Chapter 7

2015 Words
Tatlong taon ang lumipas… Naging animo’y bagong tao ako. Nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Naging seryoso, tahimik at hindi na kumikibo. Magsasalita lamang ako kapag may magtatanong sa akin. Dahil ang dating palabiro, bully at masayahing Migz, ay pumanaw na rin kasabay ni Angel. Sa loob ng tatlong taon ay wala akong ibang inatupag kundi ang pag-aaral. Iyon na lamang ang maibibigay ko kila mama at papa. Iyon na lang ang paraan ko para makatakas sa bangungot ng kahapon. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ko pa rin nalilimutan ang mga alaala ni Angel. Sariwa pa rin ang lahat ng alaala nya dito sa puso ko. Hinding hindi na mabubura. Hinding hindi na mapapalitan pa At ang tungkol kay Michael Angelo? Hindi na nya ako kinulit pa. Hindi na sya nagparamdam pa. Makailang buwan din syang nangungulit sa akin noon na gumawa pa ng mga paintings pero hindi ko pinapansin ang lahat ng mga mensahe nya sa messenger. Naging tahimik ang buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Pero isang araw habang pauwe kami ni Kate galing sa school ay bigla na lamang tumunog ang sss messenger ko. Nagulat ako sa mensaheng natanggap ko. Michael  Angelo: I am inviting you to visit my art museum located in Pasong Tamo Makati. You can attend my art class for free. Please send me a message if you are interested. "Kuya ang tagal mo naman! Ang init init na dito oh!" Pagrereklamo ni Kate Kahit kailan ay napakaarte ng kapatid kong ito. Agad kong itinago ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Hindi na ako interesado pa sa mga sinabi ni Michael Angelo. Nagbabalik na naman sya para manggulo. Ibinaon ko na talaga sa limot ang talento kong iyon. Inayos ko ang helmet ng kapatid ko dahil  mali ang pagkakasuot nya dito. Nakatingin lang sa akin ang kapatid ko habang inaayos ko ang helmet nya. "Salamat Kuya." Biglang umamo ang tono nya at niyakap nya ako. Napailing na lang ako. Pero hinimas ko na lang ang likuran ng kapatid ko. Malambing si Kate at hindi ko itinatanggi iyon. Mas madalas nga lang ang kaartehang pinapakita nya. Marahil ay namiss nya ang mga pang-aasar ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung kailan babalik ang kuya na nakasanayan nya. Sumakay na kami sa motor ko. Umuwe na kami ni Kate. Gaya ng kinagawian ko ay dumeretso ako sa aking kwarto. Bababa na lang ako kapag tinawag ako ni mama. Hindi na ako masyadong nakikipag-usap sa mga kapatid ko. Habang nagbibihis ako ay panay ang padala ng mensahe ni Michael Angelo. Ang dami nyang alok para sa akin. Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. Ako: Hindi po ako interesado. Pasensya na po. Salamat! Inihagis ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Naupo na lang ako sa dulong bahagi ng aking kama, habang nakamasid sa may bintana ng kwarto ko. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung kailan ba mawawala ang bigat ng dibdib ko?  Hanggang ngayon, hindi parin ako masaya. Bigla ulit tumunog ang cellphone ko. Napailing ako dahil nag-uumpisa na namang mangulit si Michael Angelo.. Michael Angelo: Maghihintay ako kapag ready ka na. Marami ka pang matututunan sa art class ko. Napabuntong hininga na lang ako at agad ko na lang inoff ang cellphone ko. Ayoko nang maistorbo pa. Ayoko nang makatanggap ng mensahe mula sa kanya. Tinalikuran ko na talaga ang art. Kaya nga ang kinuha kong kurso ay Medical Technology, malayo sa kursong pangarap ko, ang Fine arts. Napasalampak ako sa higaan ko. Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko. Napaaga yata ng tawag si mama? Kakain na ba kami? Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si ate Liza. Nakangiti sya sa akin. “Pwede bang makipagkwentuhan sa kapatid ko?” tanong nya Napangiti ako ni ate. Pinatuloy ko sya sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit nandito si ate Liza. Lagi na lang nya akong inaalala mula nung mawala si Angel. Sya ang naging sandigan ko sa lahat ng pagdadalamhati ko. “kamusta? Namimiss ka na namin sa baba” sabi nya Napakamot ako ng ulo. Magdadrama na naman ba ang ate ko? “Ate ayos lang ako.” Matipid na sagot ko. Kinuha ni ate ang mga libro ko na nakapatong sa study table ko. Binuklat nya ang mga ito. “Alam mo kung bakit hindi ka masaya?” sabi nya Nagulat ako sa sinabi ni ate, talagang deretsahan nyang sinabi sa akin na hindi ako masaya. Alam ko naman na nararamdaman nila ang kalungkutan ko. Ayoko din naman ng nararamdaman ko pero anong gagawin ko kung ayaw mawala ng sakit? Kahit ako ay pangarap ko na mawala na lang ang sakit. Gustong gusto ko nang maging masaya ulit. “Piliin mo dapat yung magpapasaya sayo." Sabi pa ni ate Tumayo sya at hinagod ang ulo ko. Parang ginulo nya yung buhok ko. "Yung pagpipinta? Masaya ka dun di ba? Sana ipagpatuloy mo yun. Namimiss ko na mga paintings mo." Nakangiting sabi pa ni Ate Liza Napabuntong hininga sya at nasilayan ko ang seryosong mukha nya habang patuloy na nagsasalita sa harapan ko. "Pwede mo naman kaming maging subject sa paintings mo, sabihin mo lang. Magiging masaya din ako kapag bumalik ka na sa pagpipinta. Hihintayin ko yun, Bro!” Dagdag pa ni ate Parang may kumurot sa puso ko. Tama si ate, masaya talaga ako kapag nagpipinta, pero ayoko lang balikan pa iyon. Dahil ganado lang naman akong magpinta kapag si Angel ang subject ko. Kaya nang mawala si Angel, ay kinalimutan ko na rin ang lahat ng tungkol sa painting.. nang tungkol sa art! Pero hindi ko naisip na meron pa nga pala akong pamilya na pwede kong maging subject sa mga painting ko. Hindi ko naisip na isa rin sila sa napakagandang subject na pwede kong maging inspirasyon. “Subukan mo ulit magpinta, susuportahan kita!” paguudyok pa sa akin ni ate. Matipid lang akong ngumiti sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita pa. Wala naman akong masasabi. Ayokong kontrahin ang sinabi ni Ate. Lumabas na ng kwarto ko si Ate. Naiwan akong mag-isa. Napaisip ako sa lahat ng sinabi nya. Inihagis ko ang sarili ko sa kama at hinawakan ko ang noo ko. Pumikit ako at nagmuni muni. Ang pagpipinta ay isa talaga sa nagpapaligaya sa akin. Pero kailangan ko nga sigurong yakapin muli ito para gumaan ang pakiramdam ko. Ang pagpipinta rin ay isa sa mga bagay na nakakapag-alis ng problema ko. Kailangan ko na yatang bumalik sa hilig ko, para manumbalik ang dating ako? Kailangan ko na sigurong balikan ang unang bagay na minahal ko, kailangan ko na uling subukang magpinta para maging maligaya na muli ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Inopen ko ulit ito at hinanap ang mensahe ni Michael Angelo. Ako: Handa na ako, pupunta ako sa art museum mo pagkatapos ng klase ko. Hindi nagtagal ang reply ni Michael Angelo. Michael Angelo: Salamat! Hihintayin kita bukas.. Pagkatapos nga ng klase ko kinabukasan ay hinatid ko muna si Kate sa bahay bago ako dumiretso sa address na binigay ni Michael Angelo. Nakarating ako sa isang malaking art museum. Sa labas pa lang ay napakaganda na ng lugar. Pagpasok ko ay naglog-in lang ako sa guard at itinuro ako sa isang silid na nasa dulong bahagi ng pasilyo. Pero pagpasok ko ay bumungad sa akin ang naglalakihan at naggagandahang paintings. Bumalik lahat ng alaala ko sa pagpipinta. Namiss ko bigla ang gumihit at magpinta. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa mga pintor na gumawa ng mga paintings dito, dahil nakadisplay sa art museum na ito ang gawa nila. Habang iniisa isa ko ang bawat painting sa gallery ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang painting na ginawa ko 3 years ago. Yung painting na binili sa akin ni Michael Angelo. Yung dalawang magkasintahang nanonood sa napakagandang takip silim. Biglang bumagsak ang luha ko. Naalala ko na naman ang mahal kong si Angel. Naalala ko na naman ang masasaya naming alaala. Iningatan ni Michael Angelo ang gawa ko. Hindi ko akalain na mapapabilang ang gawa ko sa hilera ng mga nagagandahang paintings dito. Habang pinupunasan ko ang mga luha ko ay nakita ko ang grupo ng mga estudyante na nagmamadaling tumakbo patungo din sa silid na pupuntahan ko. “Bilisan nyo at baka magalit si Michael Angelo kapag na-late tayo. Excited na rin akong makilala sya” sigaw ng isang babae Kumakaripas sila ng takbo at halata ang pananabik  sa mga mukha nila. Sila siguro ay mga estudyante din ng art class ni Michael Angelo. Maging sila ay ngayon lang masisilayan ang lalaking may misteryosong pagkatao? Nagsimula na akong maglakad patungo sa silid. Ngunit ilang saglit lang ay nakita kong inunahan ako sa paglalakad ng isang babae. Nagmamadali din sya. Tila ba may humahabol sa kanya sa estilo ng paglalakad nya. Nasasabik din ba syang makilala si Michael Angelo? Ang weird naman nila. Sa pagmamadali, ay nalaglag ang mga lapis na hawak nya. Parang bumagal ang oras nang lumingon sya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Pero tila may kumurot sa kaloob looban ng dibdib ko, biglang kumalabog ang puso ko. Nagulat ako! Nagulat ako sa itsura nya. Kilala ko ang mga matang iyon. Alam na alam ko ang itsura ng labi nya. Hindi ko makakalimutan ang matangos nyang ilong. Nakatatak sa puso at isip ko ang bawat hibla ng buhok nya. Ang kilos nyang kay hinhin na syang nagustuhan ko sa kanya ay nandito pa rin sa puso ko. Bigla akong kinabahan. Totoo ba ang lahat ng ito? Nagbabalik ba sya? Buhay sya? “Angel?” halos garalgal kong tawag sa kanya. Namuo na naman ang mga luha sa mata ko. Hindi napigilan ng puso ko. Parang sasabog sa sobrang saya at tuwa. Lumingon syang muli sa akin. Pero parang may pagtataka sa buong mukha nya. Tinitigan nya rin ako gaya ng pagtitig ko sa kanya. Parang kinakalkula nya kung magkakilala ba kaming dalawa. “Yes? Do I know you?” tanong nya Pati ang maamo nyang boses na matagal ko nang gustong marinig ay nagbabalik muli? “Ikaw nga si Angel? Buhay ka? Pero paano?” sunod sunod na tanong ko Sya ba talaga ang Angel ko? Dahil buong pagkatao ni Angel ay kuhang kuha nya. “I’m Angela Pacheco. Yes, I’m Angel. At buhay na buhay ako.” sabi nya Parang bumagsak ang mundo ko sa sinabi nya. Hindi sya ang Angel na minahal ko. Ibang tao sya. Ibang babae ang nasa harapan ko. Pero bakit kamukhang kamukha nya si Angel? Bakit? Bakit kami pinagtagpo ng taong kamukhang kamukha ng mahal ko? “Pupunta ka rin ba sa art class  ni Michael Angelo? Halika na at baka mahuli pa tayo.” Pag-yaya nya Pinulot nya muna ang mga nalaglag nyang mga lapis saka mabilis na tumakbo papunta sa art class room. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Nakuha nya ang atensyon ko. Aaminin ko, napangiti nya ang puso ko. Binuhay nyang muli ang natutulog na puso ko. Agad ko na syang sinundan at agad na nagtungo sa classroom. Pagpasok ko sa loob ay naroon na ang iba pang mga estudyante. Nasa sampu siguro kami. Nakita ko si Angel na masaya nang nakikipag-usap sa iba pang mga estudyante. Naupo ako sa likurang bahagi ng classroom. Lihim ko syang sinusulyapan. Lihim akong nagingiti at naliligayahan. Bumabagal ang ikot ng orasan sa tuwing titignan ko sya. Bawat buka ng bibig nya, bawat pilantik ng kamay nya. Bawat hagod ng mga kamay nya sa kanyang buhok, bawat pagkurap ng mga mata nya ay kuhang kuha nya ang imahe ng Angel ko. Ang sarap nyang pagmasdan. Gustong gusto ko syang yakapin pero alam kong hindi maaari dahil baka ikagalit nya ito. Miss na miss ko na sya. Nagsisimula na namang magtubig ang mga mata ko. Pero pinigilan ko. Hindi ko hinayaan na may tumulo kahit isang patak ng luha sa mga mata ko. Ilang saglit lang ay may pumasok sa loob ng aming klase. Natahimik ang lahat. Lahat kami ay nakamasid sa lalaking nakawhite longsleeve at itim na pantalon.  Nakasuot din sya ng itim na leather shoes at mukhang kagalang galang na tao. May dala syang baston at mukhang strikto. Lahat kami ay hindi makapagsalita! Lahat kami ay natulala! Natakot ako nang magtama ang mga mata namin. Muling kinabahan ang puso ko. Bakit ganun na lang ang titig nya sa akin? Sya ba si Michael Angelo??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD