Third's PoV Sa bayan ng Oracio - isang lugar na kung saan nakatira o nakadestino ang mga militar at pulisya. Tahimik at payapa sa lugar na 'yon ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sa labas na puno ng katahimikan ay ang magulo at maingay na pamilya sa loob ng tahanan. "Iyak na naman! Patahimikan mo 'yan! Oh ako ang magpapatahimik diyan sa anak mo!" Sigaw ng isang lalaki habang padabog na tumayo sa hapag kainin. Napapikit naman si Adina- ina ni elma habang mariin ang pagkakahawak sa kutsara't tinidor na sana'y ilalapag sa plato ng kaniyang asawa. Patuloy sa pag-iyak ang isang one year old na bata na si elma sa kaniyang crib. Lalapitan na sana ng ama ang anak pero biglang binuhat ito ni Adina at dinistansya sa asawa. Alam niya na sa ano mang oras ay masasaktan ang kaniyang anak

