahit ako ay hindi makapaniwala sa kasalukuyan na nangyayari sa aking buhay. At paano rin naman ako mabubusog kong ang mga kasama kong kumakain ay tamilmil kong kumuha sa kanilang plato kahit napakadaming pagkain sa buffet na pinuntahan namin kaninang tanghali. Mabuti na lang at pinayagan na rin akong umuwi dahil bukod sa pagod na ang katawan ko, ngawit na ang bibig ko sa kakangiti ay gutom na gutom na talaga ko. “Bakit ang tagal naman, kuya? Kanina pa kaya ako naghihintay dito sa labas dahil sabi mo malapit ka na?” bugnot na bugnot na ako dahil ang tagal dumating ng food delivery na inorder ko online. Pagkahatid na pagkagatid sa akin ng driver ng kung sinong may sasakyan sa tv station ay nanginginig na ang mga daliri ko na pumindot ng lahat ng mga gusto kong kainin dahil nga gutom na gutom na ako. “Pasensya na, Ma'am. Natagalan kasi akong hanapin itong exact address mo. Nagtatanong-tanong naman ako diyan sa labasan pero kapag binaggit ko ang pangalan niyo ay bigla na lang silang aalis at hindi ako sasagutin.” Paliwanag ng delivery rider na kakamot-kamot pa sa likod ng kanyang ulo na akala mo naman talaga ay nangangati. Tumaas ng todo ang kaliwa kong kilay sa narinig. Sinasabi ko na nga ba at umiral na namab ang nga pagkainggetera ng mga kabarangay ko. “Mga inggitera at inggitera kasi ang mga napag tanungan mo, kuya. Hindi nila itinuro ang bahay ko kahit alam naman nila kung nasaan dahil naiinggit sila. Hindi pa kasi nila naranasan ang magpa-food delivery dahil hindi nila afford. Kaya naman ganun ka na lang nila tinalikuran,” paliwanag ko pero nanggigigil ako sa totoo lang. Mga inggit talaga sa akin. Kasalanan ko ba na may pera akong pambayad at pang order ng pagkain online? Palibhasa kasi puro tsismis, tambay sa kanto at pagsusugal lang ang mga inaatupag kaya wala silang mga pera. “Huwag mo na akong suklian, kuya. Sayo na lahat ang sukli. Keep the change.” Medyo nilakasan ko pa ang pagkakasabi ko ng keep the change dahil napansin kong may mga nakatayo sa hindi kalayuan sa gate ng aming bahay. Tuwang-tuwa naman na nagpasalamat ang delivery rider. At sinong hindi matutuwa kung nasa seven hundred pa mahigit ang sukli ko? Nanghihinayang ako pero mas gusto kong inggitin ang mga tsismosa sa malapit. Matakam na sila sa mga pagkain na inorder ko at mamatay sila sa inggit na marami na akong pera. “Ang dami mo namang inorder na pagkain, Reyna? Mauubos mo bang lahat ng mga yan?” manghang tanong ni Nanay ng makita na akong pumasok ng bahay. “Sa atin lahat ng mga ito, Nay. Ubusin nating lahat at wala kayong dapat na bigyan kahit na sino sa mga kapitbahay natin. Mga inggitera talaga. Palibhasa mga wala silang pera kaya hindi nila magawa na ituro itong bahay natin sa delivery rider kanina. Kaya naman pala ang tagal dumating ay nagtanong-tanong pa kung kilala ba ang pangalan ko at saan banda ako nakatira. Kung hindi ba naman mga inggitera ay wala man lang daw sumagot sa mga pinagtanungan ng deliver rider!” bulalas kong kwento kay nanay habang ngasab ko na ang isang double patty burger na punong-puno ng cheese habang sinasawsaw na sa catsup ang fries na hawak ko sa hawak ng mga daliri ko. “Hindi ka na nasanay sa ugali ng ating mga tsismosa at mga inggitera nating kapitbahay. Malamang na inggit na inggit na ang mga yan lalo pa at nalaman nilang nanalo ka at nakikita nila sa tv kung saan ka na interview. Proud na proud nga ako, anak bilang nanay mo. Aakalain ko ba na magkakaroon ako ng anak na kasing galing mo at sisikat ng ganito?” Sa mga narinig sa sarili kong nanay ay mas lalo pa akong naging proud sa sarili ko. Dapat lang na maging proud sila sa akin dahil ako lang naman ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ako mag-aalis sa kanila sa masikip at mabahong lugar na ito na puno ng mga tsismosa at mga inggitera. “Siya nga pala, anak. Kanina ay nagpunta dito ang landlady niyang upahang bahay sa tapat natin. Nagtatanong kung alam ba raw natin kung saan nagpunta iyong si Marites. Hindi pa yata umuuwi anak simula ng sabay kayong magpasa ng mga sinulat niyo para sa contest.” Napainom ako ng hindi oras sa sinabi ni nanay. Muntik pa akong mabulunan talaga dahil punilong-puno ang bibig ko ng burger at fries. “Hindi pa ba raw umuuwi, Nay? Wala naman kasi akong balita sa babaeng iyon. Text nga ako ng text at tawag ng tawag sa number niya pero hindi niya naman sinasagot.” Patay malisyang tugon ko. “Saan na kaya nagpunta ang babaeng iyon? Hindi kaya naligaw na” sapantaha ni Nanay. Tumango ako. “Maaari dahil hindi naman siya tagarito. Maaari rin namang nakipagtanana na siya, nay.” Komento ko rin naman. Nagulat na lang ako ng biglang natawa si nanay. “Reyna, sapalagay mo naman ba ay may magkakagusto sa babaeng iyon? Sa itsura niya pa lang ay walang lalaki na magtatangka na lumapit sa kanya.” Tatawa-tawa pang sambit ng Nanay ko na kumakain na rin ng barbecue na kasama sa mga inorder ko. May punto naman talaga si Nanay. Si Marites ang tipo ng babaeng hindi lilingunin ng mga kalalakihan ng dahil lang sa babae siya. Lilingunin siya dahil aakalain na isa siyang baliw dahil nga sa kakatwa niyang kasuotan. “Baka nama kaya hindi na siya nagpakita pa ay wala na siyang pambayad ng upa, anak. Hindi na at kamahal ng upa diyan sa apartment na yan? Pwede rin naman na nahiya siya sayo dahil nga ikaw ang nanalo at natalo siya. Hindi niya matanggap ang pagkatalo kaya hindi na siya nagpakita pa.” Kitang-kita sa mga mata ng nanay ko na malakas ang paniniwala niya na ganun nga ang nangyari. “Hayaan na natin ang babaeng yon, Nay. Kung nasaan man siya ay sana huwag na siyang bumalik pa,” putol ko na sa usapan namin ni Nanay dahil baka mawalan ako ng gana sa kakabanggit niya sa pangalan ni Marites. “I'm back.” Napatda ako ng may marinig na naman na ibang boses samantalang kami lang na naman ni nanay ang nasa loob ng bahay. Bigla akong nilamig lalo pa at parang sa likod ng tainga ko narinig ang tila may bumulong sa akin. I'm back ang malinaw kong narinig. Anong ibig sabihin ng mga narinig ko? Sino ang bumalik? Si Marites nga ba? Ewan pero bigla yata akong sinalakay ng kung anong kaba dahil batid ko at hindi ako nananaginip. May bumulong talaga sa akin. Dinig na dinig ko talaga. Gumapan na ang kilabot sa buo kong katawan at dahil ang salita na narinig ko ay para bang may kasamang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD