KATRINA had a bad day. Kahit na anong paglilibang ang gawin niya sa sarili ay hindi pa rin niya maintindihan ang mood. Maraming nasayang na pahina sa sketch pad niya. Mga disenyong hindi pa man halos nasisimulan ay pinipilas na niya at nilalamukos. Puno na ang trash can. Ang ibang hindi niya nai-shoot ay nakakalat sa lapag. Bumaba siya at pumasok sa opisina. Doon niya hinanap ang mood para mag-sketch. Nang lamukusin niya ang sinimulang disenyo ay tumayo na siya. Susi at wallet lang ang dala niya nang magpasyang lumabas. She drove around. At nasa gitna na siya ng kalye nang ma-realize kung ano ang ipinagkakaganoon niya. She was missing Jude at gusto niyang pagsisihan anuman ang sinabi niya rito. She wanted to curse herself. Gusto niya itong tawagan ngunit ano ba ang numero? Iilan ang im

