"MR. LEDESMA," tila namamanghang salubong sa kanya ni Faith. "It's too formal. You can call me Jude," aniya rito nang papasukin siya. "Nandiyan ba si Katrina?" Wala ang kotse nitosa labas gayunman ay gusto niyang isiping nasa shop naman ang dalaga. Ngunit hindi siya kinakasihan ng pagkakataon. "May pupuntahan daw siya. Hindi naman sinabi kung saan." Napatango siya. Then he told himself, he won't become an idiot this time. "May dala ba siyang cellphone? Let me have her number. At saka pahingi na rin ng number dito." Nagbigay naman si Faith. At habang isinusulat iyon ay larawan ng amusement ang mukha. Inihatid pa siya nito hanggang sa labas ng shop. "Hindi ka na ba magbibilin?" He smiled. "You gave me all the numbers. I'll just call her. And thanks!" Hindi nga siya nag-aksaya ng sandal

