“Anak, nariyan sa harap ng bahay natin ang mag-asawa na nagmamay-ari ng apartment sa harap. Magtatanong yata sayo tungkol kay Marites.”
Napataas ang kilay ko sa narinig kay Nanay.
“Sana sinabi niyo na wala ako! Ayokong maging tanungan ng mga kung sinong nawawala dahil iyon ang pakay nila sa akin!” naiinis kong sabi kay Nanay.
“Anak, nakita ka kasi nilang lumabas kanina kaya hindi ko magawang ipagsinungaling na wala ka rito sa bahay.” Katwairan naman ng nanay ko.
Itinirik ko na lang ang mga mata at saka tamad na tamad na bumangon sa kama ko. Ayoko talagang kumauswap ng kahit na sinuman dahil ayokong mahingian ng balato o kaya makarinig na ilibre ko naman sila dahil nalaman nilang nanalo ako ng malaking premyo.
Hinihintay ko pa kasi ang mga taong magpupunta nga rito para interview kung anong klase ng buhay meron ako pero hanggang ngayon ay wala pa sila.
Gustong-gusto ko ng makaalis sa lugar na ito kaso nga lang ay ang tagal ng kung anong kaartehan na interview na yan.
Tamad na tamad din akong naglakad patungo sa pinto ng bahay kung saan ko nga nakita ang dalawang taong simula ng makita ko ay wala na akong mga tiwala sa itsura.
“Ano bang kailangan niyo? Pakisabi lang ng mabilis at abala ako,” may halong pagkabugnot ang mga salita ko.
“Magtatanong lang sana kami kung may contact ka pa ba kay Marites? Ilang linggo na kasi siyang hindi umuwi ng apartment. Marami kasing nagasabi na close kayo kaya ikaw ang pinuntahan namin para tanungin kung may alam ko ba kung nasaan siya at kung uuwi pa siya sa apartment?” tanong ng babeng nauuna na ang malakibg bilbil sa kanyang katawan. Mukhang noong isang araw pa nga siya hindi naliligo kaya napakadugyot ng itsura.
“Wala akong alam kung nasaan si Marites. At saka magkakilala lang kami at hindi kami closed.” Nakasambakol ang mukha ko ng sumagot.
“Ganun ba? Ikaw kasi ang nakita na kasama niya sa cctv camera. Naglalakad kayo na magkasama at mukha kayong may lakad.”
Pakiramdam ko ay bahagyang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa narinig sa lalaking daig pa ang buntis sa laki ng tiyan.
Anong cctv camera ang tintukoy nila?
Nakita kaya sa cctv kung anong nangyari at kung ano ang ginawa ko kay Marites?
“Anong nakita niyo sa cctv?” pigil hiningang tanong ko.
“Nahagip kayo ng cctv camera sa tindahan ni Aling Basyon. Magkasama kayo ni Marites.
Wari naman akong nakahinga ng maluwag dahil napakalayo ng tindahan na sinabi ng lalaking mukhang butete kung saan kami nakita sa cctv camera sa kung saan ang construction site kung saan nahulog ang tatanga-tangang si Marites.
“Iyon nga ang huli naming pagkikita at pagsasama ni Marites. Meron kaming pinuntahan pero nang pauwi na kami ay nagpaalam siya na hindi na sasabay sa akin at makikipagkita raw siya sa boyfriend niya. Nag-alala pa nga ako dahil baka sa kung saan niya lang nakilala ang sinasabi niyang boyfriend niya.” Pagsisinungaling ko pa.
“Kilala mo ba kung sino ang boyfriend niya at kung saan nakatira?” usisa pa ng babae sa akin.
“Ante, hindi ko kilala kung sino man ang poncio pilato na boyfriend ni Marites. At saka matanda na ang babaeng iyon. Baka kaya hindi na siya umuwi dito sa apartment ay nakipagtanan na siya sa lalaking kinita niya. Mahigpit kasi ang pamilya ni Marites. Nakita niyo naman kung paano siya manamit hindi ba? Kaya naisip niya na siguro na sumuway da sobrang higpit ng pamilya niya.” Patuloy kong paghabi ng nga kwento kahit ang sabi ni Marites ay wala na siyang nga magulang
“Maaaring totoo ang sinasabi mo, Reyna. Pero naalala ko na wala ng mga magulang si Marites. At kaya nga siya nakipagsapalaran na lumuwas pa lungsod ay may nabanggit siya sa akin na sasalihan niya raw na contest at magbabakasali siyang manalo.”
Naiirita na talaga ako sa mga naririnig.
Bakit ba hinahanap pa nila ang babaeng ubod ng baduy gayong ang tunay nitong pamilya ay hindi ito hinahanap.
“Hindi ko kasi tanda. Pero iyon lang ang mga mabibigay kong impormasyon tungkol kay Marites. Kung wala na kayong mga tanong ay babalik na ulit ako sa trabaho ko, ano? Marami kasi akong dapat na isulat.” Pagpapaalam ko na sa mag-asawang matagal ko ng pinaghihinalaang mga mamatay tao. Ayoko na isipin ng makakakita sa amin na closed ko rin iting sugarol s***h mga mamamatay tao dahil nga malakas ang kutob ko na pinatay lang nilang dalawa ang matandang babae na siyang tunay na nagmama-ari ng paupahan.
Nagkatinginan silang mag-asawa at saka tumango ng sabay.
Pero bago sila umalis ay hindi ko napigilan pa na magtanong sa kanila.
“Oo nga pala, bakit wala na si Lola sa bahay niya? Ang tagal ko na kasing hindi nakikita ang matandang babaeng iyon? Ano ng nangyari sa kanya? May sakit na siya kaya hindi na siya nakakalabas ng bahay?” usisa ko.
“Umuwi na si Tiyang Palo sa probinsya dahil may sakit na siya at matanda na.” Sagot ng babae.
“Sa probinsya? Sinong kasama niya? Ang alam kasi namin ay walang kamag-anak ang matanda kaya nagtataka kami na bigla na lang ay nagkaroon siya ng mga kamag-anak kasabay ng kanyang paglaho na parang bula.”
Napasimangot ang mag-asawa na parang alam na kung ano ang ibig kong sabihin.
“Nasa probinsya si Tiyang Palo kasama ng mga kapatid niya. Oo at wala siyang asawa at mga anak pero meron siyang mga kapatid. Nagkaroon lang sila ng hindi pagkakaunawaan na magkakapatid kaya siya napalayo. Pero ngayon ay nagkasundo-sundo na sila. Kaya itigil mo na ang pagkakalat ng tsismis na may masama kaming ginawa sa aming Tiyahin dahil naroon siya sa probinsya at masayang kasama ang mga kapatid niya.”
Napataas na naman ang isa kong kilay kasabay ng pagkrus ko ng mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.
“Ang lakas ng loob mong paratangan ako ng isang bagay na wala ka naman yatang ebidensya na makakapagpatunay na sa akin nga nanggaling ang tsismis na may ginawa kayong masama sa matanda. Baka nakakalimutan niyo na nasa loob kayo ng bakuran namin at pwede ko kayong ireklamo ng tresspassing!” singhal ko sa mag-asawa na kaharap ko.
Ang kakapal ng mga mukha para sabihan ako sa sarili kong bakuran.
Naglakad naman paalis ang mag-asawa pero para lang pala lumabas sa bakuran namin.
“Hindi na namin kailangan na humanap pa ng ebidensya dahil marami ng nakarating sa amin ng kung anu-anong mga pinagkakalat mo tungko sa kung anong ginawa namin kay Tiyang Palo na nanahimik lang sa probinsya. Akala mo ay hindi namin nalalaman na pinagkakalat ng makati mong dila na pinatay namin ang sarili kong Tiyahin para makamkam namin itong mga ari-arian niya? Pasalamat ka at hindi kami mapagpatol sa mga tsismis at fake news dahil kung hindi ay matagal ka na naming sinampahan ng kaso ng paninirang puri!” bigkas sa aking ng babae.
“Kung wala naman pala kayomg mga ginagawang masama ay bakit galit na galit kayo sa akin? Ano, dahil totoo? Sinong maniniwala na umuwi sa probinsya ang matandang babae gayong wala man lang nakakita ng pag-alis niya? Baka guilty lang kayong dalawa kaya galit na galit kayo sa akin dahi malamang sa malamang ay totoo ang mga sinabi ko!” asik ko pa.
“Anong pinasasabi mong galit na galit?! Natural na magalit kami dahil hindi maganda ang mga lumalabas sa bibig mo at binabanggit ng mahaba at mahadera mong dila!” sabi naman sa akin ng lalaki.
Napipikon na ako dahil nag-uumpisa na naman na dumami ang mga tao sa harap ng bahay namin at nakiki isyuso na sa kung aong mga nagaganap.
“Ipapapulis ko kayong dalawa dahil sa mga pinagsasabi niyo sa akin!” banta ko pa sa mag-asawa dahil kumukulo na ang dugo ko sa kanila.
“Nakakatawa ka naman, Reyna. Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng magpapapulis gayong totoon naman ang sinasbi ng mag-asawa tungkol sayo. Isa kang mahadera at ubod ng tsismosa kaya huwag ka ng mag deny pa! Wala yatang mga tao na tagarito na hindi kilala ang pangalan mo bilang reyna ng mga tsismosa kaya tanggapin mo ang katotohanan dahil totoo naman talaga!” pambubuska ng isa naming kapitbahay na may dala pang tasa ng kape.
“Magsilayas kayo sa bakuran namin! Mga inggit lang kayo kaya niyo ako pinagkakaisahan! Hindi niyo kasi matanggap na milyonarya na ako kaya panay ang pambabash niyo!” sigaw ko pa sa lahat na ayaw aking tantanan at sinasabihan ng Reyna tsismosa.
“Kaya pala mas lalong kumapak ang apog mo ay dahil nagkapera ka? Ante, madaling maubos ang mga pera. Sa sama ng ugali mo malamang na madaling mauubos ang lahat ng mga yan!” mula naman sa isang tricycle driver na huminto pala para makiusyuso.
“Magsilayas kayo! Mga inggetera! Mga patay gutom! galit na gakf ba sigaw ko sa lahat ng mga taong nasa harap ng bahay namain.
Hingal na hingal ako habang paulit-ulit ko silang pinapalayas ngunit habang nakatingun ako sa lupon ng mga tao ay may napansin akong kakaiba na nagdala ng buong kilabot sa pagkatao ko.
Si Marites.
Nakatayo siya sa harap ng gate ng apartment at nakangiti pa sa akin.
Kumurap ako at bigla na nga lang siyang nawala sa paningin ko ngunit nakasama na pala siya lupon ng mga tao sa harap ng bahay namin.
Sa pakiwari ko ay papalapit siya ng papalapit sa akin kaya naman napaurong na ako papasok sa aming bahay at mabilis ko ng isinara ang pinto.