Lumipas ang linggo matapos ang kaarawan ni elma, hindi na niya muling nakita ang batang lalaking nakasama niya. Masayang masaya si elma sa mga regalo at pabating natanggap niya galing sa mga kalaro. Nagdidilig si elma tuwing umaga at nakasanayan niya na ito. Bilang lang ang mga batang nakakasama niya kahit na maraming bata ang nasa bahay-ampunan. Iniisip ng mga bata na iba si elma sa kanilang lahat dahil malapit siya kay sister meralda. Kaya naman inakala ng ibang bata ay espesyal si elma. “Kulang pa tayo ng isa. Uhm, paano n’yan?” tanong ng isang bata na naglalaro sa kaniyang mga kalaro. Lumilingon-lingon sila upang makahanap ng isa pang bata upang isali sakanilang laro. Sakto naman ay nando’n si elma at nagdidilig. Lumapit ang mga bata sakaniya at inaanyaya upang sumali. “Elma, gusto

