Queenie and Adan 13

1208 Words
“ADAN!” sigaw ni Leigh nang makita silang dumating. Nakapamintana ito. At parang sampung taong hindi nito nakita ang lalaki base sa tono ng boses nito. “Adan!” Kumaway pa ito. Nang huminto ang sasakyan ay mabilis na bumaba si Queenie. Diretso siya sa kanyang kuwarto. Narinig pa niya ang mga hakbang sa pasilyo. Alam niyang si Adan iyon at sa kabilang kuwarto pumasok. Inayos niya ang mga damit. Ibinukod niya ang mga naisuot na at saka nagbihis ng pambiyahe. Sa komprontasyon nila ni Adan ay na-realize niya na tama ito. Bakit nga ba hindi niya i-voice out na hindi siya pabor sa gustong mangyari ng ama? Parehas lang sila ni Adan. Parehong duwag. Makaraan ang ilang sandali ay bitbit na niya ang malaking bag. Paglabas niya ng kuwarto ay eksaktong lumabas din sa kabila ang dalawa. Gustong tumaas ng kilay niya sa nakita. Nakatayo nang mag-isa si Leigh at iniwasan nito ang pag-alalay ni Adan. May humaplos na awa sa dibdib niya pagkakita sa anyo nito. Walang iniwan ang anyo nito sa talunang manok. Malungkot at tila galing sa pag-iyak. Kahit nagtama ang paningin nila ay parang wala itong nakita. Mas dinibdib nito ang sama ng loob. “What’s the meaning of that?” baling sa kanya ni Adan na salubong ang mga kilay. “I’m leaving. I learned a lesson. Dapat ngang harapin ko ang problema ko sa halip na takasan,” seryosong sagot niya. Napatango ang binata. Ngunit hindi niya gustong isiping lungkot ang lumarawan sa mga mata nito. “Ihahatid kita,” anito. “Uunahin ko lang si Leigh. Sa bangko ko lang siya ihahatid. Sasabay na lang siya sa kaopisina niya.” Hindi na siya tumutol. Bahagyang tango ang itinugon niya rito at ipinasyang muling pumasok sa kuwarto. Hindi naman siya nainip. Mabilis na nakabalik si Adan. Narinig niya itong nag-warning knock. Nang lingunin niya ang pinto ay papasok na ito. “Ngayon ka na ba aalis?” tanong nito, nakatingin sa bag niyang nasa lapag. “Akala ko ba’y tatawag ka muna sa kapatid mo?” “Huwag na. Diretso na ako ng biyahe. Baka sa airport na ako tumuloy. Doon na lang ako tatawag.” “Bukas ka na lumakad. Ihahatid kita hanggang sa Maynila.” “Are you sure? Si Leigh nga hindi mo inihatid, ako pa? At saka, kaya pa ba ng sasakyan mo ang malayuang biyahe?” “Hihiramin ko iyong sa tiyuhin ko. Land Cruiser na luma pero in good running condition naman. Mas magiging komportable ka kaysa mag-bus.” “Salamat na lang. Maaabala ka pa.” “Hindi. Okay lang sa akin. At saka habang pabalik ako rito, nakapagdesisyon na rin ako. Kaya kailangan din na lumuwas ako.” “Desisyon?” “Iyong in-apply-an kong loan. Nailipat na sa account ko pero hindi ko pa binabawasan. Magta-tanong ako kung paano ang dapat na gawin. Ibabalik ko na sa bangko iyong pera. Hindi na ako interesado sa lupa.” “Hindi ka ba nabibigla sa desisyon mo? Baka naman dahil lang luluwas ka sa Maynila?” Nagkibit ito ng mga balikat. “Naisip ko, ipapasaka ko na lamang sa mga kamag-anak ko at babalik na ako sa pagtuturo.” Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang isipin na hindi naman siya interesado kung anuman ang mga plano nito. “Anong oras tayo aalis bukas?” “Kahit anong oras basta agahan mo ang gising.” “Alas-singko?” “Bahala ka.” Pumihit na ito. “Kung puwede, ikaw na ang magluto ng hapunan ngayon. Please?” Napangiti siya. Ngayon lang ito nag-utos na may karugtong na “please.” Matamis siyang ngumiti bilang pagsang-ayon. “Are you sure... hindi ka magpapakasal do’n kay Greggie?” Nagulat siya sa tanong nito. It was out of the blue ngunit napilitan siyang sagutin na rin. “I’ll do my best.” “Good. And I hope not in the next two months.” NAPAAWANG ang mga labi ni Susan nang marinig nito ang kuwento niya. “Are you sure na si Adan ang dinatnan mo sa bahay ko?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Of course. Ilan ba ang pamangkin mong ‘Adan Suzara’ ang pangalan? He owns a land in Maria Aurora. Pero pinili niyang sa Baler tumira dahil may pinagtataguan pala siya. But this woman...” Huminto siya at saka inisip ang pangalan ng babae na kay dali niyang nakalimutan. “I think she’s Leigh. Yeah, Leigh is the name. Sinundan nito si Adan sa Baler. Pero naayos na rin niya iyon. And it was also at that point na na-realize kong hindi ko dapat takasan ang problema.” “Adan...” parang namamalikmatang ulit ni Susan. “Why?” Nahawa na rin siya sa pagtatakang nakabalatay sa mukha nito. “Something wrong?” Umiling ito. “Not really. Mahirap lang maniwala na bibigyan niya ng second thought ang lupang minana niya. Naisulat sa akin ng mga kapatid ko na pinagka-kagalitan nga ang lupaing iyon. Gustong sakahin pero ayaw namang ibigay ang para kay Adan. Umuwi pala siya.” “Umuwi? What do you mean? Hindi ba’t tagaroon naman siyang talaga?” Umiling muli si Susan. “Doon lang siya ipinanganak pero nang mag-college siya ay hindi na siya umuwi roon maliban nang mamatay ang kanyang ama.” Lalong lumalim ang kuryusidad niya. “Why?” Ngumiti ito. “Queenie, hindi naman practical na maya’t maya ay magbiyahe sa pagitan ng America at Pilipinas. At iyon nga, mas gusto ni Adan ang buhay rito kaysa roon.” “Wait...” naguguluhang wika niya. “You mentioned America and he said he’s a teacher. Dito siya nagtuturo?” “Sa isang university sa Colorado. He was an exchange student before at nagustuhan niyang mamalagi rito. Inayos niya ang papeles niya to pursue his masteral degree and eventually nakapagturo na nga siya. Napakadalang ng komunikasyon namin. All the while I thought na nasa Colorado lamang siya. Iyon pala ay nasa Baler.” “I didn’t know, either. Wala akong nahalata. Pero madulas ang dila niya kapag nag-i-Ingles. I presumed sa Pilipinas din siya nagtuturo.” “You said he maintained my house?” pag-iiba ni Susan ng paksa. “Marami bang nabago? Then he probably wants to stay there.” “Wala akong napansing major repairs. Pinalitan lang ang dapat na kailangang palitan. Then I met Lisa. Siya ang nagsabi sa akin na ayaw mong umuwi roon. Why? Maykaya naman pala ang pamilya n’yo roon.” Lumungkot ang mukha nito bago nagpawala ng buntong-hininga. “Nabuntis ako sa pagkadalaga. Sa kahihiyan ay naglayas ako at tumakbo kay Manang Luding. Itinago niya ako sa isang maliit na apartment habang lumalaki ang tiyan ko. Pagkapanganak ko, eksaktong magma-migrate na kayo rito sa America. Sa halip na si Manang Luding ang isasama ng mommy mo, ako na lang ang inirekomenda. Mas gusto ni Manang Luding na umuwi na sa probinsiya.” “Si Manang Luding nga pala. Hindi ko man lang siya nadalaw. Hindi naman kasi ako nagtagal doon. Iyong anak mo, nasaan?” “Nabuhay lang siya nang tatlong araw. She was so weak. Pero napakaganda.” Tinitigan siya nito. “Kung nabuhay siya, hindi kayo naglalayo ng edad.” “Kaya ba paborito mo ako?” Tumango ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD