TAM 3

2314 Words
GRACE Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang bigla na lang narinig niya ang pangalan ng lalaking iniiwasan niya nitong nakaraang-araw. Ayaw na niyang gumawa ng kagagahan sa harapan nito dahil mukha na siyang tanga at isa pa roon ay magsusumbong na naman ang isa sa kasamahan niya. Jusko! Kaya nga kapag inuutusan siya ni Alex na bartender nila ay tumatanggi na siya o ‘di kaya ipapasa niya sa ibang waitress. Alam niya kapag nalaman ng isang bartender ay pumunta siya roon ay uusok na naman ang ilong ng babaeng iyon. Alam niyang may kaibigan ito na isa sa kasamahan niyang waitress at ayaw niyang malilintakan siya. Dalawa kasi ang bartender nila seven to one nang madaling araw ay si Alex at Lara naman ay 2 am. hanggang 5 am. Ngayon ay ang nasa bar counter ay si Alex at buti na lang hindi siya nilagay ng boss nila na alas dos nang madaling araw dahil baka pag-initan na naman siya ng babae. Gusto kasi nito na hindi niya sasapawan at hindi rin niya alam kung anong pinagpuputok ng butse nito dahil wala naman siyang naalalang atraso sa bartender na iyon. Hindi nga niya alam kung bakit gano’n kagalit ang babaeng iyon sa kanya at iyon ay si Lara. Napatingin ulit siya sa entrance kung saan nandoon si Sir Nate na kausap nito ang boss nilang si Sir Dave. Napaiwas siya ng tingin nang makitang napatingin ito sa direksyon niya o baka naman ay namalikmata lang siya at hindi siya iyong tiningnan nito? Ewan ba niya sa kanyang sarili kung bakit hindi siya mapakali kapag nandito si Sir Nate sa bar. Siguro dahil sa kahihiyan na nagawa niya sa harapan nito at isa na sa rason ay pinatawag siya ng boss niya noong isang araw dahil nagsumbong ang isang kasamahan niya. Iyon ay walang iba kung ‘di si Lara ang bartender nila. Malaki talaga ang galit nito sa kanya. Ang pinagtataka lang niya ay kung bakit nalaman nito ang nangyari sa kanya sa loob mismo ng VIP Room seventeen. Sinumbong na kung bakit daw iba na ang waitress na itinalaga rito at hindi si Crystal. Higit sa lahat ay pinahayag ni Lara, kung ano ang nangyayari sa kanya sa room mismo ni Sir Nate. Napahinga na lang siya ng malalim. Alam na niya kung sino dahil si Clarissa at Lara ay magkaibigan. Isa pa roon ay nalaman niya tungkol sa lalaki na pihikan ito sa waitress at iyon ay ayaw ni Sir Nate nagpapa-cute o nagbigay ng interes dito. Isa pa roon ay ayaw nito na may pagkakamali sa trabaho. Sobrang strikto ni Sir Nate kapag sa ganitong bagay. Kaya nang malaman ni Crystal ang nangyari sa kanya ay humingi ito ng pasensya dahil napagalitan siya. Umuwi kasi ito dahil nagkasakit ang anak nito kaya lumiban muna ito noong gabing iyon. Naalala niya noong isang araw nang pinatawag siya at nagsumbong nga si Lara sa boss nila. Naiinis siya dahil ito ang unang beses na nasita siya ng kanyang boss dahil sa kagagawan niya sa loob ng Room 17. Hangga’t maaari ay tumanggi na siya kapag rotation na nila. Kada linggo ay mag-iiba sila ng room na asikasuhing customer. Hindi naman sa nag-iinarte siya, pero ayaw na niyang magkamali. May trauma na siya sa room 17. Ayaw niyang makita ang intensidad ng titig na binigay nito sa kanya o baka gano’n lang talaga ang mga mata nito, mapagmatyag. Napailing na lang siya sa kanyang iniisip at nagpaalam muna siya kay Alex na pupunta muna siya ng banyo dahil maglagay muna siya ng pampaganda sa mukha. Tinuruan kasi siya ni Nadia kung paano maglagay ng make up para matuto siya at maging presentable ang kanyang ayos. Nang nasa banyo na siya ay agad na niyang inayos ang kanyang sarili at naglagay ng kaunting lipstick sa mga labi. Sinipat niya ang kanyang sarili kung may idagdag o sakto lang ang paglagay ng make up. Nang makitang okay na ang lahat ay agad siyang lumabas ng banyo. Pagkalabas niya sa banyo ay napasigaw siya at napapikit dahil sa kaba. Muntik na siyang matumba kung hindi siya nasalo ng kung sinumang tao ang sumalo sa kanya. Sobrang kabog ng dibdib niya sa takot. “Hey! Are you okay?” puno ng pag-aalala sa tinig ng lalaki. Napamulat siya at nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang sumalo sa kanya. “Sir Nate!” Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya at umatras siya rito. Pero hindi niya maipaliwanag kung bakit may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa kamay nito. Crop top lang kasi ang suot nila at isang itim na pants kaya ramdam niya ang init na nagmumula sa kamay ng kaharap. Bigla siyang nahiya nang makita kung paano nito pinasadahan ng mga mata nito ang ayos niya. Nag-init ang kanyang pisngi nang makitang huminto ang mga mata nito sa bandang puson niya. Kaagad niyang tinakpan ng purse niya ang bandang tiyan niya. Tila natauhan ito nang makita nito ang ginawa niya ay napatikhim ito at umaayos na rin nang tayo. “I’m sorry, I didn’t mean to.” Kinukumpas-kumpas pa nito ang mga kamay at parang nahihirapan itong ipagpatuloy ang sasabihin. Kaya napakamot ito ng ulo bago ito ipagpatuloy ang sasabihin. “Hindi ko sinasadya na mapatingin sa tiyan mo. Ngayon ko lang kasi nakita na ganito ang susuutin ninyo kapag biyernes.” paliwanag nito sa kanya. Kime siyang ngumiti rito para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. “T-tuwing biyernes po kasi ay ganito ang susuutin namin, sir.” Napatango-tango ito sa kanya at sumunod ang tingin niya sa kung paano nito hinagod ang buhok nito pataas. Hindi talaga siya sanay sa itsura ng kaharap. Sobra kasing ganda ng mukha nito na parang nahulog sa langit. Nasalo nito ang kagwapuhan at kakisigan. “I should go now. Maybe, Dave is waiting for me," paalam nito sa kanya kaya tumango siya rito at ito naman ay nilampasan siya. Umilang hakbang na siya papalayo rito nang bigla nitong tinawag ang atensyon niya. “Miss…” Napalingon siya rito at taka niyang tiningnan ito. Nakita niyang nag-aalangan itong sabihin kung ano ang dapat sabihin dahil bumukas-sara ang bibig. Tinaasan niya ito ng kilay dahil ilang segundo na ang nagdaan ay ang tahimik na nito. Siguro wala na itong balak na sabihin kung anong sasabihin sa kanya dahil tikom na ang bibig ng binata. Kaya yumuko siya at nagpaalam na aalis na. Tinalikuran na niya ito at akmang aalis na sana siya nang marinig niyang magsalita ito. Sandali siyang natigilan. “May I know your name?” Lumingon siya rito at kunot-noo niya itong tiningnan dahil hindi naman sila magkakilala at higit sa lahat ay customer niya ito. Ngunit sa kanyang kalooban ay gusto niyang sabihin ang kanyang pangalan, pero ang isip niya ay ayaw. Wala naman kasing rason para malaman pa nito ang pangalan niya dahil ilang beses lang naman silang nagkita at wala naman silang malalim na koneksyon upang malaman ang pangalan sa isa’t-isa. Seryoso niya itong tinitigan at nakita niya ang pag-asa na lumitaw sa mga mata nito. “Bakit mo kailangan malaman, Sir Nate?” Sumilay ang pagka-boyish nitong ngiti at nakita niya ang maputi at pantay nitong ngipin. Nahiya naman siya dahil ang ngipin niya ay hindi pantay. “Alam mo na ang pangalan ko at wala namang masama kung gusto kong malaman ang pangalan mo, diba? Sa lahat dito ay ikaw lang ang hindi ko alam ang pangalan.” Matipid siyang ngumiti at umiiling dito. Napatingin siya sa kamay nitong nasa harapan niya at pormal itong nagpakilala. “I’m Nathaniel Santino, and you are?” Napatitig muna siya sa kamay nitong nasa harapan niya bago siya nakipagkamay. “Grace Cinco po." Yumuko siya ng bahagya upang magbigay galang sa VIP customer nila. “Sige po, sir.” Binawi niya kaagad ang kamay niya dahil wala itong balak na bitiwan niyon. Ngumiti na naman ito sa kanya. “Nice to meet you, Grace.” “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Sir Nathaniel.” “It’s good to hear when you call my name. All of my friends prepared, Nate. From now on, call me by my name,” nakangiting pahayag nito sa kanya. Kahit na naiilang siya ay tumango na lang para tigilan na siya nito at aalis na siya. “Sige po, Sir N-Nathaniel.” Tumawa ito nang marinig na nauutal siya. Tinalikuran na niya ito at narinig niya ang sigaw nito. “Bye, Grace!” Hindi na siya lumingon dito dahil tumuloy na siya sa bar counter. —- NATHANIEL Pagkabalik niya sa bar counter ay kunot-noo siyang pinagmasdan ni Dave. Pinagmasdan siya nito at may pagdududang tingin ang pinukol nito sa kanya na para bang may ginagawa siyang masama. Natawa na lang siya sa kinikilos nito at umupo sa stool. Agad siyang nagsabi sa bartender kung ano ang iinumin niya at bumaling na siya kay Dave na hindi pa rin tumigil. “Saan ka ba nanggaling? Bakit ang tagal mo sa banyo? Nagsasarili ka?” sunuod-sunod nitong tanong sa kanya at siya naman ay humalakhak na lang sa pinagsasabi nito. Talagang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nito malalaman ang totoo. Ayaw niyang sabihin ang totoo rito dahil hindi siya nito titigilan sa pang-aasar. “Bakit ba pati pag-ihi ko ay gusto mong malaman at inoorasan mo pa?” salubong ang kilay niyang tanong dito at napailing na lang. “Here’s your whiskey, Sir." Nilapag nito sa harapan niya ang order niya at nagpasalamat siya rito. Ngumiti naman sa kanya ang bartender na si Alex. "Ang tagal mo kasi sa loob kaya nagtataka ako kung bakit. Iba talaga ang nasa isip ko, may tinatago ka talaga sa akin," Naniningkit ang mga mata nitong napatitig sa kanya. Napahinga na lang siya ng malalim dahil binibigyan nito ng ibang kahulugan ang maliit na bagay. Kahit kailan talaga kapag may kaibigan kang chismoso ay hindi talaga ito titigil hangga't hindi nito malalaman kung ano ang tinatago niya. Gusto pa nitong malaman ang pinaggagawa niya sa loob. "Matanong ko lang, gusto ko lang malaman ang totoo kung ano ba ang nangyayari sa loob ng VIP room 17 kung saan nandoon ka at ang isa ang nag-serve sa'yo nang gabing iyon ay si Grace." He tilted his head to the right side and smirked at his friend, Dave, who was waiting for him to answer, but he refused to. He doesn't have anything to say or a story to tell dahil ang ginawa lang naman ng staff nito ay bigla ba namang tumawa sa harapan niya. Wala siyang ibang sinabi na nakakatawa kung 'di may kausap lang siya nang gabing iyon at iyon ay ang asawa niya na nasa ibang bansa. "Hindi na kita tatanungin kung ano ang nangyari sa loob. That's your privacy and I don't have any problems with my staff because when it comes to their works, they are actually excellent and responsible for their job." Ngumiti lang siya sa kanyang kaibigan at itinuon niya ang kanyang atensyon sa sa kanyang alak na nasa harapan niya at pinaikot niya ang kanyang baso kung saan may lamang whiskey. Napatitig siya roon at napahinga ng malalim. Speaking of his wife, pagkatapos kasi ng pag-uusap nila tungkol sa kung kailan sila magka-baby ay bigla ba naman itong nagpaalam sa kanya na tumawag ang manager nito. He wants to talk to her manager, but the problem is ay hindi niya alam kung sino ang manager nito dahil hindi pa niya ito nakita. Gusto niyang malaman, pero ang asawa na niya ang nagsabi na abala rin ito sa ibang talent model. Hindi naman sa pinagduduhan niya ito kaya lang ay gusto lang niyang malaman kung ano ang pinaggagawa nito habang wala siya sa tabi ng asawa o kung ano ang ganap nito sa buhay. Minsan lang silang magsasama dahil sa may kani-kaniyang trabaho. Sa sobrang busy nila sa trabaho ay nakaligtaan na nila kung ano ang mga magagandang dapat gawin nilang dalawa. Bilang mag-asawa ay dapat pag-uusapan na rinnila kung kailan nila gawin na magkaanak. Anim na taon na sila kung isasama nila no'ng hindi pa sila . Simula kasing abala na sa kanilang mga trabaho ay hindi na nila naibigay ang oras sa kung saan ay mag-bonding sila at walang trabahong pag-uusapan. Napabuntong-hininga na lamang siya at tinungga ang alak na nasa harapan niya. "Ano naman ang problema mo?" "Ilang araw na kitang napapansin na balisa ka at panay buntong-hininga. May nangyayari ba sa inyong mag-asawa?" Sumulyap siya rito at umiiling. "Masama bang maghangad sa asawa mo ng anak? We've been together for about eight years, at hindi na kami bumabata, Dave. Gusto ko na rin magkaanak, masama bang maghagad?" Napasabunot siya ng kanyang buhok dahil hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat. Gusto niyang magkaanak na at ayaw din naman niya na magkaanak sa edad na 40. Gusto niya habang bata pa sila ay maka-klaro nila ang mga ito at hindi iyong ugod-ugod na ang mga bata. "Natural naman na maghangad ka kasi kasal na kayo at dapat din naman na magkaanak na kayong dalawa dahil hindi kayo bumabata. Wala naman kayong problemang dalawa at ano pa ba ang rason kung bakit ayaw niya pa rin?" "Work," malamyang tugon niya sa kaibigan. Naramdaman niya ang kamay nito na nasa balikat niya at bahagya nitong tinapik. "Pwede naman siyang tumigil ng ilang taon at bumalik sa trabaho kapag malaki na ang bata. Ang trabaho naman kasi ay pwede iyang balikan at hindi iyan mawawala kung kailan mo siya balikan. Nandiyan lang ang trabaho, Nate. Pero iyang pag-aanak ay hindi iyan pwedeng mamaya pa at mamaya dahil malapit na rin kayong tumanda. Hanggang sa maaga ay masilayan mo silang naglalaro sa loob ng bahay at marinig ang halakhak nila. Masarap ang feeling kapag nagkaanak." Wala siyang tugon dito kung 'di napainom na naman ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD