"MA'AM, may tao po rito. Importante daw kayong makausap. He's Jude Ledesma." Tinig ni Faith.
Napatda siya. At hindi rin niya maintindihan kung bakitparang may bumalot na kung ano sa kanyang dibdib. She made few deep breath. Nang sa pakiramdam niya ay nahamig na ang sarili ay saka niya sinagot si Faith na naghihintay sa intercom.
"I'll be right down."
It was an instinct that made her glanced at herself through the mirror bago siya tuluyang bumaba. Wala namang pinag-iba sa anyo niya. She was still wearing that straight-cut mini dress in olive green. Ang tuwid niyang buhok na hanggang blikat ay nakalugay pa rin. Hindi pa muling nadaanan ng suklay mula kaninang umakyat siya. And her face was slowly showing shine. Kaninang umaga pa siya huling naglagay ng powder sa mukha.
Still, she did not make any effort para mag-improve ang anyo. She looked good and presentable sa palagay niya. Kahit na nawala na ang pagkaka-apply ng lipstick ay hindi naman siya mukhang maputla.
She moved toward the door at nagsimulang bumaba.
Nilagpasan niya ang pintong patungo sa opisina niya. May
iba pang daan patungo sa mismong shop. Doon siya nagtuloy.
Mabilis na nag-angat ng paningin si Faith nang makita siya.
"Nasa office ninyo si Mr. Ledesma, Ma'am. Doon ko na ho pinatuloy."
Bumalik siya sa isa pang pinto. Nang itulak niya iyon ay nadatnan niya sa loob si Jude.. He was standing in the middle of the room. Ang isang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng slacks habang nakatingala sa painting na nakasabit sa dingding.
The painting was made by an unknown artist. It was a landscape. Binili niya iyon dahil gusto niya ang pagkapinta at hindi dahil sa pangalan. And she was also hoping na nakatulong siya na mabigyan ng break ang pintor. Humahanga ang mga nakakakita sa painting. They would eventually ask kung sino ang gumawa. At hindi iilan ang nag-interes na bumili ng ibang gawa nito.
And looking at Jude, tila ito man ay namagneto ng painting. He was looking intently on the artwork. Ni hindi nito namalayan ang kanyang presensya.
Tumikhim siya. "I was told that you are looking for me," aniya sa banayad na tinig.
Lumingon sa kanya si Jude. Mabagal na tila naririto ang lahat ng oras.
Marahan itong tumango. "I know my sister and Adan were no longer here. I'm sorry I don't have my cellphone with me. Gusto ko sanang makigamit ng telepono to find them."
Pinigil niyang tumaas ang isang sulok ng mga labi dahil sa amusement. Iyon lang ba ang kailangan nito sa kanya--- ang makigamit ng telepono?
Surely, he could tell that to her employees at hindi na kailangan pang tawagin siya. Subalit naririto siya at hindi niya alam kung ito mismo ang nagpatawag sa kanya o si Faith ang nagdesisyong tawagin siya.
"Sure, by all means," polite na sabi niya. Humakbang siya at tinungo ang likod ng executive desk. Kinuha niya roon ang cordless na telepono. She keyed in the PIN code at iniabot kay Jude.
"Thanks," mahinang sabi nito at nagsimulang mag-dial.
She was staring at him. There was authority in his every move at naaaliw siyang pagmasdan ito.
"THANK you." She heard him telling her again. Parang namamali-mata pa siyang napatitig dito nang iabot sa kanya ang telepono.
Tahimik na iniabot niya iyon. Ni wala siyang ideya kung ano angitinakbo ng usapan. All the while she was just staring at him.
At parang namanhid na ang iba pa niyang pandama.
Nakausap mo sila?" she asked stupidly. Hindi naman napakalayo ng distansya ni Jude para hindi niya marinig ang sinabi nitokung nakinig lang siya. But obviously, she did not.
No. Puro out of coverage. They were probably on their way to Aurora. At malamang na poor ang signal. Anyway, thanks. I might visit our brother in Laguna."
Nakaapuhap siya ng sasabihin. "They were looking for you bago sila umalis kanina. Si Queenie ang nagpasyang iwan ka na."
Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Jude. "Yeah, knowing her," ayon nito. "Mainipin si Queenie. Ayaw na naghihintay nang matagal. I got curious with the display next door. Nalibang ako at nawala sa isip kong nakisakay lang ako sa kanila. Nang maalala ko'y wala na ang kanilang kotse."
Tumango siya. Ang katabing puwesto ng kanyang boutique ay showroom ng mga eleganteng bathroom fittings. Kahit siya man ay nalilibang na magmasid roon kapag hindi masyadong abala.
Nagpaalam na si Jude. At naiwan siyang nakamasid pa rin dito.
"WHAT do you think, Faith?" tanong ni Katrina sa assistant.
Nakaharap siya sa life-size na salamin at suot ang isang wedding gown a ivory white. Spaghetti-strapped iyon at puro rice pearls at beads ang disenyo sa bahagi ng dibdib. Ang nakasalit na rhinestones bagamat madadalang ay kakaiba ang kislap na nalilikha. Ang likuran ay tila walang katapusang linya ng maliliit na pearl buttons. The skirt was flowing. Ang kulang na lang ay lace edges sa laylayan.
"Beautiful, Ma'am," tugon ni Faith. Nasa mga mata ang paghangang hinagod ng tingin ang damit na pangkasal.
Ugali na sa kanyang shop na isukat ang ipinatatahing damit na pangkasal. Iyon ay para mabistahang mabuti ang gown. They had mannequins na iba-iba ang sukat ngunit kapag rin lang kasukat ng katawan niya o ni Faith ay sila mismo ang nagsusukat. Mas lalo nilang nakikita kung ano pa ang diprensya kapag ganoon.
Kumilos siya. Itinaas ang mga kamay. Nang hindi pa masiyahan ay umikot-ikot pa. She was checking the fitting. At maayos naman ang damit kahit na anong kilos ang gawin niya.
"I-try na rin ninyo ang headdress," suhestiyon ni Faith. Iniabot sa kanya ang belo. Anim na yardang organza iyon at magsisilbi na ring train. Nakatahi sa mga gilid ang lace na katerno ng ikakabit sa laylayan ng gown. Sa gitna ay maganda ang disenyo ng pinag-ipun-ipong beads, pearls at rhinestones.
Itinaas ni Katrina ang buhok. She secured it with several pins at saka inilagay ang belo. Nang matapos ay tinulungan siya ni Faith na ikabit ang tiara.
"Bagay sa inyo!" Faith exclaimed. "I think it's better that you put some make up. Loaded ang camera. We could make some souvenir shots."
Umiling siya. "Huwag na. Kulang tayo sa lighting. Mas maganda kung professional ang gagawa ng ganoon."
"I'll contact Louie," anitong ang tinutukoy ay ang photographer ng studio na contact nila sa mga wedding packages. "He'll make a wonderful shot at gawin nating display!" excited na wika pa.
Umiling siya uli. "A professional model would serve us such purpose."
"Mas effective siguro kung ikaw mismo. Our customer will see that as they see you."
Hindi na lang niya pinansin ang pagpipilit ni Faith. Humarap siyang muli sa salamin. Sa sarili ay hindi niya itatangging humahanga siya sa repleksyon. The wedding gown was beautiful and so was she. Ni hindi niya alam kung siya ang napaganda ng wedding gown o siya ang nagpaganda sa dating nito. It seemed that she and the wedding dress had a perfect harmony.
May ilang sandaling pinagmasdan pa niya ang sarili sa harap ng salamin. Hindi niya napansin si Faith na may namataan sa labas ng bintana at lumabas.