Angela Sandali akong natahimik nang marinig ang boses ni Mommy mula sa kabilang linya. Isa talaga si Mommy sa mga natuwa nang maging kami ni Migz. "O-Okay Mommy." Maikli kong sagot Paglingon ko kay Mico ay nakamulat na ang kanyang mga mata at nakatitig sya sa akin. Tila pinapakinggan nya ang usapan namin ng Mommy ko. Hindi na ako masyadong makasagot pa sa kausap ko dahil nga nakikinig na sa amin si Mico. Bitbit nya ang magkasalubong na kilay at isang libong galit sa mundo. Ramdam ni Mico ang pagkamuhi sa kanya ng pamilya ko. Para sa kanila, Mico is a bad influence. Walang mararating sa buhay at puro bisyo lang ang alam. "Mabuti naman at nagising ka na rin sa katotohanan na si Migz talaga ang para saiyo! He is a good man. He came in a decent and kind family. Lagi mo yang tatanda

