bc

The Architect's Mistress

book_age18+
4.0K
FOLLOW
31.2K
READ
sex
twisted
bxg
witty
affair
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Mahal niya si Nathaniel, pero may ibang babae na pa lang nakatadhana sa kanya. Ginamit lang siya upang gampanan ang hindi naibigay ng asawa. Atensyon, pag-aalaga, at pati na ang buong pagkatao niya ay pag-aari na ng lalaki. Kahit anong gawin niya na ibigay ang lahat ay kulang pa rin. Sa bandang huli, siya lang pala ang kawawa.

Natandaan niya na isa lang pala siyang parausan.

GRACE CINCO AND NATHANIEL SANTINO STORY

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Maingat na naglalakad ang dalaga sa madilim na silid. Kaya agad niyang hinanap ang switch ng ilaw upang makita niya nang maayos ang kanyang nilalakaran. Nang makapa niya ito ay nadismaya na lamang siya dahil naputulan na naman sila ng kuryente. Napasapo siya sa kanyang noo dahil hindi na naman nagbayad ang madrasta niya. Hindi man lang iniisip kung ano pa ang babayarin sa bahay, puro na lang alak ang inaatupag. Kakabigay lang niya ng pera sa kanyang Nanay na akala niya’y mababayaran na nito ngayon, pero sa kasamaang-palad ay iba ang binili nito kung ‘di puro alak. Kaya wala siyang nagawa kung ‘di mapabuntong-hininga na lamang dahil sa sitwasyon nila. Kung gugustuhin lang niya ay aalis talaga siya sa pamamahay ng madrasta niya kaya lang ang kapatid naman niya ang kanyang inaalala. Gugustuhin niyang itakas ito, pero ayaw ng kapatid niya na mawalay sa ina nitong lasingga. Sa murang edad ay naranasan na nitong alipustahin ng walang kuwenta nitong ina, pero nanaig ang kabaitan ng kapatid niya na manatili sa ina nito. Ang rason ay nag-iisa na ito sa buhay. Kaya nga nag-iipon siya ng pera para makaalis sila sa pamamahay na ito at kahit na ipilit nitong hindi aalis, pipilitin niyang sumama ito sa kanya. Walong taon na ang kapatid at siya naman ay dise otso. Sila na lang dalawa ang magkaramay at wala na silang makakapitan, kung ‘di sila lang dalawang magkakapatid. Simula ng mamatay ang ama niya, dalawang taon nang nakaraan ay nagsimula na rin ang kalbaryo niya sa puder ng kanyang madrasta. Palagi na lang siyang minamaltrato nito kapag wala siyang perang ibibigay kaya naghahanap-buhay siya sa murang edad. Oo, noong kabataan niya ay namamalimos siya sa daan upang may maibigay kay Nanay Ising ang pera. Sa murang edad ay bugbog ang aabutin niya rito, pero kinakaya niya para sa kanyang kapatid. Hindi siya susuko dahil may kapatid pa siyang dapat atupagin. Hindi siya pwedeng hindi kumayod dahil wala silang makakain kapag walang magtatrabaho sa kanila. Hindi naman niya maaasahan ang Nanay Ising niya dahil palagi na lang itong pumupunta sa sugalan o ‘di kaya ay iinom sa kung saan basta may alak. Napahinga na lang siya ng malalim dahil nadatnan niya kung saan nakahilata sa kawayan na upuan ang madrasta niya na lasing na naman. Napailing na lang si Grace na nakatanaw dito. Iniwan na niya ito at hindi na ginising dahil baka mag-away na naman sila kapag gising ito. Alam niya kapag gising ito ay hihingi ito ng pera o ‘di kaya magwawala na naman ito. Dise-otso na siya ngayon kaya kahit paano ay may napapasukan siyang raket. Sumasali siya sa mga raket ng kaibigan niya na si Nadia. Buti na lang pumayag ito na ipasok siya sa trabaho, kung ‘di bugbog sarado ang aabutin na naman niya sa kanyang madrasta. Tumungo siya sa silid ng kanyang kapatid para ibigay ang pagkain na natira niya sa trabaho. Alam niyang hindi pa ito nakakain dahil hindi bumili ang madrasta niya. Nadatnan niyang natutulog ang kapatid niya sa sahig habang hawak nito ang tiyan. Kaya hinaplos niya ang buhok nito na agad namang bumangon