Chapter 11

1978 Words

Isang lingo ang lumipas… Inihahatid ko muna sa bahay si Kate galing sa Universidad na pinapasukan namin bago ako nagtutungo sa art class. Nang makababa sya ng motor ko at tanggalin nya ang helmet sa kanyang ulo ay agad kong hinablot ito sa kanya. Nagtataka syang tumingin sa akin. “Saan mo dadalhin yan Kuya?” maarte nyang tanong “Makikisabay kasi sa akin pauwe mamaya ang kaibigan ko.” Sagot ko Teka! Hindi naman dapat ako nagpapaliwanag sa kanya. Nakita ko ang pagrolyo ng mga mata nya. “Ewwww! Baka may kuto o balakubak ang gagamit nyan ha. O baka ang baho ng anit? Wala bang iba? Yan talagang helmet na sinusuot ko ang ipapagamit mo?” maarte nyang sabi sa akin. Ang sarap hambalusin ng helmet ang kapatid ko. Napakaarte nya talaga! “Baka ikaw ang may kuto!” pang-aasar ko na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD