“Tuloy po kayo sa aming munting tahanan,” at saka ako ngumiti ng todod sa camera na hawak ng isang camera man na sinusundan ang bawat galaw ko.
Halos ilang linggo ko rin silang hinintay na dumating para nga interview nila tungkol buhay ko dito sa aming bahay.
Mabuti na nga lang at dumating na sila dahil matagal ko ng gustong umalis sa bahay na ito.
Pakiramdam ko ay hindi na nararapat na manirahan sa ganitong klase ng lugar ang katulad ko na ngayob ay nakatanggap ng pagkilala at papuri dahil sa pagkakapanalo ko sa isang prestishiyosong patimpalak.
Sadyang pinaalis ko ang ilang mga appliances at mga gamit namin dito sa bahay para talagang magmukha akong kawawa sa madla.
Ang mga tao mula noon ay madaling mahalin ang mga nakakaawang nilalang. Kaya malamang na sa oras na ipalabas sa national television itong interview ko ay mas marami pa ang hahanga sa akin.
“Napaka payak naman pala talaga ng pamumuhay niyo Miss Reyna. Matanong ko lang kung paano ka ba nagsimula na magsulat? Meron ka bang inidolo o sadyang naisip mo na lang na gusto kong magsulat ng mga kwento?” ang tanong sa akin ng isang sikat na babaeng tv host na sumadya pa talaga dito sa bahay para personal na masaksihan kung anong buhay ba ang meron ako.
Tanda ko na kaya ako nagsulat ay dahil may binasa akong pocketbook noon na isinulat ng isang manunulat na ngayon ay tumatayong isa sa mga editor sa writing platform kung saan ako nagsusulat.
Pero ayokong banggitin ang pangalan niya dahil baka lalo siyang sumikat.
At isa pa, ayoko sa editor na yon. Palibhasa at matanda na kaya lahat na lang ay binubusisi.
Sa kanya ako unang nagpasa ng buod ng kwento ko dati ngunit marami siyang sinabi na kulang ng ganito, nasaan ang ganun kaya naman hindi ako nakapasa. Mali ang grammar, mali ang spelling at marami pa siyang sinabing mga mali.
Mabuti na lang at hindi na naging mahigpit ang platform ngayon tungkol sa mga kwento na ipinapasa sa kanila. At hindi na ako sa kanya nagpasa ng story ko. Naghanap ako ng ibang editor dahil mukhang may galit sa akin ang editor s***h writer na yon.
Pinanghinayangan ko na hinangaan ko siya at inidolo minsan sa buhay ko.
Kaya wala akong babanggitin na minsan sa buhay ko ay naging masugid niya akong tagahanga.
“Bata pa lang po kasi ako ay mahilig na po talaga akong magbasa ng magbasa. Hanggang sa naisip kong, paano kaya kung ako ang gumawa ng kwento? May magbabasa kaya? Kaya naman po unti-unti na akong nagsulat ng mga kwento. Una mga maiiksi lamang na kwento hanggang palaon ng palaon ang mga taon at nakapagsulat na ako ng mas marami word count para sa kwento na sinusulat ko.
“Magaling ka pala talaga kasi ikaw pala mismo ang siyang naglinang sa sarili mo, ano?” papuri sa akinng sikat na babaeng tv host.
“Magaling na tsismosa kamo!” sigaw sa isang bahagi ng bakuran kung saan may mga nakikiisyusong mga kapitbahay.
Na alarma ako na baka narinig sa camera ang sinabi ng kung sinong sumigaw na yon.
“Ano raw ang sinabi ng sumigaw?” tanong ng babaeng host.
Pero pinaalis na agad ng mga kuya ko ang taong sumigaw na isa raw akong magaling na tsismosa.
Mga inggit na naman sa akin kaya ganun na lang ako kung siraan.
Nagpatuloy na rin naman ang mga tanong sa akin at nasagot ko rin naman ng maayos.
Nakahanda ang sagot ko lalo na ng itinanong na naman sa akin kung anong naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwento na siyang nanalo sa love writing contest.
Lagi kong tinatatak sa isip ko ang bawat detalye na sinasabi ko tungkol dito para maging consistent ay hindi maging paiba-iba ng kwento.
“Pwedeng mong batiin ang mga followers at readers mo kung saan ka nagsusulat. Tiyak na magugulat ang matutuwa ang mga tagahanga mo na malaman na ikaw pala ang susunod na susulat ng mga kwentong pampelikula at teleserye na kanilang mapapanuod sa mga susunod pa na buwat at mga taon.”
Tama.
Nagulat nga talaga ang lahat ng mga readers ko lalo na ng mga co-writers ko mg malaman ang pagkakapanalo ko.
Maraming nagsabi ng congratulations pero hindi ko lahat pinaniniwalaan na taos sa puso nila ang pagbati sa akin.
Tiyak na marami sa kanila ang mga inggitera at pina-plastic lang ako.
Kunwari mga masaya pero hinahamak ako at kung anu-anong mga pinagsasabi laban sa akin.
Bahala silang mamatay sa inggit
At palagay ko rin ay umabot na sa maarteng editor s***h writera ang tungkol sa pagkapanalo ko.