at napapungas pa ng mga mata. “Ate? May dala ka bang pagkain?” Napakagat-labi siya at napalunok dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Kaunti na lang ay iiyak na naman siya sa harapan nito, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Sa totoo lag nasasaktan siya sa sitwasyon nila ngayon. Gusto niyang maisalba ito sa kahirapan, pero paano? Kung wala siyang natapos. “Para sa’yo iyan para mabusog ka." Nilapag niya sa harapan nito ang pagkain at nagsimula na rin itong kumain. Napahawak siya sa kanyang tiyan ng tumunog iyon kaya nagtatakang napatingin ang kapatid niya. “Ate, hindi ka na naman kumain? Halika, kumain ka. Hati tayo!” yaya nito sa kanya, pero tumanggi siya rito at ginulo niya ang buhok ng kanyang kapatid. “Huwag mo na akong isipin, Katalina. Kumain ka na at itulog ko na rin ito para mawala ang gutom ko,” nakangiting tugon niya at umalis na rin siya sa harapan nito. “ Kapag tapos ka na riyan ay hugasan mo na lang ang baonan ko.” “Opo, Ate!” masiglang tugon nito sa kanya. "Ate, pwede bukas ay barbecue ang ulam natin?" "Oo, ulam natin barbecue bukas kaya dapat magpakabait ka at dapat iniinom mo palagi ang gamot mo." Natawa na lang siya dahil narinig niyang malakas na 'YES' nito. Naglatag na siya ng banig sa papag para makatulog na rin siya at itulog ang gutom niya. Nang mailatag na niya ang banig ay kumuha na rin siya ng kumot at unan sa cabinet. Nang makuha na niya ay agad na siyang tumungo sa banig at humiga na rin. Pinikit na rin niya ang kanyang mga mata. Kinabukasan ay maagad siyang nagising upang magsimula na naman ang trabaho niya. Nagsaing na rin siya ng agahan nila at binigyan na rin niya ng kaunting pera ang kapatid. Kung may gusto itong bilhin na pagkain ay may maibili ito at pinaalalahanan na huwag sabihin sa ina nito na may pera siyang binigay. Hanggang sa maari ay palihim itong umalis para makabili ito ng makakain. Nag-iipon din siya ng pera para maipagamot ito. May leukemia si Katalina at ayaw niyang lumala pa ang sakit nito. Kahit paano ay tinulungan naman siya ng kanyang kaibigan na si Nadia na ito na muna ang tumustos sa gamot ng kanyang kapatid. Nahihiya na siya sa kaibigan dahil pati ito ay nasali sa kanyang responsibilidad. Sinabi naman ni Nadia sa kanya nahuwag daw siyang mag-alala dahil hindi naman daw kamahalan ang gamot ng kanyang kapatid at may iba pa raw itong raket. Balang araw kapag malaki na ang sahod niya ay paunti-unti niya itong babayaran. Ayaw niyang pati ito ay gagastos pa sa kanila dahil may pamilya rin ito. Nang makalabas siya sa eskinita ay agad siyang pumara ng motorsiklo para ihatid siya sa kanyang trabaho. Nang huminto siya rito ay sinabi niya ang lugar kung saan ang Carinderia na pinagtatrabahuan nila Nadia. Tumango naman ito sa sinabi niya at siya naman ay pumasok na sa loob ng motorsiklo. Ilang minuto lang rin naman ay nakarating na rin sila sa mismong Carinderia. Nag-abot na rin siya ng pambayad at nagpasalamat siya rito. Lumabas na siya at tumungo sa Carinderia. Nang makapasok siya ay agad na sumilay ang ngiti niya nang makita niya ang kanyang kaibigan na nasa loob. Nasa counter ito at sinenyasan siya na lumapit. “Halika, may ibibigay ako para sa’yo." Pinakita nito ang isang puting sobre. Kumunot ang noo niya at taka niya itong tinitigan. Kahit nagtataka siya sa sinabi nito ay lumapit pa rin siya sa counter. Ang laki kasi ng ngiti nito para bang sinasabi nitong masusurpresa siya sa ipapakita nito. Nilapag nito sa harapan niya ang sobre at tinitigan lang niya ito. Nang hindi pa rin niya kinuha ay ito na mismo ang naglagay sa kamay niya. “Buksan mo iyan dahil gift ko iyan sa’yo.” Nakangiting pinagmasdan siya nito at halata sa mga mata nito ang galak na buksan niya ang sobre. Binuksan niya iyon at tiningnan ang nasa loob. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilang libo ang nando’n. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at binalik ang sobre. Ayaw niya nang makatanggap na kahit anong ibibigay nito dahil sobra na ang naitulong nito sa kanila. Hangga’t maaari ay ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ng kaibigan. Umiiling siya rito at umatras siya. “Sobra na ang naibigay mo sa amin ng kapatid ko. Kaya please, ayoko nang makatanggap mula sa'yo. Karampot na nga ang sahod natin, ibibigay mo pa," wika niya at dumiretso na sa isang silid, kung saan ilalagay ang mga kagamitan nila. Nilapag niya ang bag niya at nagbihis na rin ng puting t-shirt at black apron. Nang matapos siya ay agad na siyang lumabas para magsimula nang magtrabaho. Kumuha siya ng basahan at spray para magpunas ng mesa. Napatingin siya sa counter at nakita niyang wala roon si Nadia. Inilibot niya ang kanyang paningin kung saan na naman kaya ito nagsusuot. Siguro, may binili lang sa labas. Pinagpatuloy na rin niya ang pagpupunas para matapos na siya at magbabantay na siya ng counter. Narinig na lang niya mula sa kanyang likuran ang pabukas-sara ng pintuan kaya napatingin siya roon. Napakunot ang noo niya nang makita ang tagumpay na ngiti nito. "Bakit ka nakangiti riyan?" Kumibit-balikat ito at tumungo na sa counter dahil may dumating na rin na costumer. Napailing na lang siya rito at pinagpatuloy na rin niya ang kanyang ginagawa. Hindi lang naman siya ang nandito dahil may dalawa pang tauhan ang tumulong sa kanya sa paglilinis kaya mabilis lang din silang natapos. Lumapit na rin siya sa counter para tulungan na si Nadia. Pasimple niyang siniko ito sa tagiliran at napaigik naman ito sa ginawa niya. "Ang ngiti mo kanina ay kakaiba. Sabihin mo nga sa akin kung bakit?" Natawa na lang ito at bumaling sa costumer na kararating lang. Todo ngiti naman siya at binati ito. "Good Morning, Ma'am. Anong ulam ang bibilhin ninyo?" Napatingin naman ang ali ng mga nilutong alam at tinuro nito ang gusto nitong bilhin. "Pakibalot nga ako nito, ito at saka ito." Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kumuha siya ng plastic bag at nilagay ang mga pagkain sa bawat plastic. Nang matapos siya ay agad niyang binalot ang mga ito at binigay sa ali. Nagbigay na ito ng bayad at nagpasalamat muna sa kanila bago ito umalis. "Sabihin mo na sa akin kung bakit ang laki ng ngiti mo?" Naniningkit ang kanyang mga matang napatitig dito. Natawa na lang ito sa kanya at sinapok nito ang ulo niya kaya napahiyaw siya at napahawak sa ulo niya. "Ang sakit!" Napaigik siya sa sakit at hinihimas ang ulo niya. Nang mahimasmasan siya ay agad niya itong tiningnan ng masama. "Bakit ba nananakit ka na lang? Tinanong lang kita kung ano ang bakit ang laki ng ngiti mo. Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang totoo?" Tinaasan siya nito ng kilay at pinameywangan. "Bakit ba ang kulit mo? Binibigyan mo ng ibang kahulugan ang pagngiti ko." Sumimangot siya rito at umupo sa silya, pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya rito. "Alam kong may iba kang ginawa dahil iba ang pagkakangiti mo kanina. May kakaiba talaga." Napabaling ang atensyon nila sa kakabukas na pintuan at bigla na lang lumukot ang mukha niya nang makita niya ang taong ayaw niyang makita. Araw-araw na lang itong pumupunta rito sa kainan para disturbuhin o mas tamang sabihin ay binubuwisit siya. Paulit-ulit na niyang sinabi na hindi ito pwedeng nandito dahil nakakasira lang ng araw niya. "Nandiyan na naman ang matandang ulyanin na iyan. Ano ba ang pinapakain mo sa kanya? Bakit ayaw pa rin niyang tumigil sa kakasuyo sa 'yo? Ginayuma mo ba?" Nabilaukan siya sa mismong laway niya dahil sa sinabi ni Nadia at pinukol niya ito ng masamang tingin. "Siya?" Tinuro niya ang matanda na may kausap pa sa isang table. "Tumigil ka nga, Nadia. Kahit kailan hindi ako papatol sa matanda para lang magkapera. As in yuck!" "Malay mo, siya pa ang makakatuluyan mo," panunudyo nito sa kanya at tumawa pa talaga ang gaga. "Mas mabuting tatandang mag-isa kaysa sa ugod-ugod na." Napatingin siya sa matandang nakangisi sa kanyang harapan at dinantay pa nito ang braso sa counter. Pasimple nitong sinuklay ang buhok at nagpa-pogi pa sa kanya. Tumalikod siya rito at gusto niya talagang masuka sa pagmumukha nito. Kung pwede lang sukahan baka kanina pa niya ginawa. Feeling gwapo, kulubot pa ang balat at higit sa lahat ay ang ngipin nitong gold ang kulay. Hindi ba nito alam na salitang kahihiyan? Sumakit ang ulo niya dahil sa nilapag nitong isang pumpon na pulang rosas. "Don Pablo! Naparito ho kayo? Ano ang atin?" pilit na pinasigla ni Nadia ang boses at siya naman ay hindi na tumingin dito. Inabala ang sarili sa isang costumer na kararating lang sa counter. Hindi na niya pinansin ang dalawa at pinagtuunan na lang niya ang pansin ang costumer. Pero rinig pa rin niya ang pinag-uusapan ng dalawa. "Nadia, bakit ba ayaw ng kaibigan mo sa akin? Mayaman naman ako at kaya kong ibigay ang lahat ng luho niya. Pag-aaralin ko siya sa isang napakagandang paaralan." Kinikilabutan siya sa sinasabi nito. Sinong papatol sa edad na pitóng pû? Diyos ko! Mas mabuting kumayod ng husto para magkapera kaysa pumatol sa may edad. "Miss, hindi mo ba ako balutan ng ulam? Tutunganga ka lang ba diyan?" Panay hingi naman siya ng patawad dito. "Sorry po, Misis. Ito na nga po, sisimulan ko na po." Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa nakatunganga lang pala siya at hindi na niya naasikaso ang costumer nila. Binigay niya kaagad dito ang ulam na gusto nito at nagpasalamat na rin siya sa ginang. Nang matapos siyang asikasuhin ang ibang customer ay agad siyang umupo at hindi pinansin ang tingin na pinukol sa kanya ng matanda. Buong araw silang abala sa kanilang trabaho at hihinto lang sila kapag lunch break at alas ng hapon para makapagpahinga. Kahit ganito ay sakto naman ang perang pantustos nila araw-araw dahil may raket na naman siya kapag gabi. Eksaktong bandang alas siyete nang gabi ay nasa labas na naman siya ng bar para magbenta ng cigarette. Sa umaga ay nagtrabaho siya sa Carinderia at gabi ay isa siyang cigarette girl/ cigar girl. Magkasama silang dalawa ni Nadia na nagtatrabaho bilang cigar girl at hindi naman masama iyon dahil nagtatrabaho naman sila ng marangal. Kahit paano ay hindi naman gaano kahirap dahil apat na oras ka lang naman nagbebenta at sa isang gabi ay naka limang daan siya at hindi kasama iyong tips na bigay ng costumer. Saan ka pa makakahanap ng gan'yang pera? Sa isang gabi ay pwede ka ring makalikom ng isang libo. Kaya hanggang kaya niya ang dalawang trabaho ay hindi siya titigil hangga't hindi siya makalikom ng pera para sa hospital ng kapatid niya. Gusto niyang ipagamot ang kapatid sa isang hospital at maging maayos na rin ang kalagayan nito. Bilang nakakatanda ay dapat siya ang umako sa lahat ng gastusin sa bahay. Wala naman siyang maasahan sa madrasta dahil ang inaatupag lang nito ay lumustay ng pera. Wala itong naitutulong kung 'di konsumisyon lang. "Miss, magkano ang sigarilyo?" "Isang daan po ang isang kaha," tugon niya sa costumer niya na agad naman itong nag-abot ng limang daan sa kanya. "Bigyan mo akong apat na kaha at sa'yo na rin ang sukli." Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Binuksan nito ang isang kaha at kumuha ng isang stick at sinindihan iyon. "Salamat po, sir." Sobrang laki ng kanyang ngiti sa sinabi ng costumer nila, pero unti-unti rin nawala ang sigla sa mukha niya nang marinig niya ang sunod nitong sinabi. "Dagdagan ko iyan kapag gusto mo ng extra service." Nakangiting demonyo ito at siya naman ay agad namang umalis sa puwesto niya at akmang pipigilan na sana siya nito nang walang -sabing tinapakan niya ang paa nito. Napamura sa ginawa niya at siya naman ay tumakbo para hindi siya nito maabutan. Narinig pa nga niya ang pagtawag sa kanya ng b*tch. Naintindihan niya ang pagtawag nito sa kanya ng b*tch. Kahit nagngitngit ang kanyang kalooban ay pinilit pa rin niyang makabenta para makauwi na rin siya ng maaga. Parang nawawalan siya ng ganang magtinda dahil sa nangyayari kanina. Pinipilit pa rin niyang maging masigla. Hindi talaga bago sa kanya ang ganito. Ilang beses na itong nangyari sa kanya. Napabuntong-hininga siya at tinuon na lang ang atensyon sa pagtitinda. "Okay ka lang ba, Grace?" pag-alalang tanong nito sa kanya. Bakas sa mukha ng kaibigan na nag-alala ito at pinagmasdan siya nito ng mabuti. Napabuntong-hininga ito at hinawakan nito ang kamay niya. Tinapik nito ang kamay niya na hawak nito. "Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam ko na. May nambastos na naman sa'yo, ano?" Tumango siya rito at ngumiti ng tipid kay Nadia. Napahinga ito ng malalim at tinapik nito ang kanyang balikat niya. "Umuwi ka na lang muna. Baka balikan ka ng lalaking iyon at tambangan ka," suhestiyon nito sa kanya, pero umiling siya rito. "Hindi pwede, hindi pa ubos itong mga tinda ko," tanggi niya, pero hindi siya nito pinakinggan. Tinanggal nito ang strap na nakasabit sa kanyang leeg. "Umuwi ka muna at bantayan mo na lang si Katalina. Ako na ang bahala rito." Hindi na siya nagpumilit dahil tinutulak na siya nito at ito pa ang nagtawag ng motorsiklo. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang kapatid. Inilibot niya ang kanyang paningin at kinuha niya ang supot na nasa bag niya. Bago siya umuwi ay huminto muna sila sa mga nagtitinda ng laruan at bumili rin siya ng pagkain nila. Barbecue ang ulam nila ngayon dahil gusto raw nitong kumain ng barbecue kaya bumili siya. Inilibot niya ang kanyang paningin at nagtataka siya na wala man lang bakas ni Nanay Ising. "Saan si Nanay?" "Umalis po. May pumunta kasi rito na matanda at nagpaalam siya na aalis muna siya." Kumuha na rin ito ng pinggan para sa kanilang dalawa. Napakunot ang noo niya dahil sobrang linis ng bahay. Napahinto ang tingin niya sa bagong sofa na nasa sala nila. Ngayon lang niya napansin na may bago silang bagot. "Katalina," tawag pansin niya rito na nagsalin na ng kanin sa pinggan nito. "Bagong bili ni Nanay Ising ito?" Biglang lumaki ang ngiti nito sa labi. "Iyong matandang pumunta rito, Ate. Nakita ko inabutan si Nanay Ising ng pera ng matanda at may binigay din iyan ng matanda ang upuan at ito rin, may binigay siya na pera sa akin." Pinakita nito ang pera na nasa bulsa nito. Napahilot siya ng kanyang noo dahil sa nangyayari ngayong araw na ito. "Diba, sinabi ko na sa'yo na huwag kang makipag-usap o tumanggap ng kahit na ano sa hindi mo kilala?" pangangaral niya kay Katalina niya rito. Napayuko naman ito sa sinabi niya. Bigla siyang nakonsensiya kaya sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Umupo siya sa silya at hinila niya ito para makaupo sa kanyang kandungan. "Sana maintindihan mo na hindi lahat ng tao ay mababait, Katalina. Kaya huwag kang madaling magtiwala sa kahit sino. Kahit kilala mo o hindi mo kilala ay dapat kang umayaw sa kahit na anong ibibigay." Sinapo niya ang pisngi ng kapatid at saka niya hinalikan ang tungki ng ilong nito. "Huwag ka ng magtampo dahil hindi naman galit si Ate." Napaangat naman ito ng tingin at ngumiti na rin ito sa kanya. "Sige na kain na tayo para maaga tayong matulog." ------- Nagising na lang sa mahimbing na tulog si Grace dahil may narinig siyang nag-uusap sa labas ng pintuan niya kaya maingat siyang bumangon at naglakad patungo sa pintuan. Dinikit niya ang kanyang tainga sa pintuan para marinig niya ang pag-uusapan ng nasa labas. Kumunot ang noo niya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki. Kaya binuksan niya ng kaunti ang pintuan upang makasilip kung sino ang kausap ni Nanay Ising. Nakatalikod sa kanyang direksyon ang kausap ni Nanay. Sino naman kaya ito? Ito ang unang beses na makita niya ang Nanay Ising niya na may ibang kinakausap maliban kay Tatay. “Kailan ko kaya makuha si Grace, Aling Ising?” Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pamilyar na boses nito at walang iba si Don Pablo. Isa ito sa kilalang mayaman sa lugar nila. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito sa kanya. Naalala niya ang sinabi ni Katalina kanina na may isang matandang lalaki na nagbigay ng upuan, at pera sa Nanay nila. Huwag mong sabihin na iisa ang matanda na kilala niya at Nanay Ising niya? “Don, alam ko naman po nasasabik ka na sa anak kong si Grace.” Natatawang umupo ang ina niya sa bagong biling sofa at sinenyasan na maupo ang Don na Biglang naninindig ang balahibo niya sa halakhak na tugon ng Don. Huwag mong sabihin na ang kapalit na pera na binigay ni Don kay Nanay ay siya? “Dagdagan ko pa ng isang milyon, Aling Ising kapag nasa sa akin na ang anak mong si Grace. Gusto ko siya, at matagal ko na siyang pinamanmanan sa mga tauhan ko. Talagang nabighani ako sa dalaga mo, Aling Ising. Isa siyang crystal na dapat pahalagahan at ingatan.” Napasinghap siya at napadausdos na lang sa sahig. “Sino iyan?” Napatakip siya ng bibig para hindi nito marinig ang hikbi niya. Umabot sa puntong kaya pala siyang ibenta ng tinuring niyang ina. Napalingon ang matandang naka-tuxedo. Tama nga siya sa kanyang hinala. Si Don Pablo nga ang matandang kausap ni Nanay. “Baka gising na ang mahal ko?” Nagmamadali siyang umalis sa puwesto niya at bumalik sa kanyang higaan. Tinaklob niya ang sarili niya ng kumot at nagtutulog-tulugan. Mamayang gabi, tatakas siya kasama ang kanyang kapatid na si Katalina. “Pwede ko bang makita siya?” “Hating gabi na, don. Bumalik ka na lang dito bukas para makita mo siya.” Naghintay siya ng ilang oras bago siya bumangon sa kanyang higaan at nagmamadali siyang kumuha ng isang bag at nagmamadaling kumuha siya ng iilang damit. Wala na siyang pakialam kung ano ang nakuha niya dahil sa nanginginig na ang kanyang kamay sa pagmamadali. Hindi siya pwedeng maabutan dito dahil ayaw niyang maging asawa ang don. Mas mabuti pang maghirap siya sa paghahanap buhay kaysa ibenta ang sarili para lang magkapera. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Nanay. Sobra siyang nasaktan sa ginawa nito. Hindi pa ito nakontento sa binibigay niyang pera. Talagang binenta talaga siya sa matandang iyon. Sumilip muna siya sa pintuan kung wala na ba ang madrasta niya. Nang makita niyang pumasok na ito sa silid nito ay agad niyang ginising ang kapatid niya. “Katalina, gumising ka. Tatakas tayo.” Mahinang tinapik niya ang pisngi nito at pupungas-pungas pa ito ng mga mata. “Bakit, Ate?” Nagtataka ang mga mata nitong napatitig sa kanya. “Aalis tayo. Magpakalayo-layo tayo rito sa bahay.” “Paano si Nanay Ising?” Nagsisimula na namang