"MR. LEDESMA," salubong kaagad ni Faith. Hindi maikakaila ang pagtataka sa mukha ng babae ngunit hindi nawawala ang pagiging magiliw nito sa sinumang dumarating sa shop. She treated everyone as customer and she always give the best customer service.
"Good afternoon. Where's Katrina?" polite na bati ni Jude ngunit hindi nawawala ang pagiging authoritative.
Namilog ang mga mata ni Faith. "She's in her office." Her tone was a bit edgy.
At hindi iyon nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Jude.
"Is there something wrong?"
"No. I mean nothing," nara-rattle na wika ni Faith. Then her voice became excited.
Kumunot ang noo ni Jude sa pagtataka. He moved forward with confidence. "Puwede na ba akong tumuloy sa kanyang opisina?" tanong nito bagama't ang isang kamay ay nakahawak na sa door knob.
"She's... she's trying a wedding gown," sabi ni Faith. "But I think, puwede ka namang pumasok. The gown was beautiful on her. You may see it for yourself."
May gumuhit na ngiti sa sulok ng labi ng binata. The gown was beautiful on her, ayon kay Faith. And his curiosity was aroused. He nodded at Faith at kumatok.
"COME in, Faith!" malakas ang tinig ni Katrina mula sa loob. "Help me with these tiny buttons."
"I'm not Faith. I'm Jude," anunsyo ng binata nang pumasok.
"But I can help you."
Biglang napalingon si Katrina. Her eyes were wide na tila hindi makapaniwalang ang binata ang pumasok sa kanyang opisina.
Jude stopped walking forward nang sandaling pumihit si Katrina. Subdued ang liwanag sa buong opisina. Ang isang malamlam na ilaw ay malapit sa kinatatayuan ng dalaga. It was like a spotlight focused on her. And it made a serene effect on her face.
JUDE was staring at her in shock. Tila tinahi ang wedding gown para sa dalaga. It was an understatement that she was beautiful on that gown. She was exquisitely elegant with that gown. Her shoulders were like a cream. It looked smooth and silky. Her slender equally creamy neck was enough para hindi na kailanganing suutan ng kuwintas.
May mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha. She had removed the tiara and the veil. Humulagpos na ang buhok niya sa hair pins.
Slowly, his eyes moved down. Bahagyang kumikislap ang mga rhinestones ma disenyo sa tapat ng dibdib nito. At lalo pang bumaba ang paningin niya sa tila imposibleng kitid ng baywang na natatakpan ng papaluwang na palda ng traje de boda.
Bahagyang kumunot ang noo ng binata. He remembered he was kicked on his chest when he was in high school. At ang pakiramdam niya ngayon ay walang ipinagkaiba noon. Breathing suddenly became a hard task.
"Jude..." Katrina said in an almost a whisper voice.
Para silang biglang nasuspinde sa ere at ang dalaga ang unang nakabawi.
Nagtaas muli ng paningin si Jude. "So perfectly beautiful," simpleng wika nito. Deep inside, he was feeling a lump in his throat. And his heart was skipping a beat.
"Thank you," wika ng dalaga. Conscious na hinawi ang buhok na tumabing sa mukha. "We're proud of this gown. Isa ito sa pinakamagagandang ginawa namin."
"Hindi ang pangkasal ang tinutukoy ko," ani Jude.
Napaawang ng kaunti ang bibig ni Katrina subalit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. She knew she was blushing.
At bago iyon sa kanya. She could hardly remember when was the last time she blushed.
Humugot si Katrina ng malalim na paghinga. Para siyang biglang naasiwa. The man infront of her was overpowering.
Nahihirapan siyang kumuha ng confidence gayong nasa sarili siyang lugar.
"May kailangan ka ba sa akin?" tanong niya.
Kaswal na tumango si Jude. "I'm interested in that painting." Lumipad ang tingin nito sa nakasabit sa dingding.
Napangiti si Katrina. She knew he was also got hooked with that. "Kung balak mong bilhin, I'm sorry."
Bumalik ang tingin sa kanya ni Jude. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. I just want to know who made that painting. I'll contact him. And maybe, I could see some of his works."
"Him?" amused na wika niya. "It seemed you're so sure that it was a man who did that."
"At hindi ba?" Humakbang ito at nilapitan ang painting. "It was signed Aguila."
"She's Eimee Aguila. Her father died while she was doing her very first painting. That's why she just signed Aguila. In honor of her father."
"I see. Do you know where I can contact her?"
Hinawakan niya ang palda ng gown at humakbang patungo sa kanyang mesa. Hinila niya ang drawer at hinanap ang isang calling card. She was organized. Walang limang segundo at natagpuan niya ang hinahanap.
Kumuha siya ng ballpen at kapirasong papel. Doon niya isinulat ang impormasyong nasa calling card. Nang matapos ay iniabot niya sa binata.
"I hope she's in Manila para hindi ka na mahirapan pang hanapin siya. She's always in countryside, looking for a subject."
"Maraming salamat," ani Jude. Inilagay nito sa bulsa ng suot na polo ang papel.
"I'm... I'm changing." Her voice rattled a bit. "Kung wala ka nang kailangan--"
"Are you asking me to leave, Katrina?" amused na agaw ni Jude ng sasabihin niya.
Para naman siyang napahiya. "Oh, hindi sa ganoon. I just think that you are a busy man-- Would you like to stay for a cup of coffee?"
Napangiti si Jude. "I'd prefer tea kung mayroon. Maghihintay na lang ako sa labas habang nagpapalit ka." Tumalikod na ito at lumabas.
WALANG taong dinatnan si Jude sa labas ng opisina ni Katrina.
Naupo siya sa mahabang sofa sa kalapit na receiving room. Kasasayad pa lang ng pang-upo niya nang lumabas mula sa work area si Faith.
"Hi!" maluwang ang ngiting sabi nito. "I'm also going out. Breaktime namin."
Marahang tango ang itinugon niya. Dumaan lang sa harap niya si Faith at mayamaya ay mag-isa na naman siya.
Noon niya pinayagan ang sarili na bumunot ng isang malalim na paghinga. Tila siya nanggaling sa malayong paglalakbay at nakatanaw ng bukal ng tubig. Inulit pa niya ang pagpuno ng hangin sa dibdib bago nakadama ng ganap na ginhawa.
Napailing siya. Matagal na panahaon na mula nang huling magkaroon ng epekto sa kanya ang presensya ng isang babae. At hindi niya alam kung ano ang iisipin sa anyo ni Katrina na tila pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak.
A woman in wedding dress was definitely not her taste.
Nakapagpapaalala iyon ng isang masakit na karanasan. But Katrina was so stunningly beautiful in that wedding dress. She was like a fairy princess minus the wand. Straight out of a dream.
Napakurap ang kanyang mga mata. It was very unlikely of him. At habang inaanalisa niya ang sarili kung bakit ganoon na lang ang naging epekto ni Katrina sa kanya ay saka naman siya nakarinig ng isang ungol. It was a sound of frustrastion.
Alam niya sa opisina iyon ng dalaga nanggagaling. Then he was hearing footsteps. Mayamaya ay bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo doon ni Katrina.
"Anything wrong?" maagap na tanong niya.
"Walang sumasagot kina Faith," eksasperadong sabi ni Katrina. Her face was showing frustration. "I can't undo these buttons. Napakaliliit!"
"Wala sina Faith. Breaktime daw. Would you like me to help you?" kaswal na sabi ni Jude.
Pinigil ni Katrina ang mapasinghap. Hindi niya gustong isipin ni Jude na malisyosa siya. But she couldn't just accept such suggestion so casual.
Paano niya iisiping balewala iyon gayong unang kita pa lang niya sa binata ay may nararamdaman na siyang kaakaiba rito? Her pulse were racing at nang ngitian siya ay halos sumabog ang kanyang baga!
"I promise I'll be a gentleman." Narinig niyang wika ni Jude. Nakatayo na ito.
Napalunok siya. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito ngunit wala naman siyang nakitang panunuya mula rito. Akala niya ay nabasa nito ang iniisip niya but she was wrong. Sinsero sa pag-aalok si Jude at tiyak niyang siya ang mapapahiya kung tatanggihan niya.
Sighing deeply, iniluwang niya ang pagkakabukas ng pinto.
Tahimik na sumunod si Jude. Nasa gitna siya ng silid ng tumigil.
Saglit lang niyang nilingon ang binata at saka tumalikod.
Jude knew very well kung ano ang gagawin. Pumuwesto ito sa likuran niya at isa-isang kinalas ang mga butones.
"They are so tiny. The bride will take so much time fastening all these," mahinang sabi niya."So did the groom. But I guess he would probably be patient yet it would make him eager," mahina ring wika ni Jude.
Minuto ang inabot bago ganap na natapos kalasin ni Jude ang mga butones. Lumagpas pa sa baywang niya ang mga iyon. At nararamdaman ng dalagang hangggang sa kahuli-hulihang butones ay pinagsikapang kalasin ni Jude.
She felt the dress finally parted. Hinawi iyon ng mga daliri ni Jude. Naramdaman niya ang pagsigid ng lamig ng aircon.
Her back was baring a length of silky spine.
Jude fought the urge to clear his throat. Nasa mga mata niya ang katibayan na maliban sa lace bikini ay wala nang iba pang suot si Katrina sa ilalim ng wedding gown.
"Iniisip ko kung magiging kasingganda mo ang magsusuot ng damit na ito," sabi ni Jude. Hindi nito mapigil ang sarili na hagurin ng tingin ang nakalantad na makinis na likod.
"Better I hope. Binabayaran kami para lalo silang maging maganda," tugon ni Katrina. She felt he was done undoing the buttons ngunit hindi pa rin niya alam kung dapat na siyang kumilos palayo rito.
His adam's apple moved. Gusto ni Jude na bigyang-pagkakataong maglandas ang mga labi sa bahagi ng likod ng dalaga na dinaanan ng mga daliri nito. Sa halip ay humakbang siya ng isa paatras. Ang mga palad ay ikinuyom.
"How much do you usually charge a gown like that?" he asked in a suddenly bland tone.
Sinabi ni Katrina ang halaga.
"That much?" he said in amusement.
Pumihit si Katrina. Ang mga kamay ay nakahawak sa bandang dibdib ng gown para hindi iyon makahulagpos sa kanyang katawan.
"This is an all-imported material. The rhinestones, pearls and beads were hand-sewn. Puwera pa ang mahabang belo na--"
"Katrina, hindi ko naman tinatawaran ang halaga ng damit.
At sa tingin ko naman aysulit ang ibabayad ng bride. She'll treasure it for a lifetime."
Lumuwang ang ngiti ni Katrina. Her eyes lit up with pride.
"Sana nga. Gusto kong isiping itatago itong mabuti ng bride hoping her daughter would wear it and maybe her granddaughters. I guess I'm sentimental."
"I think you're just delightful."
Tumaas ang mga mata niya sa mga mata nito. She held the staring for a long, silent, heart-stopping moment.
Nakatingin din sa dalaga si Jude. Her eyes was telling her something and he was feeling himself going under fast. Kung gusto niyang patunayan ang pangakong magiging maginoo, he must get out of that room---now.
"Sa labas na ako maghihintay sa iyo," anito sa mababa ngunit mariing tinig. At bago pa makatugon ng kahit isa man lang na kataga si Katrina ay pumihit na ang binata para lumabas ng silid.
"Thank you." He heard her saying those words. At tinugon na lamang nito ng marahang pagtango bago inilapat na mabuti ang pinto.