Isang malakas na sampal ngayon ang ibinigay ko sa kanya.
At saka na siya magyabang ulit sa akin kapag nanalo na siya sa isang writing contest na may malalaking premyo para sa nanalo.
Okay naman ang lahat at nagtapos na nga ang pagtatanong tungkol sa akin.
Excited na akong lumayas sa lugar na ito.
Isang house ang lot din ang napanalunan ko at kompleto ang gamit. Kami na lang talaga ang hinihintay ng bago naming bahay sa isang subdivision.
“Thank you po, Miss Jessa. Nakakahiya po na sindya niyo pa ako sa bahay ko.” Binabaan ko ang boses ko para magmukha talaga akong nahihiya pero ang totoo ay kanina pa nga ako naiinip. Marami pa kasi siyang mga tinanong.” Naiinis kong sabi sa aking sarili.
Kung pwede nga lang ay pinaalis ko na sila kanina pa.
“Kailan naman mapapanood ang interview mo sa tv, Reyna?” tanong ng isang kapitbahay.
“Hindi ko alam pero alam niyo naman kung anong araw ang palabas ni Miss Jessa.” Sagot ko sa nagtanong na alam ko naman na walang telebisyon sa kanilang bahay.
Nakikinuod lang kung saan-saan at kung kani-kanino.
“Bakit naman hindi mo alam? Dapat inalam mo para alam namin kung kailan kami hindi manonood ng tv!” sabay tawa ng malakas ng lalaki na kausap ko.
Sa lakas ng tawa niya ay hindi na siya nahiya na ibuka ang bibig niya na dalawa na lang yata ang mga ngipin ay magkahiwalay pa.
“Tiyak na walang manunuod na tagarito sa atin dahil alam na puro kasinungalingan lang ang mga sinabi mo sa interview!” malakas pang pang-aasar sa akin ng lalaki.
“Ang lakas ng loob mong sabihan ako na walang manonood sa interview ko palibasa wala ka namang tv sa bahay mo kaya hindi ka talaga makakanood!” asik ko.
“At ngayon ko lang yata ipagpapasalamat na wala kaming tv sa bahay dahil hindi kita makikita. Imbyerna na nga kami dahil narito ka ay maiimbyerna pa ba kami hanggang sa mga pinapanood namin?”
Nakuyom ko ang dalawa kong kamao sa mg naririnig.
“Eh, di huwag kang manood! May pumipilit ba sayo na manood ka? Hindi ka kawalan sa twenty million mahigit na followers sa programa ni Miss Jessa! Magsialis nga kayo sa harap ng bakuran namin at ang babaho niyo! Maligo namam kayo para kahit kabanguhan lang ay may ambag kayong maganda sa paligid!” galit na galit ko ng pagpapalayas sa mga taong ako na lang na ako ang mga nakikita.
“Mabaho man kami sa pang-amoy mo, mas mabaho naman ang pagkatao mo, Reyna! Reyna ng mga tsismosa!”
Gusto ko na nga sugurin ang lalaki dahil sumasang-ayon sa kanya ang lahat.
“Mga inggit lang kayong lahat dahil milyonarya na ako! May bahay na akong malaki at maganda. At sikat pa ako. Pero kayo, mananatiling mga hampaslupa at mamamatay na mga hampaslupa!” sigaw ko sa lahat ng mga nakakarinig sa akin.
“Sa sama ng ugali mo ay mabilis lang mauubos ang pera na pinagmamalaki mo. At anong sikat? Huwag ka ng umasa na sisikat ka Reyna. Dahil ngayon pa lang pabagsak ka na. Sabagay, libre naman ang mangarap kaya mangarap ka na lang.” Patuloy din naman ang pang-iinis sa akin ng mabaho kong kapitbahay.
Wala siyang kasama sa bahay kung hindi ang mga alaga niyang aso at pusa na dahilan kung bakit umaalingasaw ang mabahong amoy galing sa bakuran niya. At iniwan siya ng asawa at mga anak niya dahil napaka lasinggero at napakatamad magbanat ng buto.
At ang lakas ng loob niyang latin ako?
Ang inggit nga naman?!
Madali na akong nag martsa sa loob ng bahay namin at saka na tumuloy sa kwarto ko.
“Bukas na bukas din ay aalis na ako dito. Bahala sila nanay at mga kuya ko kung hindi nila kayang umalis sa masikip at mabahong lugar na ito.
Pagod na pagod ako kaya ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa malambot na kama.
Nangalay na ako sa pagtihaya kaya tumagilid na ako pakanan. Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makitang hindi ako nag-iisang nakahiga sa kama.
Madali akong tumayo at nag tatakbo sa labas ng silid ko
“Si Marites na yon?” nagtataka kong tanong sa aking sarili.
Isang babaeng may nakakatakot na itsura ngunit bahagyang nakangiti sa akin.
Hanggang ngayon ay kaylakas ng pintig ng puso ko.
Parang totoo talaga e.
Minumulto na ba talaga ako ng babaeng yon. Akala niya naman yata ay ganun niya ako matatakot.
Baka pagod lang ako kaya iba na ang mga nakikita ko.