Ivan Smith Hinawakan ko si Stela sa kamay at dinala siya sa outdoor area, malapit sa pool. Sa malayo ay kitang kita ko na kung gaano ka-elegante ang kapaligiran. Nang malapit na kami ay naamoy ko na ang masarap na amoy ng handaan. Isang candlelight, open-air dinner. Talagang ginulat ako ni Elza at nahigitan niya pa ang expectations ko sa gagawin niyang paghahanda. Pinaghila ko ng upuan si Stela at umupo siya roon bago ako nagtungo sa kabisera ng mesa para doon naman maupo. Masasabi kong nagulat din siya sa hapunan na ito. Hindi ako romantikong lalaki, palagi akong objective at praktikal pagdating sa pakikipagrelasyon ko sa mga babae, pero pagdating kay Stela ay napapagawa niya ako nang mga ganito para lang mapasaya siya. We enjoy a nice dinner, we talk and even sometimes she makes m

