TAM 1

1980 Words
ONE YEAR LATER GRACE “Nakita mo si Sir Nate kanina?” “Oo, grabe ang gwapo at ang sexy niya. Hay! Ang swerte talaga ni Miss Aleia sa kanya, ano?” “Kung ako niyan, araw-arawin ko talaga siya. Sa gan’yan ba naman kagwapo at yummy ay hindi talaga ako aayaw kapag aangkinin niya ako nang paulit-ulit.” Napailing na lang siya sa mga naririnig mula sa mga kasamahan niya sa bar. Paulit-ulit na lang niyang naririnig ang tungkol sa lalaking nagngangalang Nate. Isang taon na rin siya na nagtatrabaho rito at palaging bukambibig ng mga kasamahan niya ang pangalan ng isang lalaki. Sumasakit na nga ang kanyang tainga dahil patuloy sa kakapantasya sa isang customer nila. Hindi niya pa iyon nakikita dahil alas dos nang madaling araw ito pumupunta ng bar. Hanggang ala-una nang madaling araw lang siya dahil pitong oras lamang ang kanyang trabaho. “Kung ikaw din lang naman ay mas mabuting huwag na lang dahil talagang tatanggi sa’yo si Sir Nate.” “Grace, pakibigay nga ito sa VIP room seventeen dahil wala si Crystal na maghahatid sa VIP room 17,” utos ng isang bartender sa kanya. Bigla na lamang sumingit ang dalawang stripper sa inutos sa kanya ng bartender. “Pwede kami na lang ang magdala sa kanya iyang ino-order niya?” Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Clarissa. Sa pagkakaalam niya ay siya ang waitress at ang waitress dapat ang magdala ng mga drinks na ino-order ng mga customer. “Girls, enough! Hindi iyan ang trabaho ninyo. Please, focus kayo sa kung ano ang itinalaga sa inyo.” Napasimangot naman ang dalawa at pinaalis na lamang siya. “Sige na, Grace. Ibigay mo na iyan baka naiinip na ang customer natin.” Kaagad naman siyang tumalima at sumunod sa inutos nito sa kanya. Tinalikuran niya ang mga ito at dumiretso na siya sa room seventeen. Hawak niya ang tray na kung saan may dalawang beer in can at isang buti rin ng wine. Siguro, mayaman itong customer nila kasi kadalasan ay puro mamahalin na alak ang bibilhin. Kaya naglakad na siya patungo sa kanang bahagi ng club kung saan nandoon ang VIP customer. Nang makarating siya sa hagdan ay agad siyang umakyat. One to thirteen numbers ay regular customer, pero kapag fourteen to twenty ay VIP rooms na kung saan namamalagi ang mga artista, kilalang mga tao o ‘di kaya politiko na gusto ng privacy. Sa isang gabi ay nagkakahalagang ten thousand ang isang VIP room. Talaga ngang mayaman ang customer nila. Hindi naman talaga maipagkakaila na itong club na ito ay isa sa sikat na club ng Maynila. Nang makaakyat na siya ay nagtungo siya sa numero na sinabi ng bartender nila. Ngumiti siya sa customer nila na kakalabas lang sa kani-kanilang silid. “Good Evening, Miss Ganda!” Bati sa kanya ng isang VIP customer nila. Nalaman niyang isa itong Mayor sa Cavite. Bumiyahe lang dito para magliwaliw. “Good Evening, sir!” masiglang bati niya rito. Napahagikhik naman ito at pasuray-suray na ang paglalakad. Tumango lang sa kanya ang tatlong bodyguard nito. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room ng customer. Nang nasa tapat na siya ay kumatok siya ng tatlong beses at narinig niya ang boses mula sa loob. “Come in.” Binuksan niya ang pintuan at bumati sa VIP customer nila. Nakita niyang may kausap ito sa kabilang linya at tumawa ito. Sinenyasan siya nitong ilapag ang dala niya kaya nilapag niya sa mesa ang dalawang beer in can at isang bote ng wine. Nang matapos niyang mailapag iyon ay hindi muna siya umalis dahil ang sarap pakinggan ang tawa nito. Para bang musika sa kanyang pandinig. Posible pala iyon, ano? Kahit hindi mo kilala ay kapag makita o marinig mong masaya sila ay may lumukob na saya sa puso niya. Nakakadala ang tawa nito kaya hindi niya namalayan na tumawa na pala siya sa harapan nito. Napatigil ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya at kunot-noo siya nitong