Nilihim ko sa aking pamilya ang tungkol sa sakit ni Angel. Ayokong mag-alala pa sila. Ayokong kaawaan nila kami ni Angel. Naniniwala ako na malalampasan din namin ang lahat ng pagsubok na ito!
Naniniwala ako na malalabanan din ni Angel ang kanyang karamdaman. Ipinagdarasal ko palagi ang agarang paggaling nya.
Nang makalabas si Angel sa ospital ay minabuti ng kanyang pamilya na huminto sa pag-aaral si Angel, para makapagpahinga syang mabuti. At isa pa ay malaki laking gastos ang kinakailangan para sa chemotherapy ni Angel. Gusto kong makatulong. Gusto kong tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ni Angel. Pero paano? Highschool student pa lang ako at walang sapat na kakayahang magkaroon agad ng pera.
Isa lang ang naiisip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ako ng mensahe sa isang group ng mga artist na mahilig sa sketch art.
Ipinost ko ang napakagandang sketch ni Angel. At nilagyan ko ng caption..
-Sa mga may gusto ng ganito kagandang sketch art. P.m nyo lang ako. Pag-usapan natin ang presyo-
Kung may interesado para magpasketch ng kanilang sarili ay mas mabuti iyon. Para kahit paano ay magkaroon ako ng pagkakakitaan.
Bumili rin ako ng mga painting materials at canvas. Bukod sa pagdrawing ng mga mukha ay mahilig din akong magpinta. Hindi ko lang masyadong pinagpapatuloy dahil masyadong mahal ang mga gamit para dito. Pero ngayon, ang kaunti kong naipon ay binili ko ng mga kakailanganin sa pagpinta at ibebenta ko ito online. Wala namang masama kung susubukan.
Inilatag ko sa aking kwarto ang lahat ng materyales sa pagpipinta. At doon ay pinagana ko ang aking imahinasyon..
Ipininta ko ang dalawang magkasintahan na nanonood sa paglubog ng araw. Punong puno ng pag-asa. Punong puno ng pagmamahalan.
Alam kong hindi ko ito matatapos ng ganung kadali, pero atleast meron na akong tema tungkol sa aking ipinipinta.
Biglang namang tumunog ang notification sa f*******:. Pagbukas ko.
Napakarami ko na palang natanggap na mga mensahe.
- Pre interesado ako? Magkano ba magpasketch? Ireregalo ko kasi sa girlfriend ko ang sketch ng mga mukha namin. Kaya mo ba?
-hi. I'm interested with your artworks. Can you sketch my mom?
-how much naman ang magpasketch?
Ang dami kong nareceive na mga mensahe. Sa sobrang tuwa ng puso ko ay hindi ko alam kung sino ang uunahin sa kanila. Basta masaya ako, dahil alam ko kahit paano ay makakatulong na rin ako kay Angel.
Nagsimula na nga ako sa aking bagong raket. Tinawag ko itong "Sketch art and paintings for my Angel"
Hindi ako magkanda-ugaga sa pagtanggap ng mga gustong magpasketch sa akin. Halos ginagabi na ako sa pag-uwe para maiguhit ko sila.
"Salamat Pre ha! Ang galing mo talaga! Tapos murang mura lang. Next time ulit ha!" Sabi ni Frank
Inabutan nya ako ng 500 para sa sketch na ginawa ko.
"Salamat din ha! Irecommend mo ako sa iba mong mga tropa!" Sabi ko naman.
Sa isang araw ay sampo ang iginuguhit ko. Kung suswertehin ay mas madami pa sa sampo. Pero may araw din naman na matumal. Marahil ay naiguhit ko na ang lahat ng gustong magpaguhit sa akin. Kaya kapag may pagkakataon ako ay tinatapos ko na lang ang aking painting.
Habang abala ako sa pagpipinta ay may kumatok sa aking kwarto.
Si mama..
"Anak. Mukhang gabi gabi ay abalang abala ka. Minsan nakakalimutan mo nang kumain!" Sabi nya sa akin.
Sa sobrang abala ko ay wala na akong time sa pamilya ko. Pagkatapos ko kasi ng klase ko ay dumederecho ako sa aking raket. Pagkatapos naman sa raket ko ay agad ko namang dinadalaw si Angel. Kaya talagang hindi na nila ako nakakasama sa hapunan.
"Yung itinabi kong ulam para sayo. Hindi mo ginagalaw? Saan ka ba nagpupunta anak? Ano ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong pa ni Mama
Nilapitan nya ako at tinignan ang aking painting na malapit nang matapos.
Napangiti sya habang tinitignan ang aking painting.
"Ang ganda anak ha! Ito ba ang pinagkakaabalahan mo gabi gabi? Ang galing galing mo talaga!" Sabi ni Mama
Napabuntong hininga ako. Ayokong ikwento kay mama ang totoong dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Ayokong mag-alala syang lalo para sa amin ni Angel.
"Tatapusin ko lang po ito mama, tapos kakainin ko po yung ulam na tinabi nyo. Sorry po kung yung mga nakaraang itinatabi nyo sa akin ay hindi ko nagagalaw.." sabi ko.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Mama. Ang sarap ng yakap na iyon ni Mama. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Parang gusto kong magsumbong kay mama sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.. sobrang sakit..
"Namimiss ko na ang kakulitan mo anak. Ilang linggo ka nang tahimik, hindi nangungulit! Kahit ang mga kapatid mo ay napapansin iyon! Namimiss ka na rin nila.." Sabi pa ni mama.
Mas lalo akong napahikbi habang yakap ni Mama. Napapansin din pala ng pamilya ko ang malaking pagbabago ko mula ng magkasakit si Angel.
"Alam ko may problema ka. Sabihin mo anak. Nandito si Mama. Nandito kaming lahat para sayo.."
Niyakap pa akong muli ng mahigpit ni mama. Siguro bilang ina ay nararamdaman nya kung may malaking problema ang bawat isa sa mga anak nya. Nararamdaman ni mama ang bigat ng dibdib na dinadala ko.. hindi ko na kaya. Parang sasabog na ang dibdib ko.
"Ma.. na-natatakot ako.. ma.." hikbi ko pa kay Mama.
"Anong problema anak.."
Pinunasan ni mama ang luha sa mga mata ko. Sa unang pagkakataon ay umiyak ako kay Mama ng ganito..
"Ma.. may leukemia si Angel.. kailangan ko silang tulungan para sa pangchemo nya.. ma.. ayokong mawala si Angel.." iyak ko sa harapan ni Mama.
Nakita ko ang pagkagulat ni Mama sa mga sinabi ko. Batid ko ang pag-aalala nya. Alam kong gusto nyang pagaanin ang loob ko. Marahan pa nyang hinimas ang likuran ko.
"Hayaan mo anak. May awa ang Diyos. Ipagdasal na lang natin ang paggaling ni Angel. Basta anak. Ingatan mo din ang sarili mo.. kapag ikaw naman ang nagkasakit, si Angel naman ang malulungkot.." sabi ni Mama.
Binigyan ako ni Mama ng isang napakatamis na halik sa aking noo. Sa halik ni mama biglang gumaan ang loob ko.. iba talaga kapag karamay mo ang nanay mo sa lahat ng problema. Da best talaga si mama Emz.
Marahang lumabas si Mama ng aking kwarto. Nilingon ko syang muli at binigyan ko sya ng magagandang ngiti. Lalaban pa rin ako! Lalaban kami ni Angel!
Agad ko nang tinapos ang aking painting. Sa palagay ko ay napakaganda ng ginawa kong ito.
Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan ko ang aking painting.
Pinost ko ulit sa group kung sino ang interesadong bumili. Bukas alam ko tatadtarin na naman ako ng mga message tungkol dito.
Niligpit ko nang lahat ang mga kalat ko at bumaba na ako sa kusina para kainin ang inihanda sa akin ni Mama.
Kinabukasan nga ay maraming nagmessage sakin patungkol sa painting ko. Pero napukaw ng isang mensahe ang atensyon ko.
Galing kay Michael Angelo ang message.
-Interesado ako sa painting. I will buy your artwork for fifty thousand pesos-
Nagulat ako sa laki ng inaalok nya. Hindi pa naman ako ganun kagaling at kasikat pero babayaran nya ang painting ko ng ganun kalaki.
Agad akong nakipagkita sa kanya. Nagkita kami sa isang coffeshop malapit sa school namin.
Kinakabahan ako habang hawak ko ang painting na ginawa ko. Malaking tulong na ang perang iyon para sa pagpapagamot ni Angel.
Lumapit sa akin ang isang matandang lalaki. Sya ba si Michael Angelo?
"Hindi ako si Michael Angelo. Nasa loob sya ng sasakyan at hindi nagpapakita sa kahit na sino. Sobrang nagustuhan nya ang painting mo. So here's your payment, pakibilang na lang!" Sabi nito
Nanginginig kong inabot ang envelope na may lamang pera. Halos maiyak ako nang makita ko ang tig-isang libong piso sa loob ng envelope.
"Sa-salamat po!" Ito lang ang tangi kong nasabi sa kanya.
Napatingin ako sa nakaparadang sasakyan kung saan sakay nun ang totoong bumili ng painting ko. Gusto ko sanang personal na magpasalamat sa kanya pero paano? Ayaw nyang magpakilala. Sana balang araw ay magtagpo ang landas namin.
Nagpaalam agad ako sa lalaki ng makuha ang pera. Bumalik ako sa bahay para kunin ang iba pang perang naipon ko.
Nakaipon din ako ng ten thousand mula sa pagsketch nung mga nakaraang araw..
Napangiti ako. Agad akong nagtungo sa bahay nila Angel para ibigay ang mga ito sa magulang nya. Alam kong makakatulong ang mga ito sa kanyang chemotherapy.
"Miguel. Ang laki naman nito. Sigurado ka ba na ibibigay mo ito para sa mga gamot ni Angel?" Pagkagulat ni Tita Carmen ng makita ang inabot kong envelope.
Napabuntong hininga ako.
"Opo Tita. Pinaghirapan ko ang lahat ng yan! Nagbenta po ako ng painting na ginawa ko. Para kay Angel gagawin ko ang lahat gumaling lang sya. Gagawa pa po ako ng maraming painting para sa kanya!" Masayang sabi ko.
Bigla na lang umiyak sa harapan ko si Tita. Niyakap nya ako ng mahigpit. Lubos syang nagpapasalamat sa pagmamahal na pinapakita ko sa anak nila.
Para sa akin ay hindi ako magsasawang gumawa ng paraan para matulungan ko sila.
Agad akong pumunta sa kwarto ni Angel. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko syang nakatulala at sobrang tamlay ng kanyang itsura. Maputla na rin ang mga labi nya.
Hindi nya ako pinansin ng pumasok ako sa kanyang kwarto. Nakatingin lang sya sa may bintana at tila malalim ang iniisip. Napansin ko din na hindi nya ginalaw ang mga pagkain nya.
"Mahal.. Hindi mo yata nagalaw ang pagkain mo? Hinihintay mo siguro na subuan kita noh?" Sabi ko
Umupo ako sa tabi nya at kinuha ko ang pagkain nya. Naglagay ako ng kanin at ulam sa kutsara at inilapit sa bibig nya.
"Kain na mahal..." sabi ko
Pero iniwas nya ang ulo nya sa pagkaing inilapit ko sa kanya.
"Ayaw mo ba nito? Sabihin mo kung ano ang gusto mo? Bibilhin ko!" Sabi ko
Pero parang walang naririnig si Angel. Hindi nya ako pinapansin buhat kanina. Nilapag ko ang plato ng pagkain nya sa mesa.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Miss na miss ko na ang mga yakap ko sa kanya.
Pero itinulak nya ako..
Nagulat ako ng pinagtabuyan nya ako. Nakita ko ang galit sa mga mata nya.
"Umalis ka na dito!!!" Sigaw nya
Nagkunot ang noo ko sa mga ikinikilos nya. Bakit galit na galit sya sa akin? Anong nagawa kong masama sa kanya? Ayoko na nagkakaganyan sya..
Lumapit pa ako sa kanya at marahang hinaplos ang balikat nya. Pinipilit kong pakalmahin sya.
"Mahal ano bang nangyayari sayo? Ayaw mo ba akong makita?" Sabi ko.
Lumingon sya sa akin. Galit na galit ang mga mata nya. Nararamdaman ko ang galit nya sa akin. Pero bakit???
"Umalis ka na! Iwan mo na lang ako! Mamamatay na ako! Hindi mo ba naiintindihan yun??? Maghanap ka na ng iba!!" Sigaw nya.
Parang nadurog ang puso ko sa mga sinabi nya. Sumusuko na ba sya? Hindi nga sumagi sa isip ko ang mga sinabi nya.. ayoko!!! Hindi mangyayari yun..
"Hindi ka mamamatay! Lalaban tayo di ba?? Lumaban ka naman.. para sa sarili mo. Para sa pamilya mo.. kahit wag na sa akin." Tugon ko sa kanya
Hindi na napigilan pa ni Angel ang umiyak. Kinuha nya ang kanyang unan at tinakpan nya ang kanyang mukha. Doon ay ibinuhos nyang lahat ang sakit na nararamdaman nya. Umiyak sya ng umiyak at inilabas ang bigat na nararamdaman nya.
Hinagod kong mabuti ang kanyang likuran.. pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa gustong gusto lumabas.
"Wag ka naman sumuko mahal.. please.. nandito kami para sayo.. kasama mo kami.. hinding hindi kita ipagpapalit.." sabi ko
Pero parang matigas na ang kanyang puso.. pinagtabuyan nya akong muli.
"Umalis ka na lang please.." pagmamakaawa nya.
Parang nawasak ang puso ko at unti unti pang inapak apakan sa sobrang sakit ng mga narinig ko sa kanya.
Pinapaalis na ba nya ako sa buhay nya? Hindi ko kaya..
"Please.. huwag ka nang magpapakita sa akin.. tapos na tayo!!" Sabi nya
Dumaloy ang luha sa mga mata ko nang marinig ko iyon.. sumikip ang dibdib ko na para bang may tumusok tusok sa puso ko.
Sobrang sakit. Sa kabila ng karamdaman nya ay nakuha pa nyang makipaghiwalay sa akin.. bakit? Bakit?
Halos mapuno ng luha ang mga mata ko na dumadaloy sa pisngi ko. Ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng ito. Ni sa hinagap ay hindi ko lubos maisip na iiyak ako at masasaktan ng ganito.
Pumasok sa loob ng kwarto si Ate Jenna at marahan nya akong hinatak palabas ng kwarto ni Angel.
"Miguel.. baka nalulungkot lang ng sobra si Angel. Hayaan mo baka sa mga susunod na araw ay maging ayos na sya.. pasensya ka na.." halos pabulong na sabi nya.
Muli ko pang nilingon si Angel na nakatakip pa rin ang unan sa kanyang mukha...
Hindi ako susuko. Hindi ko sya susukuan.. dahil mahal na mahal ko sya.
Ipagtabuyan man nya ako ng paulit ulit.. sa kanya pa rin ako babalik..