Migz Dahan dahang naglakad papasok ng art class room si Michael Angelo. Lahat kami ay natahimik nang sa wakas ay nasilayan namin sya. Ngunit lahat din kami ay nabigla nang makilala ang totoong Michael Angelo. Tumayo sya sa aming harapan at isa isa nya kaming pinagmasdan. Sya ba talaga si Michael Angelo na nakatindig sa aming harapan? Walang kurap namin syang pinagmasdan at hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala. "I-Ikaw si Michael Angelo?" Tulad ko at ng ibang mga estudyante ay ito rin ang naging tanong ni Tin sa kanya. Ngumiti sa amin si Michael Angelo. Isang napakagandang ngiti--- na syang miss na miss ko na. "Yes! Ako nga!" Wika ni--- Angela Nang magsalita sya ay dito sumabog ang ingay ng buong klase. Hindi kami makapaniwala na ang matagal na naming gustong makilala

