NAKATIIM ang bagang na nakatanaw si Jude sa dinadaanan. He was disappointed. Inaasahan niyang pipigilin siya ni Katrina ngunit kumilos ito nang paghahatid sa kanya.Hindi niya maunawaan. After that intimacy, he was expecting a normal relationship. Alam naman niyang pareho sila ni Katrina ng nararamdaman. They liked each other at ang inaasahan niya ay isang normal na relasyon. But Katrina insisted space. Damn space! Nakuyom niya ang mga palad. She was a virgin at pagkatapos niyang makuha ay tila pumaimbulog sa kalawakan ang pride nito. Ayaw nito ng committment na nakatakda sana niyang ibigay. Napailing siya. He was not getting any younger at dapat sana ay nauna pa siyang mag-asawa kaysa sa mga kapatid. But he was hurt before that his father understood him. Had it not happened, hindi imp