tinititigan. Naweweirdohang napatitig ito sa kanya na para bang nawawala siya sa tamang pag-iisip. Napatagilid ang ulo nito at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Are you okay, Miss?” takang tanong nito sa kanya. “Po?” “Nakakaintindi ka ba ng English o hindi?” “O-opo, nakakaintindi po ako. Kahit hindi ako nakapagtapos ng highschool─” Napatigil siya nang itinaas nito ang kamay. Ibig sabihin niyon ay tumigil siya. Salubong ang kilay nito at nakita niya sa ekspresyon nito ang iritadong mukha. “Hindi ko sinabing ikwento mo ang pag-aaral mo. I was just asking if you do understand English at sa naririnig ko ay naintindihan mo naman pala. Bakit uulitin pa ang sinasabi ko?” Bakas sa boses nito ang pagkairita. “Sorry po,” hinging paumanhin niya at yumuko siya ng bahagya. “Makakaalis ka na,” rinig niyang wika nito kaya napaangat naman siya ng tingin. “Po?” Narinig niyang napabuntong-hininga ito. Base sa pagbuntong-hininga ito ay nawawalan na ito ng pasensya. Humingi siya ng paumanhina at umalis na. Pagkalabas niya sa VIP room ay agad niyang sinapok ang kanyang ulo dahil sa kagagahan. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil mukha siyang tanga sa harapan ng VIP customer nila. Bumaba siya ng hagdan. Habang pababa siya ay walang tigil ang pagsapok niya sa kanyang ulo. “Gaga mo talaga, Grace. Talagang mukha kang tanga sa harapan ng customer. Paano kung magsumbong siya sa boss ko?” naiinis niyang sabi at nagpapadyak siya ng kanyang mga paa. Hindi niya namalayan na nasa harapan pala si Nadia at napaigik na lang siya nang sinapok siya nito. “Anong nangyayari sa’yo? Mukha ka talagang timang diyan. Kanina pa kita napapansin mula pa lang sa hagdan.” May pagtatanong ang mga matang napatitig ito sa kanya. “May nangyari ba sa itaas?” Sasabihin ba niya ang kahihiyan niya sa itaas? Baka kantiyawan siya nito at hindi siya nito titigilan hangga’t hindi ito makuntento. Kilala niya ang kaibigan niya dahil kapag nalaman nito ang kagagahan niya ay walang humpay na pagtawanan siya ni Nadia. Umiwas siya ng tingin dito at naglakad na papalayo sa kaibigan. “Ano ba kasing nangyari sa itaas at iyang mukha mo nangangamatis na?” Napahawak siya bigla sa kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. “Totoo?” May mapanuksong ngiti ang nakarehistro sa mga labi nito. Naniningkit naman ang kanyang mga mata sa ngiti nito. Makalaunan ay bigla na lang itong umabrisyete sa kanya at hinila siya sa gilid. “Magsabi ka nga sa akin ng totoo, kung bakit namumula iyang pisngi mo? At kung bakit sinapok mo iyang ulo mo? Gusto mo ako na lang umuntog diyan sa pader para tumigil ka? Parang kulang kasi ang pagsapok diyan!" Pinanlalakihan siya nito ng mata at nakapameywang na naman ito sa harapan niya. Talagang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nito nalalaman ang totoo o kung ano ang tinatago niya. “Tungkol ba iyan sa customer sa itaas?” Tango lang ang sagot niya rito. “May ginawa sa’yo?” Umiiling na naman ang sinagot niya rito. “Aishhh! Gusto mong ipukpok ko iyang tray na hawak mo! Hindi ka ba makapagsalita!” Naiinis na nitong sabi sa kanya at akmang sasapukin siya nito nang umiwas siya. Napakamot siya sa kanyang ulo bago niya ito sinagot, “ Alam mo ba kung sino ang VIP room seventeen sa itaas?” Kumunot ang noo nito at nagtataka siyang tiningnan nito. “Ano naman ang nasa room seventeen? Huwag mong sabihin na may ginawa sa’yo ang customer natin?” Agad naman niyang winagaygay ang kanyang kamay at umiling siya rito. “Hindi, gumawa kasi ako ng kagagahan sa loob.” Natawa ito sa sinabi niya. “Sino ba naman ang hindi gumawa ng katangahan do’n kung gano’n kagwapo ang lalaki?” Napatigil siya sa sinabi nito. “Iyon ba iyong lalaking palaging pinag-uusapan nina Clarissa at Anna?" “Oo, Sir Nate iyon. Bakit hindi mo ba siya kilala?" Umiiling siya rito. "Magtatanong ba ako kung kilala ko siya?" Napatampal ito ng noo at natatawa. "Naalala ko, ala-una pala matatapos ang trabaho mo at si Sir Nate naman ay alas dos nang madaling araw pupunta rito. Himala nga na maaga siya ngayon." "Sino ba siya? Bakit kilala siya ng mga kasamahan natin? Parang kilala siyang tao." "Kilalang architect iyan kaya huwag ka nang magtaka kung bakit kilala siya. Hindi lang siya kung 'di ang asawa niyang si Miss Aleia ay sikat din na modelo. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa itsura pa lang, sa yaman at talento ay nasa kanila na." Napahawak ito sa pisngi na para bang nangangarap. Napailing na lang siya at natawa sa kilos nito. "Ewan ko sa'yo, Nadia. Maiwan na nga kita at may trabaho pa akong dapat asikasuhin." Umalis na siya sa harapan nito at tumungo na sa table kung saan may tumawag sa kanya. Kinuha niya ang order ng customer at binigay naman niya sa counter. Paulit-ulit lang ang kanyang ginagawa. Walang sawang paghatid ng mga order ng customer nila at hindi naman niya maitatanggi na minsan na rin siyang nabastos dahil sa lasing nilang customer . Hindi naman niya iyon maiiwasan dahil mangyayari at mangyayari talaga iyon kapag lasing na o kahit nga hindi pa lasing ay may nambastos na sa kanya. Buong gabi siyang abala sa pag-aasiko sa mga customer nila dahil nagsidatingan ang mga ito bandang alas dose nang madaling araw. Malapit na rin ang uwian niya kaya makakapagpahinga na rin siya. "Grace, pakihatid nga ito sa VIP room seventeen!" Napatingin naman siya sa binigay sa kanya ng nasa counter. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo dahil sa totoo lang ayaw na niyang magbigay ng order sa lalaki. Umiiwas na nga siya doon dahil ayaw na niyang gumawa ng kabalbalan. "Ayaw mo bang ibigay ito, Grace? Gusto mong ako pa ang maghatid?" Tinaasan siya ng kilay ng Manager ng club. "I-ihatid ko na po, ma'am." Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Kanina ko pa napapansin sa'yo, pero hindi lang kita tinanong. Simula nang pumunta ka sa VIP room ay nababalisa ka na. May dapat ka bang sabihin sa akin?" Umiling siya rito. "Wala naman po." "Ano pa ang hinihintay mo? Umalis ka na at baka naiinip na siya!" Pagtataboy nito sa kanya. Hindi na siya tumugon dito dahil kinuha na niya ang order ng VIP customer nila. Napahinga na lang siya ng malalim at tumungo na sa itaas. Pagpasok niya sa loob ay sumalubong sa kanya ang nagmamasid na mga mata. Kahit na kinakabahan siya ay lumapit siya sa mesa nito at nilapag ang mga order ng lalaki. "May kailangan pa po kayo?" Umiiling ito sa kanya at sinenyasan na siyang umalis na. Lumingon muna siya rito at nakita niya ang kulay itim nitong mga mata. Hindi lang iyon, nababasa niya sa mga mata nito na may tinatago itong kalungkutan. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng awa rito. Hanggang sa pag-uwi niya ay dala pa rin niya ang palaisipan, kung bakit gano'n ang kanyang nakita. Bakit ito malungkot? Tumawa nga ito, pero iba naman ang pinapahiwatig ng mga mata ng lalaki. Napailing na lang siya sa kanyang iniisip. Bakit na nag-alala siya sa lalaki kung hindi naman niya ito kaano-ano? Tumungo na lang siya sa kusina para kumuha ng tubig. Isang taon na rin pa lang nakalilipas na malayo siya sa kapatid niya. Hindi na niya ito nakikita simula no'ng umalis siya sa puder ng Nanay Ising nila. Tatawag siya bukas para ipaalam na magpadala ng pera para sa kapatid niya. Kahit paano ay natulungan naman siya ni Nadia na ipadala ang cellphone na pinag-ipunan niya. May nag-aasikaso naman sa kapatid niya. Binibisita ng pamilya ni Nadia si Katalina para kumustahin ang kalagayan nito. Nagpapasalamat siya sa mga ito sa kabaitan na naitulong sa kanila. Kahit hindi sila magkamag-anak ay may tumutulong pa rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD