Angela Pagsapit ng January ay nagpatuloy ang panliligaw sa akin ni Migz. Hindi sya nagsawang bigyan ako ng mga bagay na nagdudulot ng kilig at kasiyahan para sa mga babae. Habang palabas ako ng Universidad na pinapasukan ko ay abalang nagkukwentuhan ang mga kaibigan kong sina Shane at Denise. Habang ako naman ay abalang abala sa paghahanap ng cellphone sa loob ng bag ko. "Saan ba tayo ngayong weekend? Gusto kong magchill. Sobrang nakakastress ang week na 'to!" Tanong ni Shane. "Yeah right! Gusto ng sumuko ng utak ko sa dami ng gagawing mga reports." Ani Denise Maya maya lang ay bigla silang nanahimik. Hindi ko na iyon pinansin dahil hindi ko makita ang cellphone ko. Oh my! Saan ko na ba nailagay iyon? Bakit wala dito sa bag ko. "Oh my God! Sobrang gwapo naman nya, girl!" "Loo

