Katrina and Jude - 1

1343 Words
PINAGMAMASDANG mabuti ni Katrina ang damit-pangkasal. Siya ang nagdisenyo niyon at pinakasusuri niyang mabuti upang matiyak na ultimo kaliit-liitang beads ay nailagay sa ayos. Iyon ang isusuot ng kliyente niyang si Queenie at ayaw niyang mapahiya rito. Quennie was her first client in upper class. At isang malaking break sa kanya bilang nagsisimulang designer na ipagkatiwala sa kanya ang damit-pangkasal ng babae. Umaasa siya na sa pamamagitan ng serbisyo niya kay Queenie ay mape-penetrate niya ang market level ng mga ito. Nasisiyahan niyang pinasadahan pa ng tingin ang traje de boda. Nagpapasalamat siya at hindi katulad si Queenie ng ibang mayayaman na walang ibang alam na pagpagawaan ng mga gown kung hindi ang mga kilala nang fashion designer. She was making aslow name in business at isang malaking pribilehiyo ang naipagkaloob sa kanya ni Queenie sa pagpapatahi nito ng gown sa kanya. Minsan pa, she made a final glance at the wedding gown. Itwas perfect. Kagaya nang gustong mangyari ni Queenie. At sigurado siyang babagay ang damit sa dalaga. It was a pure white gown. The beads were crystal-clear and rhinetones were flawless. Wala isa mang beads na naiba ang kulay. Queenie wanted her gown to be an all-white dress. No cream beads or yellowish rhinestones. It was a perfectly white wedding gown. And elegant. At kung siya man marahil ang magsusuot niyon ay hindi siya magdadalawang-isip. She sighed at the thought. At matabang na napangiti. Hindi man suntok sa buwan ang isiping iyon ay malabo pa ring mangyari para sa kanya. Katrina was twenty-six. Minsan pa lang siya nagka-boyfriend at iyon ay noong high school pa siya. She was pretty. Iyong klase ng ganda na simple ngunit habang tinititigan ay parang lalong gumaganda. Her best asset was her skin. She had a Chinese blood and her skin was creamy and smooth. Munti mang gurlis ay walang makikita sa kanyang balat. At marami rin siyang manliligaw. Ang problema ay hindi naman niya magustuhan ang mga iyon. They were professionals at may sinasabi rin sa buhay. Well-mannered and nice. Hindi lang niya talaga maramdaman ang pusong tumitibok para sa mga ito. She never run out of invitations for a date. Minsan ay pinauunlakan niya ngunit madalas ay tumatanggi siya. She was getting bored dahil alam niyang hindi naman niya magugustuhan ang mga ito. And the irony was they were expecting she would eventually accept their wooing. Maligaya siya sa buhay niya ngayon. She was twenty-five when her parents granted her the independence that she was dreaming for too long. Noong nakaraang taon,matapos niyang mapatunayan sa mga magulang na kaya niyang alagaan ang sarili ay pinayagan siyang lumuwas sa Maynila at pagbigyan ang hilig. She had her own boutique in Davao. Maliit lang ngunit puro disenyo niya ang naroroon. Dalawa ang mananahi niya at ang sirkulong ginagalawan ng kanyang pamilya ang mga suki niya. She was earning much than she needed. Puwera pa ang halagang tinatanggap niya sa kita ng farm ng pamilya. Yet she wanted to make a name of her own. Iniwan niya kay Joanne na malapit niyang pinsan ang pagma-manage ng boutique. She knew her business well at impractical na isara niya iyon gayong establisado na. amo-monitor niya ang takbo ng iniwang boutique sa pamamagitan ng telepono at e-mail. Sa mga pagkakataong umuuwi siya sa Davao ay tinitiyak niyang mabisita niya iyon. Taglay niya ang talento at tiwala sa sarili ay nangahas siyang magtayo ng kaparehong negosyo sa Maynila. Alam niyang napakarami ng designers sa Maynila. Mga sikat at papasikat pa lang. At naniniwala siyang may lugar pa rin siya sa mundong iyon gaano man karami ang inabutan niya. At sa loob ng isang taon mula nang itayo niya ang shop ay unti-unti siya nakilala. She was satisfied with her career and she was earning respect from fellow designers. Hindi siya nawawala sa bawat okasyon ng pamilya. Gaano man kadami ang tanggap niyang trabaho ay ginagawan niya ng paraan para makauwi sa Davao. Iyon ang mga sandali ng kumustahan and they usually exchange success stories. Her family were all achievers. Each and everyone were law-abiding citizens and morally good. Lahat sila ay nabubuhay ayon sa batas ng tao at Bibliya. She had a loving family at wala na siya marahil na mahihiling pa. But it was a question to her why she was feeling that there was something missing from her healthy, productive and comfortably predictable life? TUMUNOG ang intercom na nasa ibabaw ng chest sa likod ng kanyang executive chair. Yes?" she asked. "Ma'am, pumaparada na po sa tapat ang kotse ni Miss Ledesma." Lumabas siya ng pribadong opisina. Eksaktong pumapasok naman sa shop niya ang espesyal niyang kliyente. Napatda siya nang makitang hindi lang si Adan ang kasama ni Queenie. Sa likod ng mga ito ay isang lalaking matangkad. Dark and definitely handsome. Katrina felt her heart skipped a beat. He smiled at her and she felt her lungs convulse. She swallowed. The sign was there in just an instant. Hindi niya napansing nakamalay na sa kanya ang ibang tao sa paligid. He's Jude. My eldest brother." Tinig ni Queenie. Ngunit parang sa hangin lang iyon sinabi. Walang reaksyon mula sa dalaga. Katrina was tounge-tied. Her eyes was focused on nothing but on that man. It seemed she was mesmerized. He was gorgeous-looking but his attraction was definitely undeniable. His face looked like an aristocrat. Nice was not the word for him. He looked like he could handle anything and everything. Isang tikhim ang narinig ni Katrina.Napapahiyangbumaling siya sa mga ikakasal. Ang damit-pangkasal ay nailabas na ng isang assistant. "Gusto mong isukat, Queenie?" Katrina asked. Conscious na conscious ang kilos. At halos ay mangatal ang kanyang tinig. Nakangiting umiling si Queenie. "Mayroon akong nabasa. Wedding gown must not be tried because it symbolizes chastity. And chastity was not tested prior to marriage." Napangiti rin si Katrina. "Now I know why you chose white." Ipinaayos na niya sa kahon ang gown. At inihatid pa ni Katrina sa kotse ang mga ito nang paalis na. "Where's Jude?" tanong ni Adan. They looked for him. Nang hindi makita matapos ang isang minuto ay nag-aya na si Queenie. "Iwan na natin. Malaki na iyon at may pang-taxi. He'll survive." Katrina kissed Queenie goodbye. Nang umusad ang kotse ay tumalikod na siya para bumalik sa shop. Pabagsak siyang naupo sa kanyang silya. Nakatodo ang aircon ngunit inaalinsangan siya. Hindi niya ang mawari ang pakiramdam. Bigla ang kanyang desisyon. Inabot niya ang intercom at tinawag ang assistant. Mabilis namang lumapit sa kanya si Faith. "Ikaw na muna ang bahala dito. Nasa itaas lang ako kung may problema," aniya. Tango lang ang isinagot ni Faith at pinagasdan siya habang tinutungo ang isa pang pinto na siyang daanan paakyat sa ikalawang palapag. She was renting a two-storey unit. Ang unang palapag ay work space at office niya. Inayos niya niya iyon para magkaroon ng munting espasyo bilang receiving room. Ang second floor ay tirahan niya. It had one room na hanggang sa ngayon ay unti-unti niyang pinagaganda ayon sa gusto niya. She made the living room comfortable. Walang magsasabi na hindi cozy ang lugar na iyon. At may pribilehiyong makaakyat roon ang mga bisitang hindi basta customer lang. Ngunit sa partikular na pagkakataong iyon ay parang blangko ang tingin niya sa paligid. The cozy place didn't make her feel warm. She sighed wearily. She was feeling empty at hindi niya matukoy kung bakit. Nagtuloy siya sa kitchen. Maliit lang iyon ngunit sapat na ang espasyo para makakilos siya ng maayos. Inilabas niya mula saref ang chicken soup na siya niyang inalmusal. Wala siya sa mood para maghanda ng tanghalian. Ininit niya iyon sa microwave. At may ilang sandali na ring nag-warning bell ngunit hindi naman siya kumilos. Hindi niya maipaliwanag ang matamlay na mood. She suddenly felt alone and lonely. Matining na matinig ang pakiramdam na may kulang sa buhay niya. At hindi naman niya iyon matukoy kung ano. Nang maramdaman ang kalam ng sikmura ay saka siya kumilos para ilabas sa microwave oven ang soup. She had it together with a slice of french bread bilang tanghalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD