Halos isang balde na yata ng pawis ang lumabas sa buong katawan ko dahil sa sobrang kaba! Nagmadali akong lumabas sa kwarto ni Angela at dumerecho sa kwarto ko. Hindi pa naman lumalabas si Mama ng kanyang kwarto ng mga oras na iyon. Marahil ay binuksan nya lang ang pintuan. Takot din kasi talaga sa dilim si Mama kaya mabuti na lang at hindi pa sya nakakalabas. Pagdating sa kwarto ko ay napasandal ako sa likod ng pintuan nito. Mas nakahinga ako ng maluwag. Napailing na lang ako sa mga kalokohang pinaggagagawa ko. Muntikan na kaming mahuli ni Angela kanina. Mabuti na lang at mabilis ang kilos ko. "Migz! Ang flashlight!" Si Mama Kumakatok na sya sa kwarto ko. "Wait Ma, hinahanap ko pa po." Agad akong nagtungo sa cabinet ko at hinanap ang kailangan ni Mama. Nang makita ko it

