TAM 2

2272 Words
GRACE Kinabukasan ay agad siyang tumungo sa remittance center dahil magpapadala siya ng pera para sa kapatid niyang si Katalina. Buwan-buwan siyang nagpapadala sa pamilya ni Nadia para pantustos ng kapatid niya. Gamot, pagkain at para na rin sa check-up nito. Ngayon ay kampante na siya dahil may nag-aalaga sa kapatid niya kahit wala siya sa tabi nito. Ang Nanay Ising naman niya ay wala pa rin pinagbago dahil puro inom at sugal ang inaatupag. Kapag nakaipon na siya para sa pamasahe ng kapatid patungo rito sa Maynila ay magiging kampante na siya kapag kasama niya ito. Sa ngayon ay tawag o video call lang ang komunikasyon nila. Balang araw ay magkakasama rin sila at maipagamot niya si Katalina sa malaking ospital. Hindi pa kasya ang pera niya. Buti nga, hati sila ni Nadia sa renta at pagkain. Gusto pa sana ni Nadia sumama sa kanya, pero tumanggi na siya dahil alam niyang puyat at pagod pa ito. Ayaw na niyang mapagod pa ito sa biyahe nang dahil sa kanya. Nang makarating siya sa remittance ay nagsulat na rin siya sa papel na nasa gilid niya at sinulat ang pangalan ni Aling Betty na nanay ni Nadia at kung magkano ang ipapadala niya. Nang matapos siyang magsulat ay agad niyang binigay ang form at naghintay ng ilang minuto para makuha ang resibo. Napatingin siya sa kanyang relo at nakita niyang mag-alas nuwebe na pala. Nagdesisyon siyang pumunta ng simbahan. Pumara siya ng motorsiklo patungo sa Quiapo church. Napatingin siya sa labas ng motorsiklo at napangiti na lang nang makita niya ang mga taong masayang naglalakad sa tabing kalsada. Hindi niya maiwasan hindi mainggit na buo silang pamilya at masayang nagkakasama. Hanggang asa na lang siya dahil wala siyang ina at ama dahil namatay na ang mga ito. Naiwan siya sa pangalawang asawa ni tatay kaya lang bugbog sarado naman siya nito kaya tumakas siya sa puder nito. “Nandito na tayo, Miss,” tawag atensyon sa kanya ng driver kaya nag-abot muna siya ng bayad bago siya lumabas ng motorsiklo. “Salamat po, Manong.” Tinalikuran na niya ito at naglakad na siya patungong simbahan. Inilibot niya ang kanyang paningin at napangiti na lang siya nang makita na maraming mga taong pumapasok sa simbahan. Kahit abala sa trabaho ay binibigyan pa rin nila ng oras ang pagsisimba. Kapag nandito siya sa simbahan ay nakakagaan ng loob o nababawasan ang problema kapag inilabas mo ang hinaing sa buhay sa Panginoon. Sa Kanya lang siya humahawak ng lakas at hindi sumusuko sa buhay. Kahit may malaki pa ang problemang darating sa kanya ay alam niyang pagsubok lang iyon dahil alam ng Diyos na kaya niyang malampasan iyon. Kapag may pananalig ka sa Diyos ay hindi ka talaga pababayaan at walang imposible sa Kanya. Nag-sign of the cross siya nang makapasok siya ng simbahan. Inilibot niya ang kanyang mga mata at nang makita niya na may bakanteng upuan ay agad siyang naglalakad patungo roon. Pagkalapit niya ay napahinto siya nang makita kung sino ang katabi ng inuupuan niya at walang iba ay ang VIP customer nila si Sir Nate. Nanunuyo ang lalamunan niya at napalunok siya sa sarili niyang laway. Diyos ko naman! Bakit nagkita na naman sila? Akala niya’y hindi na sila magkikita, iyon naman pala’y pati sa simbahan ay magkatabi pa sila. Diyos ko! Pinaparusahan mo ba ako? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang kagagahan niyang ginawa sa loob mismo ng VIP room. Naninigas siya sa kanyang upuan at hindi makagalaw dahil sa nerbiyos. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya na para bang kumawala sa rib cage. Bakit ngayon pa? “Miss… Miss?” Naimulat niya ang kanyang mga mata at bumungad sa kanyang harapan ang ginang na nag-alalang napatitig ito sa kanya. “Po?” “Okay ka lang ba? Namumutla ka kasi,” puno ng pag-alala ang tinig ng ginang. Agad naman siyang tumango at napatingin siya sa katabi niya na tinaasan lang siya ng kilay. Napaiwas na lang siya ng tingin at tumingin na lang sa ginang na hindi pa rin umaalis sa harapan niya. “Opo, okay lang po ako, ma’am. Huwag po kayong mag-alala,” tugon niya sa ginang para hindi na ito mag-alala sa kanya. Sa totoo lang naman kasi ay dahil sa katabi naman niya kung bakit siya ganito. Nababalisa siya dahil nandito ang customer nila at hindi pa iyon, gumawa siya ng kagagahan sa harapan nito. “Sigurado ka talaga na wala kang nararamdaman? Magsabi ka lang sa akin kapag masama ang pakiramdam mo.” Hinawakan niya ang kamay ng ginang at ngumiti rito. Sa pagkakahawak nito at pag-alala nito sa kanya kahit hindi sila kaano-ano ay alam niyang mabait itong tao. “Hindi po masama ang pakiramdam ko. Okay lang po ako, ma’am.” Tiningnan na muna siya nito at ngumiti sa kanya bago ito umalis sa harapan niya. Napahinga siya ng malalim at hindi na siya lumingon pa. Tumingin siya sa kabilang upuan na may bakante kaya lumipat siya para hindi na siya magmukhang tanga sa harapan nito. Narinig na lang niyang may sinabi ito sa kasama nito, pero hindi na niya iyon pinakinggan dahil umalis na siya at ayaw na rin niyang mukhang tanga sa harapan nito. “Miss, bakante pa ba ito?” Napatingin naman sa kanya ang dalaga at tumango naman ito sa kanya. “Bakante po iyan kaya umupo na po kayo.” “Salamat,” nakangiting pasasalamat niya rito at ngumiti rin pabalik sa kanya ito. Pasimple niya itong tiningnan at nakita niya ang intensidad ng tingin na pinukol sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at pilit na itinuon ang kanyang atensyon sa pari. Huminga siya ng malalim para kumalma ang sarili niya. Ngayon lang siya naging ganito na aligaga sa isang tao. Iba kasing tingin ang pinapahiwatig nito sa kanya. Iyon bang tingin na nagbabaga at nanunuot ang tingin nito sa buto niya. Umuwi siya na dala-dala pa rin ang palaisipan na kung bakit gano'n ang titig na pinukol nito sa kanya o baka naman ay gano'n lang talaga ito tumingin. Pero imposible talaga, parang ibang meaning ang titig na pinukol nito sa kanya o nagkakamali lang siya? Aishh! Napasabunot na lang siya ng kanyang buhok dahil dalawang beses na siyang mukhang tanga na naman sa paningin nito. Bakit ba kapag kaharap niya si Sir Nate ay natutuliro siya? Pangalawang beses lang namang silang nagkita, pero itong katawan naman niya at isip ay iba ang reaksyon. Pinagkanulo siya ng kanyang sarili. "Anong nangyayari na naman sa'yo? Nawala ka naman sa sarili mo?" Napabaling siya sa kaibigan na mukhang pugad ang buhok nito. Kagigising lang ang bruha dahil naka-panty lang at manipis pa ang t-shirt nito kaya bakat na bakat ang ut*ng nito. Napailing na lang siya rito. "Nadia! Kay umaga ay mukhang pasas iyang s**o mo. Magbihis ka nga!" sita niya rito kaya natawa naman ito sa kanya at itinaas pa ang blusa nito. Naeskandalo siya sa ginawa ni Nadia at humagalpak na lang siya nang tawa dahil parang monay lang ang dibdib nito. "Saan ba ang dibdib mo, Nadia? Bakit pasas lang ang naghuhumiyaw diyan?" Naniningkit ang mga mata nito at umuusok ang ilong ni Nadia dahil sa sinabi niya. Nang may nakita itong bag na nasa upuan ay agad na binato sa kanya. Natatawang sinalo naman niya iyon. "Joke lang naman!" natatawa pa rin niyang sabi sabay lagay ng bag sa gilid niya. Pasalampak na umupo ito sa harapan niya at tinaasan pa siya nito ng kilay niya. "Maiba na nga tayo ng pag-uusapan. Huwag itong magandang dibdib ko." Sinapo pa nito ang dibdib nito na kunwari maganda raw. Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito at napatingin sa dibdib ni Nadia. Napaiwas na lang siya ng tingin nang makita niya ang hawak nitong unan. Ang unan na hawak nito ay kasing tigas ng bato. Kinikuwento kasi nito na galing sa ninuno ang unan kaya umiwas na lang siya ng tingin baka totohanin ang binabalak nito at hindi na siya magtataka na pasa ang aabutin niya. "Ito na nga..." Kinikuwento niya mula una hanggang dulo tungkol sa kagagahan niya. Ito namang si Nadia ay kulang na lang ay hihiga sa sahig sa kakatawa. "Hindi na ako magtataka dahil tanga ka nga!" Dahil sa inis niya ay binato na lang niya ito ng bag at agad naman nitong sinalo. Sana pala hindi na siya nagkuwento kung ano ang ganap na nangyari sa simbahan. Kahihiyan ang inabot niya sa babaeng bruha na walang ginawa ay tumawa nang tumawa. —— NATHANIEL Pabagsak siyang humiga sa kama. Nasa isipan pa rin niya ang babae kanina. Hindi talaga nawala sa kanyang isipan ang kinikilos ng babae na nasa simbahan. Hindi niya maintindihan kung bakit ito naninigas sa kinauupuan nito. Akala niya’y may masamang nangyayari sa babae. Pamilyar sa kanya ang mukha ng dalaga parang nakita kasi niya ito, pero hindi lang niya maalala kung saan. Saan nga ba niya ito nakita? Bigla na lang sumagi sa isipan niya ang babaeng weirdo na nagtatrabaho sa bar. Isang waitress na tumawa sa harapan niya. Talagang hindi nga niya maintindihan kung bakit ito tumawa o anong nakakatawa no’ng gabing iyon. Higit sa lahat ay sila lang naman dalawa sa loob at hindi naman siya nagkuwento ng nakakatawa sa harapan nito. “Are you okay?” pag-alalang tanong ng kanyang asawa. Ngumiti siya rito at tumango. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad ni Aleia. He miss her so much. “Yeah, I am okay. I was just so happy na nandito ka na ngayon sa tabi ko. Akala ko hindi ka na naman uuwi dito sa Pilipinas,” Tumagilid siya nang pagkakahiga para makita niya ito ng maayos at haplusin ang magandang mukha ng asawa niya. “Three months tayong hindi nagsasama dahil sobrang busy mo sa ibang bansa. Buti naalala mo pa ako.” Natawa naman ito sa sinabi niya at kinurot nito ang tungki ng kanyang ilong. “Bumalik nga ako dahil gusto kitang makasama dahil na-miss kita. Buti pinilit ko ang Manager ko na mag-stay dito ng ilang linggo para makasama kita. Na-miss ko na kasi ang asawa ko." Napangiti siya sa sinabi nito at hinaplos ang mukha ng asawa. Minsan lang niya ito makikita dahil sa busy ang schedule nito at pati naman siya, pero naglaan siya ng oras para kay Aleia. Hindi niya sasayangin ang oras na pagsasama nila ngayon. Napatitig siya rito at hindi talaga siya nagsasawang pagmasdan ang asawa. Talagang napakaganda nitong babae at ito lang ang babaeng nagpabihag ng mailap niyang puso. Akalain mo iyon na isang lalaking barumbado ay pinatino ng isang babaeng mahinhin at mabait. Kulang na lang ay hindi ito makabasag ng pinggan. Sobrang saya niya ng pumayag itong magpakasal sa kanya. “You and I got engaged after dating five years at the ages of twenty-seven and twenty-eight. We are now happily married almost four years. Gusto ko na rin magkaanak, Aleia." Walang tumbas ang saya niya ng sinabi niya iyon. Napatigil ito sa kanyang sinabi at nakita niya ang pagkabahala nito. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso kaya nawala ang ngiti niya sa labi. Marahas na napabuntong-hininga siya at napatihaya siya dahil alam na niya ang sagot. Pagak siyang natawa at bumangon siya sa kama. Pakiramdam niya ay walang balak na magkaanak ang asawa niya sa kanya. Hanggang ngayon na halos apat na taon na sila ay palagi na lang itong tumatanggi at sinasabi sa kanya na hindi pa muna. Kahit hindi nito sabihin iyon ay alam na niya kung bakit. Trabaho na naman nito ang inuuna kaysa sa kanya. Kailan kaya siya naman ang uunahin nito? Kumuha siya ng alak sa cellar at binuksan ito. Hindi na siya nag-abalang gumamit ng baso dahil hindi na iyon kailangan. Gusto niyang magpakalasing ngayon. Ang akala kasi niya ay pagbalik nito ay pwede na nilang gawin ang kung ano ang dapat gawin ng mag-asawa at iyon ay ang magkaanak. Napahinga siya ng malalim nang maramdaman niya ang mga braso nitong nakayapos sa kanyang beywang at humilig ang mukha nito sa kanyang likuran. "Galit ka ba?" "Pinag-usapan na natin ito, Aleia. Sabi mo pagbalik mo ay pwede na tayong magka-baby, pero bakit?" Binaklas niya ang kamay nito sa kanyang beywang at humarap dito. Pabagsak na nilapag niya ang bote ng alak sa mesa niya. Salubong ang kilay na tinitigan niya ito. Napatitig siya sa mukha ng asawa kung tama ba ang hinala niya na ayaw pa nito. Mahina siyang natawa. Napahinga na lang ng malalim dahil nanunuot ang sakit sa dibdib niya. Matagal ng sila, pero ayaw pa rin nitong magkaanak sila. Gusto niyang may nakikita siyang may mga naghagikhikan na mga bata sa bahay nila. Naiinggit na siya sa kanyang dalawang kapatid na sina Vince at Beatrix dahil may mga anak na sila. He's already thirty-three-year-old for fvcking sake! God knows na gusto na niyang magkaanak. May little Nate at little Aleia. Siguro hanggang asa lang siya. "Babe, alam mo naman ang work ko. After my project this year, I'm willing to get pregnant. This is not the right time, Nate. I hope you understand." Pagkukumbinsi nito sa kanya, pero masakit lang talaga. Napahinga na lang siya ng malalim at napakagat-labi na lang siya ng labi para doon ibaling ang frustration at pain niya. All this time, umaasa lang pala siya sa wala. Wala na siyang nagawa kung 'di tumango na lang at intindihin ito. Nasasaktan siya, pero mas gugustuhin na lang niyang kimkimin ang sakit kaysa makitang malungkot ang asawa. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit at hinagkan ang tuktok ng ulo nito. Ano pa ba ang magagawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD