Ivan Smith Pagdaan pa lang namin sa gate ng bahay ay nakita kong nagulat na si Stela. Gusto ko ang maganda lalo pa’t kaya ko namang mabili anuman ang magustuhan ko. Sabihin na nating ang lugar na tinitirhan ko ay magarbo para sa lalaking mag-isa lang naman nakatira. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa parking lot at pinagbuksan ko siya ng pinto para makalabas. Inilagay ko ang isang kamay sa maliit na likod niya, at iginiya siya sa pasukan. Pagpasok namin, nakita kong mas nagulat siya. Nagpatay-malisya ako habang siya naman ay hindi rin umimik, nakatayo lang siya doon sa gitna ng bahay, nakatingin sa akin. "Make yourself at home, dear, malapit na ang tanghalian. Gusto mo bang uminom ng kahit ano habang naghihintay ka? "No thanks, I'm fine," matabang na sagot niya sa akin Alam ko

