SA PAD nga siya tumuloy. At sa halip na magsalin ng alak, gaya ng nakasanayan ay telepono ang dinampot niya. Anyo siyang magda-dial nang maisip na hindi alam ang numerong tatawagan. "Damn!" mahinang mura nito saka muling lumabas at tinungo ang kotse. Hinanap niya ang papel na pinagsulatan ng telepono ni Katrina. Nasuntok niya ang dashboard nang hindi makita ang hinahanap. Isang ungol ang lumabas sa kanyang bibig bago lumipat sa driver's seat. Ilang saglit pa at para na siyang sinisibat sa kalsada. NAKATITIG si Katrina sa telepono. Maghapon ay pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho. Ngunit gaano man siya kaabala ay hindi nawala sa isip niya ang pag-asam na tatawag sa kanya si Jude.Sa tuwinang tutunog ang talepono ay napapapitlag siya. At nanlulumo siya kapag hindi si Jude ang nasa ka

