Ivan Smith Hindi ako nag-aksaya ng oras at pinamukha sa lahat na hindi ako isang tao na maloloko nila at nasolusyunan na ang problema. Tingin ko naman ay nabigyan ko na sila na aral na ‘wag na ‘wag akong babanggain. Umalis ako ng bar na hindi maayos na nagpaalam sa kanila. Kailangan kong makabalik sa Pilipinas ngayong araw. Nagpadala ako ng mensahe sa tauhan ko na kailangang ayos na ang lahat sa pag-alis ko pagdating ko sa airport. “Ivan, saan ka pupunta at madaling-madali ka?” tanong ni Caroline, sinundan ako. “Kailangan kong bumalik ngayon sa Pilipinas, kung sasabay ka ay bilisan mo dahil aalis na ako.” Tila hindi siya naging masaya sa narinig. “Bakit ka naman nagmamadali?” “It’s none of your business kung nagmamadali ako ngayon, Caroline. Kung gusto mong manatili pa dito, walang

