Ivan Smith Hindi ko gustong magpunta sa kaarawan ni Bernardo ngunit hindi ako binigyan ni Tito ng pagkakataon na tumanggi. Gusto ko man o hindi ay kailangan kong sundin ang taong tila ama ko na. Pupunta sila Carlos at Andreza nang magkasama at irerepresenta ang pamilya namin. Samantalang ako ay para naman irepresenta ang kompanya namin at kailangan kong magpunta nang may kapareha. Wala akong gustong isama kung hindi si Stela. Pero hindi ko siya pwedeng itapon sa mga leon na naghihintay. Sigurado akong mapupuno ng mga journalists ang event at ayokong i-expose si Stela sa mundong meron ako dahil alam kong hindi pa siya handa para rito. As soon as I arrived at the party, Caroline didn't leave my side. Tuwang-tuwa naman ang mga reporters sa palabas naming dalawa, lalo pa't lagi nila ka

