Stela Gomes Nagising ako sa nakakairitang tunog na nagmumula sa nag-iingay kong cellphone. Maaga ang tawag kumpara sa inaasahan ko. Kinapa-kapa ko 'yon hanggang sa matagpuan sa bedside table ko at ilang saglit pa ay nakita kong si Andreza ang tumatawag sa akin. “I hope there’s someone dying kaya ganito mo ako kaaga tinawagan, Andreza.” “Wake up, Stela. May sasabihin ako sa ‘yo bago mo pa mabasa sa balita diyan sa phone mo.” Sa sinabi niya’y mabilis akong nagising at napaupo sa kama. “Ano ‘yon? Sabihin mo na at mamamatay ako sa kuryosidad.” “Don’t freak out okay? Pero si Ivan…kasama niya si Caroline kagabi. Nakalimutan kong sabihin na kaibigan ni daddy nga si Bernard na siyang ama ni Caroline. Hindi ko lang alam kung paano o bakit siya ang kasa-kasama ni Ivan kagabi. Buong gabi silan

