Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay saktong bumuhos ang malakas na ulan. Halos magiba ang bubong namin sa lakas ng mga patak nito. “Naku! Parating na si Omeng!” sigaw ni Kate Omeng ang pangalan ng bagyo na papasok sa bansa. Kanina pa masama ang panahon at ngayon nga ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ayon sa balita ay saktong alas onse ng gabi papasok sa Metro Manila ang mata ng bagyo, ngunit ngayon pa lang ay baha na sa buong kamaynilaan. “Mabuti pa at dito mo na lang patulugin si Angel. Delikado na sa labas.” Wika ni Mama “Ma, Angela po.” pagtatama ko Napahawak sa kanyang bibig si Mama. “Ay oo nga pala, pwede bang Angel na lang din ang itawag ko sayo para dalawang syllables lang.” wika pa ni Mama Tumango naman si Angela. “Okay lang po Tita, Actually Angel din po ang t

