Stela Gomes Tuwing Linggo ay maaga kaming nagigising dahil nais ng magulang ni Andreza na tuwing linggo ay sabay-sabay kaming nag-aagahan, bagay na hindi nagugustuhan ng mga bata. Pinipigilan ko ngang mapangiti sa inaantok na mga mukha nila Andreza at Carlos sa harap ng hapagkainan. "Dad, bakit ba kailangan natin 'tong gawin tuwing linggo? Halos kakauwi ko lang at nakakatulog pa lang nang sabihin n'yong gumising na ako," mariin na tanong ni Carlos sa kanyang ama. "Dahil gusto ko. Mula lunes hanggang sabado'y hindi tayo mga nagkakasama, gusto kong tuwing linggo ay buo tayo sa harap ng hapagkainan. Walang ibang tao dito na nagrereklamo, Carlos, pero ikaw palagi na lang!" marahas na sagot ni Tito James dahilan para matahimik na si Carlos. "Isa pa nga pala Carlos, today is Bernardo's birt

