Isang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin nagpapakita sa amin si Michael Angelo. Ang huling banggit sa amin ni Maestro ay may mahalagang negosyong inaayos si Michael sa ibang bansa. Hanggang ngayon ay nasasabik pa rin akong makilala sya at makapagpasalamat sa kanya ng personal. "Sino ba sa inyo ang may ideya ng itsura ni Michael? Curious lang ako!" Nagtatakang tanong ni Tin "Ang daya nga ni Michael Angelo eh, nangako sya sa akin na ipapakita nya ang ibang mga paintings nya. Pero hanggang ngayon, kahit sya hindi ko pa rin nakikita!" Pagmamaktol ni Angela "Baka naman, pangit sya kaya ayaw magpakita!" Natatawang wika naman ni Lovely Nagtawanan ang ibang mga estudyante sa biro ni Lovely. "Pero laking pasalamat pa rin natin sa kanya kasi may libreng art class sya para sa mga desp

