Queenie and Adan 14

1536 Words
“IPAPAHIYA mo ako sa mga Abad, Queenie!” galit na wika ng kanyang ama. Naroroon silang tatlo sa library. Ang kanyang mommy ay nasa tabi ng ama. Siya naman ay nasa pang-isahang sofa. May pakiramdam siyang lilitisin siya ng mga ito. Lihim niyang naasam na sana ay naroroon si Jude. Ngunit nauna nang sinabi ng kanyang ina na umuwi nga raw ang kapatid niyang iyon sa Pilipinas para sunduin siya. Nang malaman ni Jude na nakabalik na siya sa America ay nagpasya na lamang itong mamalagi muna sa Pilipinas. “I don’t like Greggie. At ayoko ring ipinagka-kasundo ninyo ako,” matigas na sabi niya. “Daddy, dapat ay hindi na ninyo kami hinayaang maging independent kung didiktahan ninyo rin pala kami sa bandang huli.” “Shut up!” mas mataas ang tinig na wika nito. “Kailan ka pa natutong sumagot sa akin nang ganyan?” Nag-angat siya ang mukha at buong tapang na sinalubong ang tila nag-aapoy na tingin ng ama. “Let me tell you, Daddy. I would like to think na para sa kabutihan namin kaya ginagawa ninyo ito. But please! Bigyan naman sana ninyo kami ng chance na pumili ng gusto namin. Huwag ninyo kaming pangunahan.” Bigla itong tumayo sa kinauupuan at lumapit sa kanya. She closed her eyes at hinintay na lumagapak sa kanyang pisngi ang kamay nito. Subalit narinig niya ang boses ng ina. “Romulo, please! Anak mo `yan.” “Suwail na anak!” humihingal na wika nito. Kung anuman ang tangka nitong gawin ay natigil. Pagkuwan ay umiling-iling ito, bakas sa anyo ang matinding dis-appointment. “You failed me, Queenie,” mahinang wika ng kanyang ama. Nasa tinig pa rin nito ang tinitimping galit ngunit kalakip din ang panunumbat at pagdaramdam. “Ikaw pa naman ang inaasahan kong masunuring susunod sa akin.” “I’m sorry, Daddy. Pero hindi ako kagaya ni Tody.” Tinitigan siya nito at pagkuwan ay madilim ang anyong nilisan ang library. “Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo, Queenie,” anang ina at marahan siyang tinapik sa balikat. “I can’t understand him, Mommy. Hindi ko alam kung bakit kailangang siya ang pumili ng aming mapapangasawa.” Ngumiti ito nang pagak. “Dahil iyon ang ginawa sa kanya ng mga magulang niya. His father chose me for him. I was one of the department heads of their company. He always believed na mainam ang ganoong paraan. And if you’ll only look closer, makikita mo naman siguro na hindi naman basta-basta ang taong ginugusto ng daddy ninyo para sa inyo.” She sighed. “If only I like Greggie, I might give it a second thought. But I don’t want him. I don’t like a man who knows nothing but to please me. Iyon ang obserbasyon ko kay Greggie nang minsang lumabas kami. Halos paluguran ako.” “Hija, baka naman kaya lang ganoon si Greggie ay dahil mahal kang talaga. He admitted that to your father. At napakalaking pabor sa kanya ang kasunduan sa pagitan ninyo.” “And sad to say—” “Huwag kang mag-alala, Queenie,” putol nito sa sinasabi niya. “Maiintindihan ka rin ng daddy mo later. Hindi naman puwedeng magtagal ang galit niya sa iyo. You’re his favorite, remember?” sabi nito sa pinasiglang tinig. “I hope so, Mommy. I hope so.” SUBALIT nagkamali yata ng palagay ang mommy niya dahil nang mga sumunod na araw ay hindi pa rin siya kinikibo ng ama. May pakiramdam pa nga si Queenie na ni tingin ay hindi siya tinatapunan ng kanyang daddy. Kaya naman gusto na niyang bumalik sa dating flat. Mine-maintain pa rin naman iyon kahit na hindi siya umuuwi roon. Ngunit hindi rin naman niya kayang makipagtikisan sa ama. Gusto niyang nasa malapit lamang kahit na nga ba hindi sila nag-uusap nito. “I think I better work again,” sabi niya sa ina. “Kinakapos ka ba, Queenie?” “Mommy, it’s not that. Sayang naman iyong pinag-aralan ko kung hindi ko gagamitin. I called David and Davidson. Sabi ng boss ko ay hinihintay nga nila akong bumalik doon. The position is still waiting for me.” “Alam mo namang isa pa `yan sa ipinagtatampo sa iyo ng daddy mo, babalik ka pa roon.” His father was running their own company ngunit mas pinili pa niyang magtrabaho sa ibang kompanya. She was enjoying her job as executive secretary. Ayaw niya iyong bitiwan kahit na mataas na posisyon ang tiyak na ibibigay sa kanya ng ama kapag sa mismong kompanya nila siya nagtrabaho. “I’m getting bored, Mommy. Wala naman akong ginagawa rito sa bahay.” Umarko ang kilay nito. “When did you start to feel bored, Queenie? Dati ka namang walang ginagawa rito sa bahay. You just spend your time reading books. Why, naubos na ba ang mga nobelang hindi mo pa nababasa?” “Sawa na akong magbasa.” Hindi ito naniniwalang tiningnan siya. “Mabuti pa’y umalis tayo.” “Shopping again,” mapaklang sabi niya. Napatitig ito sa kanya. Nasa mga mata nito ang hindi pagkapaniwala na maririnig iyon sa kanya. First time na wala siyang interes sa pamimili. “What’s wrong with you, Queenie?” “Nothing.” “I don’t believe you. Tawagin mo na iyong driver. Sabihin mong ihanda ang kotse.” “Ayokong lumabas, Mommy. Ikaw na lang.” Pinindot niya ang intercom at sinabi ang iniuutos nito. “Doon na lang ako sa kuwarto ko.” Ngunit sinundan pa rin siya ng ina. “Don’t call that company. Baka lalo kayong hindi magkasundo ng daddy mo kapag nalamang magtatrabaho ka na naman.” Ikinibit niya ang mga balikat at saka lumayo. Pagpasok sa kuwarto ay diretso siyang humiga sa kama. Bored na bored na siyang talaga sa routine niya. Wala naman siyang ginagawa. Dalawa na sila ng ina na sinisilbihan ng mga katulong. Mabuti pa nga ang mommy niya dahil pagdating ng daddy niya ay may napagtutuunan ito ng pansin. Natigilan siya. Ngayon lang pumasok sa isip niya ang gayong ideya. Kung tutuusin ay wala naman talagang bago sa buhay niya. Kinagisnan na niyang palaging may nakasunod na katulong. Kahit dito sa America ay hindi sila nawawalan ng katulong. Marunong siya sa mga gawaing-bahay dahil natutuhan niya ang mga iyon nang bumukod siya ng tirahan. Now she was missing her flat. “Queenie, phone!” Tinig ni Susan nang sagutin niya ang intercom. “Thanks!” aniya at saka dinampot ang extension. “Hello!” “How are you, Queenie?” He said in a crisp tone. She was stunned for a moment. Pamilyar ang tinig ngunit hindi niya gustong i-entertain sa isip ang posibilidad kung sino iyon. “Who’s this?” napilitan niyang itanong sa kausap. Tumawa ito nang mahina. “Adan sa Pilipinas. Adam sa America. For you, it’s simply Adan Suzara.” “Adan!” she exclaimed. “Kumusta ka na?” kaswal ang tonong tanong nito. Walang mahahalatang kasabikan, hindi tulad niya. “I’m fine!” sagot niya na hindi aware na ang boses niya ay kababakasan ng sobrang excitement. “Can I invite you for dinner?” “Dinner?” bulalas niya. “Y-yes, why not? Kailan?” Subalit natigilan siya. “Wait. Nasaan ka? Don’t tell me that you’re here.” He laughed again. “Kung nasa Pilipinas ba ako at aayain kitang mag-dinner, would you still say ‘yes’?” “Where are you really?” “I’m just a few blocks away. Narito sa isang burger chain.” Tigagal siya. Talagang nasopresa siya bagaman hindi pa rin makapaniwala na nasa tabi-tabi lang ang binata. Pakiramdam niya ay nagwawala ang puso niya sa labis na kasiyahan. “Kailan ka pa dumating?” “I think an hour ago.” “All right,” mabilis na sabi niya. “Don’t go anywhere. Pupuntahan kita riyan.” Mabilis niyang ibinaba ang telepono. Hiningi niya kay Susan ang susi ng isang kotse. Nakasakay na siya nang maalalang sabihin dito ang tungkol kay Adan. “I know, Queenie,” masaya ring sabi nito. “Ako ang nakasagot kanina, `di ba?” “Oo nga pala,” nahihiyang sabi niya ngunit ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi nabubura. “Susunduin ko siya. Pakihanda ang guest room.” Parang sinibat ang sasakyan niya sa kalsada. She was driving with anticipation and excitement. Pumaparada pa lamang siya ay nakita na niya si Adan. Walang ipinagbago ang anyo nito. Gaano na nga ba katagal mula nang manggaling siya sa Pilipinas? Dalawang linggo? Tatlong linggo? Hindi niya matandaan. Basta masaya siya nang mga sandaling iyon. Kulang na lang ay takbuhin niya ang kinaroroonan nito. May kakaibang gaan ang mga hakbang niya. When they finally reached each other, they hug. Ngunit parang kulang pa iyon. “Adan,” bulong niya. Tumingkayad siya at hinalikan ito. Adan kissed her back with so much tenderness na parang sarili nila ang mundo. Ninamnam nila ang tamis ng halik. Subalit nang maulinigan niya ang ingay sa paligid ay marahan siyang bumitaw kay Adan. “Let’s get out of here,” aniya at hila-hila ito sa kamay na nilisan nila ang lugar. “Iyon din sana ang sasabihin ko,” natatawang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD