Angela "Ma'am pasensya na po, hindi ko kayo masasamahan ngayong pasko. Kailangan ko kasing umuwe ng probinsya para makapiling ko naman ang pamilya ko." Mahinang wika sa akin ni Manang Halos hindi ako makangiti nang lingunin ko sya. Isa si Manang Ester sa mga kasama ko para ipagdiwang ang pasko nitong mga nakalipas na taon. Ngunit ngayong taon ay literal na mag-isa kong sasalubungin ang pasko at bagong taon. Nauna nang magpaalam ng leave sa akin ang dalawa kong kasambahay at ang driver kong si Mang Joey. Lahat sila ay may pamilyang uuwian para ipagdiwang ang pinakamasayang okasyon ng taon. "Ayos lang Manang, mag-iingat ka na lang sa biyahe." Wika ko Kumuha ako ng pera sa wallet. Inabot ko sa kanya ang five thousand pesos. Halos malaglag ang mga panga nya ng makita ang iniaabot ko