tumulo ang kanyang luha nang maalala na naman niyang ibenta na siya nito sa matanda. “Aalis tayo dahil narinig ko si Mama na ibebenta niya ako. Nakita mo ang matandang lalaki?” Marahan naman nitong kinusot-kusot ang dalawang inosenteng mata na tila ba inaantok pa rin. “Iyong nagbigay sa akin ng pera?” Tumango siya rito at nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng kapatid. “Ate, may sasabihin ako sa’yo. Narinig ko mismo kay Mama na may ibebenta siya para magkasalapi. Ibig sabihin ay ikaw po iyon, Ate?” “Ate, umalis ka na lang mag-isa. Huwag mo na akong intindihin. Mabait naman si Nanay Ising kaya please, umalis ka na. Ayokong pabigat sa’yo, Ate.” Sinapo niya ang pagmumukha nito. Nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata ng kapatid niya. “Katalina, nangangako ako kay Tatay na hindi ka iiwan at aalagaan kita. Please, sasama ka sa kung saan ako pupunta.” “Ate...” Sinapo nito ng maliit nitong kamay ang magkabilang pisngi niya. Puno ng pag-uunawa ang nakikita niya sa mga mata ng kapatid. Nagsunud-sunod ang pagtulo ng luha niya dahil sa bigat na naramdaman niya ngayon. “Naintindihan ko kung bakit ka aalis. Ayoko na rin na pabigat pa sa buhay mo, Ate. Kaya please, umalis ka hanggang tulog na si Nanay.” Umiiling siya rito at niyakap niya ito ng mahigpit. “Hindi kita iiwan dito, Katalina. Sumama ka na kay Ate. Makinig ka sa kung ano ang sinabi ko sa’yo.” Ngumiti ito sa kanya at isang final na desisyon ang sinabi nito sa kanya. “Hangga’t maari ay huwag kang tumapak sa lugar na ito, Ate. Ayokong pinapahirapan mo ang sarili nang dahil sa amin ni Nanay. Kapag may kaya ka na sa buhay ay kukunin mo na ako ah?” “Bakit gising pa kayong dalawa?” Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita nilang nasa bungad si Nanay Ising kaya agad siyang tumayo at hinawi ito. Natumba ito sa ginawa niya at siya naman tumakbo siya papalabas ng silid nila. Nasa bungad na sana siya ng pintuan, nang maramdaman niya ang kamay nito na nasa kanyang buhok at hinila siya papasok ng bahay. Tinulak siya nito papasok sa loob at muntik na siyang masubsob sa mesa, kung hindi siya nakahawak sa upuan. "Anong karapatan mong umalis sa puder ko, Grace!" Nanlilisik ang mga matang napatitig sa kanya. Kulang na lang ay para siyang tutusukin ng mga mata nito. "Nay, paalisin ninyo po ako! Ayokong ibenta ninyo ako kay Don Pablo!" Napaangat ang gilid ng labi nito. "Hindi mo ba naisip? Ikaw lang ang dahilan ng pagiging mayaman natin! Limpak na salapi, Grace. Isang milyon na ang naibigay sa akin ni Don Pablo. Hindi pwedeng mawala iyon sa akin!" Napatiimbagang siya sa sinabi nito. Napakuyom ang kanyang kamao dahil ang nasa isip pa rin nito ay pera. Wala talaga siyang halaga sa Nanay Ising niya. "Kahit kailan hindi ko naramdaman sa'yo ang pagmamahal bilang isang ina. Ang turing mo pala sa akin ay isang walang kuwenta! Kahit magmamakaawa ka pa ay hindi ako papayag!" Nilabanan niya ang kanyang takot. Hindi pwedeng palaging takot na lang ang lumulukob sa buong pagkatao niya. Dapat na rin siguro na lumaban siya para sa karapatan niya. "Anong sabi mo!" Akmang hahambalusin na sana siya nito nang makita niyang pinigilan ni Katalina ang ina nito. "Tumakbo ka na, Ate! Huwag kang babalik dito!" Agad naman niyang dinampot ang kanyang bag na malapit sa kanya at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay. Napatigil siya sa kalagitnaan nang pagtakbo dahil nakita niya ang pagtulo ng luha ng kanyang kapatid. Mas lalong bumigat ang kanyang naramdaman. Isang sulyap muna sa bahay nila bago siya lumisan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.6K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook