"ANO NA LANG ang mukhang ihaharap ko sa kanila!" She sighed in frustration matapos ang mahahabang sandali—o mas tamang sabihin na bumilang ng oras. They made love on bed leisurely as if they have all the time in the world. At nang sa wakas ay bumangon siya, hindi naman nagpaiwan si Jude at sumunod din sa kanya. Umulit pa sila sa shower. Lampas alas onse na ng tanghali ang isinisigaw na oras ng relo. At noon lang niya muling naalala si Bernadette na nagsabi kaninang naghanda ito ng almusal. Hindi na siya halos magkandatuto sa pagbibihis. Si Jude ay tanging tuwalya ang inabalang ibinalot sa sarili. "Nahihiya ka, ganoon ba?" tanong sa kanya ni Jude. "Hindi ba dapat? Bisita lang ako dito at—" "Very soon hindi ka na basta lang bisita dito," putol sa kanya ni Jude at dumako ang tingin sa kama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


