Chapter(3)Sa Manila

1384 Words
Amber Rose: POV Hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa eroplano. Nagising nalang ako nang ma untog ang ulo ko sa aking katabi nang pag -landing na ang eroplano... " Aray ko!" Daing ng katabi ko kaya napa-lingon ako. Ay hala! Patay, parang galit si Peppa Pig . Hilaw akong ngumiti. " S-sir, sorry po! Yung eroplano po ang may kasalanan kasi bigla nalang pong bumaba na walang pasabi, nakaidlip po kasi ako. Hinging pa umanhin ko dito." "Idlip!" kanina kapa, miss yogurt, para kang galing ng wakwak, ka gabi. Hapong hapo ka pati balikat ko nilawayan mo. Inis na sabi nito at siya ang unang tumayo at umalis para makababa ng eroplano... "Luh! Grabe pala ang tulog ko? Idlip lang naman 'yon, nakakahiya kay Peppa Pig ano kaya pangalan nun?" Ang sungit naman kasi, tatanungin ko sana, wag nalang, baka masupalpal pa ako. Makababa na nga lang... Pagbaba ko ng eroplano , dumiretso ako sa exit. Kinuha ko ang cellphone ko na keypad para tawagan ang pinsan kong si Lhen ng- "Hoy insan , ang tagal mo!" Biglang sigaw nito sa akin kaya na bitawan ko ang cellphone ko. "Insan naman eh! bakit ka nang gugulat na hulog, tuloy tong cellphone ko na sing laki ng remote control," inis kong wika sabay pulot sa aking cellphone na hiwalay ang battery at casing.. "Ay sorry naman , insan, excited lang ako at saka na-miss rin kita. Tara na, hinintay na tayo ni Roy, baka ma-inip yon at iwan tayo dito, baka maglakad tayo papunta sa mansion ," sabi nito sabay hila sa akin. " Hinay-hinay lang naman, insan, baka mabalian akong buto," reklamo ko pa dito, napaka-hyper naman talaga nitong pinsan ko.. " Hi Roy, hindi ka pa ba na-inip? Sorry, medyo matagalan kasi bumaba itong pinsan ko sa eroplano ," sabi ni Lhen. "Kung hindi ako nagkakamali, driver nila ito.. ." " Malapit ko na, sana kayong iwan , sumakay na nga kayo, mapagalitan na naman ako ni ma'am nito, may ipabili pa yon para dalhin niya sa kanyang pag-alis bukas..." inis na sabi ni Roy.. Agad kaming sumakay ni Lhen habang nasa biyahe ay panay ang kwentuhan namin tungkol sa mga nangyari doon sa amin hanggang sa hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Pumasok ang kotse sa isang malaking gate at agad akong namangha ... "Wow, ang laki ng bahay, insan! Ikaw lang ba mag-isa maglilinis diyan?" " Oo, sa loob, tapos si Roy dito sa labas, si Manang Emely naman ang tagaluto . At ngayon nandito ka na, tulungan mo ako pag nandiyan si Sir at si ma'am, pag nasa kanila si Kerstin. " " Ganun ba? Okay," tanging wika ko at bumaba na kami ng kotse. Sumunod ako kay Lhen na nagmamadaling pumasok sa loob. Pagbukas ni Lhen sa pintuan ay agad bumungad sa akin ang lamig ng aircon at mala-palasyong ganda sa loob . Palapit na kami ni Lhen sa sala nang may nakita akong isang lalaking pababa ng hagdanan na hawak-kamay ang batang babae... " Luh! Ito, ito siguro ang amo namin. Ang tangkad at tikas ng katawan. Mga nasa six feet yata ang tangkad nito." " Hoy, insan! Halika na dito para makilala ka nila, sir!" tawag sa akin ni Lhen kaya nagpatuloy ako sa paglakad at lumapit sa kanila. " Good morning, sir! Ito na po pala ang pinsan ko , si Amber Rose," " Amber, ito si Sir Hunter. Siya ang amo nating lalaki at itong bata naman si Kerstin. Siya ang babantayan mo, pakilala ni Lhen. " " Good morning , sir. Nice to meet you po. Hi baby, my name is Yaya Rose, nice to meet you ," bati ko sa bata at nilapitan ito... "Hello po! Are you sure you want to be my Yaya?" "Yes , baby, because that's the reason why I'm here in front of you." " Bakit mo naman na tanong yan, baby?" sabat ni Sir... " Kasi, Daddy, she's so pretty po. She has green eyes and fair skin and beautiful curly hair. " " Half British kasi si Yaya Rose, baby, kaya maganda," paliwanag po ni Lhen sa bata. "Hon! Let 's go!" tinig ng isang babae na papalapit sa amin kaya Napaangat ako ng mukha at bumungad sa amin ang matangkad at maputing babae , matangos ang ilong at malinis ang balat. Ito siguro ang asawa ni Sir , tanong ko sa aking isipan. "Who is she?" taas kilay nitong tanong at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa... " Siya yung sinabi ni Lhen na pinsan niya na magbabantay kay Kerstin ," sagot ni Sir... "Hi ma'am , my name is Amber Rose, nice to meet you po," sabi ko. " Mommy, can we bring Yaya Rose to Grandma 's house?" malambing na sabi ni Kerstin sa kanyang Mommy. "No , Kirs, let Yaya clean your room , masyadong makalat doon ," sagot ni Madam. Hindi ko alam ang pangalan,niya ni hindi man lang nagpakilala. " Let's go, Hon. Yaya, siguraduhin mong malinis mo ang buong silid ni Kerstin . Doon ka na rin matulog sa deck sa kwarto niya. Ayusin mo ng mabuti, ayaw ko sa taong makalat sa gamit," bilin nito at dumiretso nang tumalikod .. " Lhen, ikaw na bahala diyan sa pinsan mo, alis na kami," paalam ni Sir at sumunod kay Madam.. Napa-titig lang ako kay Lhen at nang nakalabas na sila ni Sir ay lumapit ako sa pinsan ko. " Hoy, insan, ano 'yon? Ba 't parang ang maldita ng amo nating babae?" bulong ko sa kanya... " Pabayaan mo na si Madam, ganun talaga 'yon, wala naman lagi 'yon dito. Bukas nga ng umaga, aalis na rin 'yon papuntang Brazil para sa business nila ," sagot ni Lhen. "Ganun ba , insan? Ano pala pangalan ni Madam?" " Yette ang pangalan ni Madam. Huwag kang matakot, mabait naman 'yon , medyo bossy lang. Pero don't worry, mabait si Sir at yung bata. Sila naman palaging kasama natin dito. Halika na, kumain muna tayo bago ka maglinis . Ilagay mo muna diyan ang..."Ang bag mo sa sofa, sasamahan kita mamaya. Yaya sa akin si Lhen, kaya sumunod na rin ako dahil nagugutom na ako. Pagka-rating namin sa kusina, naabutan namin ang isang may edad na babae na nakaupo sa mesa at nagpupunas ng plato. " Good morning, Manang! Ano po ulam natin?" sabi ni Lhen, kaya napaangat ang mukha ni Manang. "Oh, Lhen , nakabalik ka na pala? Ito na ba si Amber?" sabi nito at tumingin sa akin. " Yes, Manang! Ganda, di ba? Mana sa akin," natawang sabi ni Rose. " Parang ang layo, one-fourth lang ng elong mo comapare sa kanya," pang-iinis ni Manang. Kaya naismid ang pinsan ko. " O siya, umupo na kayo, maghain ako, sabay na tayo. Ang dali mo talagang ma-pikon, Lhen. Mag- asawa ka kasi para hindi ka pikunin ," sabi ni Manang at tumayo. " Nako, Manang, bata pa po ako! Ikaw ang mag-asawa, fifty na po kayo pero virgin pa . Mauna na po kayo at susunod ako ," natatawang sagot din ni Lhen. "Hayaan mo na, tapos-tapos ang away nila," Manang at Lhen. Na- putol lang ang usapan nang ihatid na ako ni Lhen sa kwarto ni Kerstin. " Insan, ikaw muna dito ha, maglilinis pa ako sa baba . Tawagin mo lang kung may kailangan ka," bilin ni Lhen at ibinigay sa akin ang mga gamit pang panglinis. "Sige, insan , salamat," sabi ko dito , sabay lapag sa aking bag. Lumabas na pinsan ko at sinimulan kong maglinis . Kahit hindi pa ako masyadong magaling maglinis ng bahay, pinagbutihan ko pa rin . Hapon nang matapos kami ni Lhen sa paglilinis, tinulungan ko siya. Nandito kami ngayon sa kusina, nagmerienda sa nilutong pancake ni Manang nang biglang– kumalapag ang pintu sa sala. " Sa kwarto tayo mag-usap, Yette! Hindi kaba nakakaintindi!" rinig naming malakas na boses ni Sir, kaya nagka-tinginan kami ni Lhen. " Yaya! Yaya! Dalhin mo si Kerstin sa kanyang kwarto," tawag ni Sir, kaya napa-tingin ako sa pinsan ko. "Hoy, tinawag ka ni Sir, puntahan mo, na dali, baka magalit 'yon sa'yo. Parang wala sa mood . Nag-away na naman siguro sila ni Madam," sabi ng pinsan ko, kaya nagmadali akong tumayo at lumapit sa bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD